Mas lalo siyang nasaktan dahil sa kaalaman na pumayag si Grant na makipag-usap sa babaeng nanakit dito dati kaysa sa kanya. Siguro nga ay mahal pa rin nito ang babae, siguro nga ay nagising ito isang umaga at bumalik na sa puso nito na mahal pa rin nito ang babae at siya ay parte na lang nang nagdaang araw nito.

Na pang-aliw lang siya dito, dahil ang true love nito ay hindi pa rin nito nakakalimutan. Pero sinabihan ka niyang mahal ka niya! Marahil masyado lang itong natuwa na kasama siya, na nasanay lang itong laging siyang nakikita, kaya nito nasabi ang mga bagay na 'yon, pero sa huli, mare-realize din nito kung sino ang totoong mahal nito—at 'yon na nga si Yuli, they would fix their relationship dahil hindi pa naman huli ang lahat sa mga ito.

Gusto niyang umapila dahil hindi pa tapos ang isang daang araw nila ni Grant, pero para saan pa? Bumalik na ang babaeng mahal nito, hindi na siya mapapansin nito. Masasaktan lang siya, wala naman siyang lahing sadista e.

Nanlulumo siyang bumalik sa opisina nila. Pakiramdam niya ay lalagnatin na siya at masamang-masama ang pakiramdam niya.

"Uuwi na ako," mayamaya ay paalam na niya kay Mary Ann.

"Masama ang pakiramdam mo?" nag-aalalang tanong nito. Tumango lang siya. "Gusto mo bang samahan na kitang umuwi sa apartment mo? May gamot ka ba doon?"

Napangiti siya sa pag-aalala nito sa kanya. "Okay lang ako, magpapaalam lang ako kay Ms. Liza na uuwi na." aniya, na tinutukoy ang head nila. Tumayo na siya sa upuan niya para magtungo sa opisina ng head nila at pagkapatapos niyang magpaalam ay umuwi na siya.

PAGDATING niya sa apartment ay mabilis niyang isunubsob ang kanyang mukha sa kama saka humagulgol. She was badly hurt, lalo na ang kanyang puso. Sa buong buhay niya, nakaya niyang lahat anumang pagsubok na dumaan sa kanya, pero mukhang bibigay na ang puso niya nang mga sandaling 'yon.

"GRANT!"

"Mom, what are you doing here?" nagtatakang tanong ni Grant nang maabutan niya ang Mommy niya na nakatayo sa harapan ng pintuan ng condo niya, mabilis niyang binuksan ang pintuan saka siya pumasok sa loob, kasunod ang Mommy niya.

Hindi ito madalas dumalaw sa kanya sa condo niya, dahil abala ito sa pagsusulat nito, pero narito ito ngayon. Dumiretso siya sa kusina niya, naupo naman ang Mommy niya sa sofa sa sala.

Galing siya kanina sa isang Italian Restaurant kasama si Yuli, his ex-girlfriend. Pinuntahan siya nito sa kompanya nito kanina para makausap siya. Hindi na siya tumanggi nang yayain siya nitong makipag-usap dito, tutal tapos naman na sa kanila ang lahat at wala na siyang anumang emosyon o damdamin na natitira dito.

Napag-usapan nila ang kanilang nakaraan at gusto nitong humingi ng kapatawaran sa ginawa nito sa kanya seven years ago. She was really so sorry, na halos lumuhod na ito sa harapan niya kanina para patawarin niya.

Dahil wala na 'yon sa kanya at wala na rin ito sa puso niya, mabilis na lamang niya itong napatawad. Ngayon lang daw ito nagka-chance na humingi ng tawad sa kanya dahil bukod sa ngayon lang ito nakauwi ng bansa ay abala din ito sa negosyo nito sa States.

Nag-confess din ito ng naging buhay nito sa States. Na pakiramdam daw nito ay nakarma ito sa buhay pag-ibig nito. She fell in love with a man, na halos ibigay na raw nito ang lahat sa lalaki, ngunit it came out na kasal na pala ang lalaki at nagsinungaling ito dito na hindi pa ito committed.

Habang nagkukuwento ito ay hindi nito napigilang umiyak, nakaramdam siya dito ng awa dahil mukhang nagdusa ito nang husto, nawala na ang sigla at charm nito 'di gaya nang una niya ito makita dati.

We Got Married (Published under PHR-COMPLETED)Where stories live. Discover now