#44: Surprise

Magsimula sa umpisa
                                    

Napailing na lang ako. She’s super ready! Naka 2 piece na siya sa loob ng kanyang see-through racerback at mini shorts. Nakatwo-piece na rin si Char at naka see through cropped top. Wala na siyang sinuot sa baba dahil para daw daretso ng magswimming.

“Tayo na, Rien.” Tawag sa akin ni Char.

Tumango naman ako at agad na sinuot ang puting tees ko. Naka denim shorts na ako at nasuot ko na rin ang black kong two piece kanina kaya okay na siguro to. Lumabas na kami tatlo at dumaretso na sa dalampasigan. Naaninag ko naman agad ang mga Black Horizon na pakalat kalat sa resort. Yung iba nagswi-swimming. Yung iba naman nakikipagusap sa mga babaeng turista.

“PIERCE! NATHAN!” sigaw ni Jade.

Narinig naman ni Nathan ang sigaw ni Jade kaya agad silang lumapit sa aming tatlo. Nakawhite sleeveless naman ang dalawa at nakashorts. Kahit ganun lang ang suot nila ay pansin na pansin pa rin sila dito sa buong resort. Hindi lang kasi sila gwapo at hot tignan mga matatangkad rin at mapuputi ang ito. Halatang anak mayaman at maimpluwensya. 

Naririnig ko ang biglang pagtili ng ibang babae na nadadaanan nila pero silang dalawa ay walang mga pake at usap lang ng usap. Hindi ba nila nahahalata na ang raming nagkakandarapa sa kanila sa labas ng paraalan? Naku, kung hindi lang boarding school ang pinapasukan ng dalawang ito siguro parang artista na silang dalawa ngayon.

“Ano? Let’s swim?” pagyaya ni Nathan sa amin.

Tumango naman sila Jade at agad ng lumusong sa tubig kasama si Pierce. Hinintay naman ako ni Nathan habang naglalakd pa rin ako papunta sa tubig. Ang ganda ng tanawin dito sa resort nila Pierce. Ang sarap ng simoy ng hangin, kulay asul talaga ang tubig at puting puti ang buhangin rito.

“Enjoying the view?” tanong ni Nathan sa akin.

Tumango naman ako at tumingin sa kanya. Ngumiti rin siya sa akin.

“Yup, ang ganda dito sa Subic.” Sabi ko.

May isang grupo naman ng mga babae at biglang lumapit sa likuran ni Nathan. Natawa naman ako sa inasta nila dahil para na silang naglalaway sa likod pa lang nito. Grabe, ng gwapo talaga ng lalakeng ito!

“Ligo na tayo, Xyra!” sabi niya at biglang hinubad ang sleeveless niya sa harap ko.

Bigla akong napaiwas ng tingin sa biglang paghubad ni Nathan sa harapan ko. Sh-t, ang seducing abs niya ay biglang bumalandra sa harap ko. Hindi ko yun ineexpect ah! Narinig ko naman ang biglaan pagtili ng mga grupo ng babae sa likod ni Nathan kaya natawa ako.

“Xyra? You okay?” tanong niya.

Tumingin naman ako ng diretso sa mata niya at pinilit na hindi baba ang aking tingin. Napailing ako at napangiti. Hindi niya ba talaga napapansin na hinahalay na siya ng mga babae sa likod? Eh likod pa lang ang nakikita nila hindi yung abs!

“Manhid ka ba talaga? Ang raming tumitiling babae sa iyo dahil may free show ka sa abs mo.” Sabi ko habang nagpipigil ng tawa.

His Gangster PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon