Chapter 15: Warning

3.8K 33 20
                                    

Elle POV

"Elle! I heard what happened. I can't believe it! I mean, why is Clark like that? He's such a jerk! How dare he to dump you?" maarteng sabi ng isa sa mga babaeng classmate ko. Ilang araw na ang lumipas ng makalabas ako sa ospital. Nakabalik na rin ako sa school at maayos na paglakad ko.

"Ano yon? Clark dump me?" pag uulit ko sa sinabi nya. Tumango naman ito at nagsalita muli.

"Yes. Kalat na kalat sa school na nakipaghiwalay sayo si Clark!" sagot nito at halatang pinipigilan ang ngiti.

'leche'

Hindi ko na lamang ito pinansin at dumiretso sa upuan ko.

"What a bitch! No wonder Clark doesn't like you anymore!" maktol nito na isinawalang bahala ko.

Clark dump me? Eh hindi pa nga kami nag uusap. Rumors, geez.

"Aranelleeeee!" agad kong tinakpan ang tenga ko.

"Eunice, wag kang sumigaw!" iritadong saway ko. Isinenyas nya naman ang kamay na waring sinabing tatahimik ito.

Nagkaayos na rin kami ni Eunice pero ipinapagpatuloy ko pa rin ang pag iimbestiga.

May ilang mga kaklaseng bumati at nakisimpatya dahil raw sa paghihiwalay namin ni Clark. Absurd. -.-

...

Tinatahak ko ang daan ngayon patungong canteen. Hindi ko kasama ngayon si Eunice dahil may tinatapos pa ito.

"Ferien." Napatigil at napalingon ako sa tumawag sakin. Kahit hindi ko ito tignan ay kilala ko na kung sino ito dahil isang tao lang ang tumatawag sakin sa apelyido .

"Seb." walang ganang bati ko dito.

Nakangising lumapit ito sakin.
"I heard what happened! Ah, what a waste. That Defrainzia dump you eh?" ngising pang aasar nito. Sa lahat ng tao sa mundo eh ito ang kinaiinisan ko, gaya ni Clark ay isa rin itong varsity dito, pero sa hindi malamang dahilan ay magkagalit ang dalawa, hanggang sa maging ako ay inis na din dito.

"Kung ano man yang narinig mo, ngayon pa lang sinasabi ko na, na hindi yon totoo. Hindi nakipaghiwalay sakin si Clark." Leche ka. Idudugtong ko sana pero hindi ko na itinuloy.

Bahagya itong napatigil at saka muling ibinalik ang atensyon sakin.

"Then that Gavan girl is a liar?" tanong nito. Awtomatikong nangunot ang noo ko.

Gavan?

"You mean Eunice?" hindi makapaniwalang tanong ko.

"Yeah, your friend. She's the one who spread the rumor, so everybody believes it." walang ganang sagot nya.

"You're lying." pamimintang ko dito. Nasanay na rin kase ako na maloko ito.

"I'm afraid I'm not. You can ask her yourself." ngising dagdag pa nito bago tumalikod at nag angat ng kanang kamay at saka iwinagayway.

Kalmado kong tinahak na lamang ang daan sa classroom pabalik kung nasaan si Eunice.

'Peste. Hindi ako nakakain.'

...

"I did it for you Aranelle! Iniisip kase nila na ikaw yung nang iwan kay Clark! Kaya magagalit sila sayo kapag hindi ko ikinalat yon!" dispensa ni Eunice. Pagpasok ko pa lang kase ay kinompronta ko na sya at hindi nya naman ito dineny.

Napahilot ako sa sintido ko.

"Eunice, alam mong walang hiwalayang nangyare samin ni Clark. At ano? Para sakin din yon? Tsk, Mas mabuti pa sana kung hindi ka na lang nagsalita." sa inis ko ay mabilis ko syang tinalikuran at nagmamadaling lumabas.

In between Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon