16

6.7K 161 0
                                    

"Naka-tattoo ka na kasi sa isipan ko. Imposible ka nang mabura." Napakamot ito sa kilay nito, dahil sa kakesohang sinasabi nito, nahihiya ito! "Meeting someone was indeed fate, becoming friends was a choice. But falling in love was beyond control." Napapiksi siya nang halikan nito ang ibabaw ng kamay niya, "Can you try to find a place for me, somewhere in your heart? I don't care where it might be, kahit sa pinakasulok na, basta nandyan lang ako sa loob."

"Grant kasi..." Mahal kita, Grant! Gusto niyang sabihin, pero bago pa niya sabihin ang mga katagang 'yon, gusto muna niyang sabihin ang bumubulabog sa isipan niya—her lies, pero hindi niya alam kung papaano.

"I will give you time to think and decide," nakangiting sabi nito. "Pero kapag hindi na ako makapaghintay, I will just snatch your heart away, para siguradong akin ka pa rin."

Hindi na niya napigilan ang kanyang sarili—tuluyan na niya itong niyakap nang mahigpit, kasabay nang pagpatak ng kanyang mga luha. She loves this man! He's the best thing since God made men.

She felt his sincerity. He loves her. Pwede bang ganito na lang sila forever? Pero tiyak na masasaktan niya ito sa malalaman nito.

"Thank you," bulong niya. Gumanti ito nang yakap, ngayon ay mas mahigpit na ang yakap nito sa kanya. Thank you for making me feel loved.

KINABUKASAN ay pumasyal sila sa farm ng mga Mondragon, namitas sila ng iba't ibang mga prutas; rambutan, mangga, lansones at marami pang iba. Ipa-package na lang nila ang mga 'yon pabalik ng Manila.

Kinahapunan ay nagkaroon sila nang kaunting salu-salo, kasama ng mga kaibigan ni Grant.

"Jo, kapag ayaw na sa 'yo ni Grant, tawagan mo lang ako, in a seconds nasundo na kita sa Manila at naiuwi na kita dito." Nakangiting sabi ni Troy.

"Sige," natatawang biro niya.

"Anong sige?" kunot-noong tanong ni Grant. "As if I would allow that to happen," anito, saka nito hinawakan nang mahigpit ang kamay niya, saka ito bumaling kay Troy. "Asa ka!" saka ito binelatan ang kaibigan. Natawa tuloy sina Gray at Tycho.

"So, ibig bang sabihin ay kayo na?" nanunuksong sabi ni Tycho.

"Aamin na ba kayo na hindi lang Boss-Employee ang drama niyo?" segunda naman ni Gray.

"Secret," nangingiting sabi ni Grant, saka nito hinalikan ang sintido niya.

Hindi na rin tuloy niya napagilang mapangiti.

"You're making me jealous to death!" tila batang sigaw ni Troy.

"Maghanap ka na lang ng iba, 'tol. Exclusive nang pag-aari ni Grant si Jo, off limits." Natatawang sabi ni Tycho.

"Sige na nga, kung hindi lang kita kaibigan e," natatawang sabi ni Troy kay Grant, saka nito inabot ang kamay sa kanya. "Friends?" Ngunit nagulat siya nang si Grant ang nakipagkamay dito.

"Friends." Sagot ni Grant.

Nagtawanan na lang silang lahat. Nagpasalamat na rin siya kay Tycho para sa pakikisosyo nito sa Sweet candies ng parents niya. Pagkatapos nilang kumain at magkakunwetuhan ay nagpaalam na rin ang mga kaibigan nila.

Nagtungo na rin sila ni Grant sa kani-kanilang mga kuwarto para mag-impake. Kinabukasan ay nag-ayos na sila ng kanilang mga gamit at mga packages. Umalis sila ng alas tres ng hapon sa hacienda papunta sa airport at alas singko na sila nakarating sa Puerto Princesa International Airport, mahigit isang oras din ang pabalik ng Manila sakay ng eroplano. Nakapagpa-reserve na si Grant ng plane tickets nila via internet kagabi na pabalik ng Manila.

Alas sais pasado na ng hapon sila nakarating sa Manila. Maaga siyang nagluto ng dinner, kasama si Grant. They had fun cooking their foods together. Gusto niyang alisin muna ang anumang gumagambala sa isipan niya. Gusto niyang sumaya muna with Grant, kahit sandali.

Nang matapos silang kumain ay silang dalawa na rin ang nagligpit at naghugas ng mga pinagkainan nila. Nauna nang nagtungo si Grant sa kuwarto nila, napangiti siya sa kanyang sarili dahil hindi na pumapayag si Grant na kung saan-saan siya natutulog, ang gusto nito ay sa kama na rin siya, nahiya siya no'ng una, pero dahil may unan namang nakapagitan sa kanila, hindi na siya nag-inarte pa. Saglit muna siyang nanood ng TV, bago sumunod sa loob ng kuwarto.

Pagkapasok niya sa loob ay natigilan siya sa pagpasok nang makita niya kung ano ang ginagawa ni Grant—nasa harapan ito ng kama at nakatalikod sa pintuan, naka-robe ito at mukhang bagong ligo. Tanging ilaw lang sa lamp shade sa bed side ang ilaw noon.

He is humming and singing, then suddenly ay nagulat na lang siya nang sumayaw ito to the tune of Thinking out loud by Ed Sheeran.

"And darling I will be loving you 'till we're seventy," pagkanta nito, kasabay nang paggiling ng katawan nito. Muntik na siyang masamid sa sarili niyang laway dahil sa ginagawa nito. Si Grant ba talaga ito? What the—! "And baby my heart could still fall as hard at twenty three..." Natutop niya ang kanyang bibig para pigiling matawa. Malambot pala ang katawan nito at maganda pa ang boses. He's so cute! "And I'm thinking 'bout how people fall in love in mysterious ways... Maybe just the touch of a hand..." She is staring at him intently at ayaw na niyang kumurap para hindi mapalagpas ang anumang eksena sa mini-performance nito. She loves watching him. He loves him!

Nagulat ito nang pagkatapos nitong kumanta at sumayaw ay pinalakpakan niya ito, mabilis itong humarap sa kanya ay napangiti na lang, she bet hiyang-hiya ito sa ginawa nito dahil nakita niyang napakamot ito sa kilay nito. He's so cute!

We Got Married (Published under PHR-COMPLETED)Where stories live. Discover now