10

7.1K 157 0
                                    

SA HACIENDA Mondragon sila dumiretso ni Grant after their two days stay in a Hotel in Palawan, at mula sa Puerto Princesa International Airport ay may sumundo sa kanilang sasakyan papunta sa hacienda.

Parang siya lang yata ang nasiyahan sa Palawan vacation nila, swimming here and there ang ginawa niya, kaya nga medyo nag-tan ang kulay niya, pero walang kaso sa kanya.

Samantalang ang kasama niya ay abala sa mga phonecalls nito sa kompanya. Ngali-ngaling hilain na nga niya ito para isamang mamasyal, kaso mukhang seryoso ito sa kausap nito.

Naikuwento ng Mommy nito na ang Hacienda na 'yon ay pagmamay-ari ng pamilya ni Grant; his deceased grandparents on his father side. Mayaman talaga ang pamilya nito dahil napakalawak ng lupain ng mga ito. Hindi na nga niya matanaw kung saan ang hangganan ng lupain.

Nakakalula sa laki ang mansion ng pamilya, may malawak na bakuran na pwede pa yatang tayuan ng isang Mall, malaking pool, malawak garahe na pinamamahayan ng iba't ibang mamahaling mga sasakyan at iba pa. Para siyang nasa isang panaginip, totoo palang may ganito kayamang mga tao.

"Ang ganda naman po dito sa Hacienda niyo." Namamanghang sabi niya kay Grant.

Sinundo sila ng driver ng pamilya Mondragon sa Airport kanina papunta sa Hacienda, halos dalawang oras din ang biyahe from the Airport to Hacienda.

Hindi siya inimik nito, nagpatuloy lang ito sa paglalakad papasok sa loob ng bahay. Mas nanlaki pa ang mga mata niya nang makita niya ang kabuuan ng loob ng bahay—panalong-panalo! Pakiramdam niya ay isa siyang Prinsesa na naglalakad sa isang carpeted aisle. May tatlong palapag ang bahay at may pagka-spanish ang dating ng mga desinyo at kagamitan.

"Wala talagang nakatira dito? Sayang naman..." komento niya, habang pinapaikot-ikot ang kanyang mga mata sa malaking kabahayan.

"Pumili ka na lang ng kuwarto mo sa second floor right side," anito, saka akmang aakayat na ito sa mahabang hagdan nang magsalita siya.

"S-Saan ang kuwarto mo?" aniya, saka niya natutop ang kanyang bibig. Curios lang naman siya e, saka paano kung may sasabihin siya dito, at least alam niya agad kung saan ito pupuntahan, sa lawak ba naman ng bahay na 'yon.

"Second floor, left side, third door." Anito, saka na ito tuluyang umakyat sa taas.

Sinundan na lamang niya ito ng tingin. Nagulat siya nang bigla na lang may kumuha ng maleta niya, isang katulong. Dadalhin na daw nito ang gamit niya sa mapipili niyang kuwarto, kasabay ng maleta ni Grant. Sa palagay niya sosyal at malalaki din ang bawat kuwarto sa bahay na 'yon.

HINDI SIYA mapakali sa kinauupuan niyang dining chair, nasa dining area na sila noon—sa malaking dining table. Nalulula siya! Parang masyadong malaki ang hapag para sa kanilang dalawa ni Grant. Marahil ay kayang kumain nang mahigit limampung katao sa table na 'yon, gano'n 'yon kalaki.

Baka nga hindi na rin sila magkarinigan ni Grant, sakaling may sabihin ito sa kanya, dahil pareho silang nasa dulo. Ngayon lang siya naka-experience ng ganito ka-sosyal na pamumuhay, kaya hindi niya maiwasang mamangha, palibhasa nasanay siya sa payak na pamumuhay.

"Nang papunta po tayo kanina dito, napansin kong may track and field arena na malapit dito sa hacienda niyo," aniya.

"Yeah, I used to go there." Sagot nito.

"Car racing?"

Tumango ito. "Nahilig ako sa car race dahil naging libangan din 'yon ng Lolo ko when he was still alive, that was seventeen years ago, isinasama niya ako sa Arena no'ng bata pa ako kapag umuuwi siya at hindi abala sa trabaho." Sagot nito sa kanya. "Sa Manila nagkakilala sina Mommy at Daddy, pero dito sa Sitio Arcanghel ako ipinanganak at lumaki. Mas tahimik at mas maganda dito, kaya saglit kaming namalagi dito ni Mommy kasama si Lola, alam mo na ang mga writer, gusto nang tahimik at magandang environment habang si Daddy ay nasa Manila, kasama ni Lolo sa pag-aasikaso ng kompanya. " pagkukuwento nito na ikinagulat, sa pagkakaalam niya ay hindi ito palakuwento. "Nasa Manila ang Mondragon Corporation, kaya nang ipasa ni Lolo ang kompanya kay Daddy, doon na rin kami pumirmi at doon na rin ako nag-aral ng high school at nakapagtapos ng pag-aaral. Dito na rin pumirmi sina Lolo at Lola hanggang sa 'yon na nga..." bigla itong nalungkot sa huling sinabi nito. "I took my MBA in States at bumalik dito sa bansa para tulungan si Daddy sa kompanya, hanggang sa ipasa rin niya sa akin ang pamamahala three years ago. Kung hindi busy sa kompanya, umuuwi din ako dito para dumalaw sa mga kamag-anak, kina Lolo at Lola at bisitahin na rin ang track and field." Anito.

We Got Married (Published under PHR-COMPLETED)Where stories live. Discover now