Chapter 4: Date

7.9K 46 2
                                    

Elle POV
"Ha? uhm."

Biglang may dumating na katulong.

"Aranelle, ano yang nasa leeg mo?" mariin at pagalit nyang tanong.
Tinignan ko si Clyde para manghingi ng tulong ngunit nagpatuloy ito sa pagkain.

Magsasalita na sana ko muli ng magsalita ang katulong.
"Ay hala ka ma'am elle! Nakagat ka din ba ng mga insekto sa labas? Sabi ko sa inyo ay pumasok na kase agad kayo eh!"
Saka ko naalalang nagtagal pa nga pala ako sa labas dahil nag aalinlangan akong pumasok.

"Insekto?" bumaling si Clark sa katulong.
"Ay opo Ser, eto kase si Ma'am ayaw pang pumasok agad kahapon, eh napakadaming insekto doon nakagat nga ho si Badong eh pero nag insecticide na naman ho kame Ser"

"I see." tumango tango pa ito. "Next time wag kang magtatagal sa labas." panenermon nito sakin. Tumango na lang ako bilang pagsagot.

*Kring kring*

Napatingin kami sa direksyon ni Clyde.
Itinaas nya ang cellphone nya at tumayo. "I have to go bro." wika nito.
"San lakad mo kuya?" tanong ni Clark.
"Work." nagkibit balikat ito bago ako nilingon at kumaway.
"Bye Ara! See you soon!"
"Ara?" nagtatakang tanong ni Clark.
"Yeah, I decided to call her Ara, para unique. Anyway, alis nako" paalam nito at nagdire diretso na palabas.

Naiwan kaming dalawa ni Clark. Ilang minutong katahimikan ang nanaig bago sya nagsalita.

"I didn't know you're close to him Elle."
"Ha?"
"Mukhang nagkasundo kayo nung wala ako." makahulugang sabi nito.
"Ano bang sinasabi mo Clark?!" hindi ko maiwasang taasan sya ng boses. Sa inis ko ay tumayo ako at umakyat papunta sa kwarto ni Clyde  para kunin ang mga gamit ko. Iyon lamang ang ayaw ko kay Clark. Nirerespeto nya ko ngunit iba talaga ang pagkaseloso nya.
Maya maya'y naramdaman ko ang pagyakap nya mula sa likod ko.

"I'm sorry." bulong nito sa tenga ko. Napakagat ako ng labi. Bat ba ang hilig mang akit ng lalaking to ng hindi nya alam?
"Ayos lang."
"I'll make it up to you. Come on!" anyaya nito sabay hila sakin pababa.
"Teka! San tayo pupunta?"
"Date." maikling sagot nito habang hila hila pa rin ako.
"Sandali! Tignan mo nga yung suot ko! Nakapangbahay pa ko!"
"So?" matipid na sagot nya at nagpatuloy sa paghila sakin.

"Grabe! Tuwang tuwa ka dito sa E.K e no? HAHAAHAHA!"pang aasar ko ng huminto kami sa harap ng enchanted kingdom.
Bahagyang namula ang mukha nya at tinignan ako ng masama bago bumaba ng kotse at pagbuksan ako ng pinto.
"Masaya dito." sabi nya habang nakatingin sa loob ng E.K.
"Yeah." memorable din ito para samin dahil dito kami unang nagdate noon.

Nagmamadaling hinila nya ko papasok at bumili ng dalawang ticket.

"WHOOOOOOOOO!!!" sabay naming sigaw nang bumulusok pababa ang sinasakyan naming roller-coaster.
Favorite ko pa rin talaga to!
Hindi namin pinaglagpas kahit mga pambatang rides. Lahat ay sinakyan namin.

"Ha.. Grabe..ka..ha..naman..baby..ha..ang..ha..h..hyper...mo.." hinihingal na sabi ni Kurt. Tinawanan ko naman sya.
"HAHAAHAHHAHA Ang weak mo talaga!" nang aasar na sagot ko.
"Weak pala ha!" pagkatapos non ay kiniliti nya ko.
"HAHAHAHAHA!tama na! HAHAHAAA! Kurt! HAHAHAHAHA!"
"Kala ko ba weak ako?"
"Hindi... Hindi na baby..."hinihingal na sabi ko. Sumandal ako sa balikat nya. Inakbayan nya naman ako.
"Baby." mahinang tawag ko sa kanya.
"Hmmm?" sagot nya.
"Gutom na ko." nakangusong sagot ko.
Humagalpak naman sya ng tawa.
"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!Panira ka ng ambiance baby!" halos mamatay na sya sa katatawa -______-
Hinampas ko naman sya.
"Aray!" nakangusong reklamo nya.
"Seryoso kase ako! Hindi mo naman ako pinakain kanina!"
"Sorry hahaha. Tara, ipagluluto kita sa bahay." nakangiting anyaya nya.
"Dun ulit ako?" nag aalangang sagot.
"Yeah. Ayaw mo ba?" mahihimigan ang pagtatampo sa boses nya.
"No. Of course not. Hindi pa kase ko nagpapa alam kay Mommy." pagdadahilan ko.
"Naipalam na kita."
Napasimangot naman ako. Hanggat maaari sana eh ayokong makita muna si Clyde.
"Tara na."

Pagdating namin sa bahay nila ay nagpahinga muna kami ng ilang minuto. Pagkatapos ay dumiretso kami sa kusina. Nagsimula syang maghalo halo ng mga sangkap habang ako naman ay nakaupo at matamang nanonood sa kanya.
"Baby, paabot ng pang asim." utos nya sakin habang busy pa rin sa paghahalo.

Agad agad akong tumayo para ibigay sa kanya ang kailangan nya. Habang papalapit ay naaamoy ko na agad ang bango ng niluluto nyang sinigang.
"Oh." pagkaabot ay nginitian nya lang ako.
Niyakap ko sya mula sa likod at inamoy ang mabangong pabango nya.
"Baka maubos amoy ko nyan." pagbibiro nya sakin.
Natawa naman ako ng mahina.

"Awww.. How's sweet!" isang baritonong boses ang nagpahiwalay saming dalawa.

'Clyde. Tsk!'

"Oh kuya. Ang aga mo yata ngayon?" takang tanong ni Clark habang pinupunasan nya ng braso nya ang pawis nya sa noo. Agad ko naman syang dinaluhan at ako na mismo ang nagpunas non.
"Thank you" mahinang bulong nya sakin. Nginitian ko naman sya. Napatingin ako kay Clyde na ngayon ay nakatingin din samin. Bahagyang nakakunot ang noo nito at salubong ang dalawang kilay.

"Kuya?" muling pagtawag ni Clark.
"Ah yeah. Natapos ko na kase agad." yun lang ang sinagot nya bago naglakad palapit samin.
"Ano yang niluluto mo?" tanong nito kay Clark.
"Sinigang na baboy. Paborito kase to ni Elle." sagot nya kay Clyde.
"I see." Tumango ito bago tumingin sakin.
"Ah Elle, patapos natong niluluto ko. Patawag na lang ng kasambahay para maisalansan ang kakainan." sabi sakin ni Clark.
"Uhm, ako na lang mag aayos baby." pagboboluntaryo ko.
"Sigurado ka? Medyo may mabibigat don eh." nag aalangang sagot nya.
"I'll help her." pagpepresinta ni Clyde.
Taka kaming napatingin sa kanya. "Wala naman akong ginagawa eh." pagpapatuloy nya. Agad namang sumang ayon si Clark.

"Wow. Ang galing mo." sarkastikong bulong nya sakin ng marating namin ang hapag kainan. Agad nangunot ang noo ko at saka sya tinignan.
"Parang napakaloyal mong girlfriend kung umarte ka." pagpapatuloy nito.
"Pwede ba?! Tigilan mo na kami ni Clark!" mahina ngunit mariin at may pagbabanta kong sabi.
"Nah~ bored pa ko e, makikipaglaro muna ko sa inyo." wika nito.
"Besides, hanggat nasa akin to, susundin mo lahat ng gusto ko." muling sabi nya at iwinagayway ang cellphone nyang sa tingin ko ay pinaglalagyan ng video ko pagkatapos ay ibinalik nya sa bulsa nya.

Napapikit ako ng mariin dahil sa inis.

"Baby oh." sabi ni Clark na kararating lang nginitian ko sya at hinalikan sa pisngi.
"Thank you baby!" hindi ko na pinansin ang matatalim na tingin sakin ni Clyde at nagsimula na langlan kumain.

Pagkatapos namin ay agad na nagpaalam si Clark dahil sa pupuntahan nyang Gig nila ng mga kaibigan nya. Ihinatid nya ko sa isang guest room nila at sinabing doon ako matutulog.

Ilang minuto na kong nandito at nag iisip ng plano para makuha ko ang cellphone ng lintik na Clyde na yon.

*Isip
*Isip
*Isip

Alam ko na! BWAHAHAHAHAHAHA lagot ka sakin mamaya Clyde Aidan Defrainzia!

In between Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon