Chapter 9: Date with the badboy

4.9K 46 1
                                    

Elle POV

Maaga akong nagising.

'May date nga pala ko kasama yung magkapatid -_______-'

Dali dali akong nag ayos at bumaba. Naabutan kong kumakain ang mga magulang ko.

"Sweety, may lakad ka na naman ba?" tanong ni Dad ng makitang gayak na gayak ako.

"Yes Dad. Sandali lang naman po ako." sabi ko at humalik sa kanyang pisngi. Lumaput din ako kay Mom para halikan sya.

"Napapadalas yata ang pag alis mo Aranelle, kila Clark na naman ba ang punta mo?" pag uusisa ni Mom.

Nagmake face lang ako at nagpaalam na.

Dali dali akong naghanap ng taxi at nagpunta sa bahay nila Clark.

....
"Si Clark po?" tanong ko sa isang kasambahay nila.

"Nasa loob po." sagot nito.
Ngumiti naman ako at nagpasalamat.

"Clark!!"

"Hey baby." matamlay na bati nito.

"Uh. Okay ka lang?" nag aalalang tanong ko.

Lukot na lukot kasi ang mukha nito at tila walang buhay.

May halakhak akong narinig na nanggagaling sa likod ni Clark. Naabutan kong tumatawa si Kuya Clyde habang umiinom ng kape. Inis naman syang tinignan ni Clark.

"Opps! Chill little bro, wala naman akong gagawing masama." wika nito habang patuloy pa ring tumatawa at bahagyang nakataas ang dalawang kamay.

"Ha?"naguguluhang tanong ko. Diko ma gets pinag uusapan nila e. -_______-

"I can't be with you today." sagot ni Clark nabahagyang nakayuko.

"Bakit?"

"I have to run some errands regarding the school program, it's urgent so.." pagpapaliwanag nya.

Bahagyang nangunot ang noo ko.

"Hindi ba pwedeng wag ka munang pumunta?" nangungumbinsing tanong ko.

"I can't. We only have 3 days to prepare."

Napabuntong hininga naman ako bago tumango.

"Come on guys! What's with the long face? And Ara, don't you wanna be with me?" nagtatampong sabi ni Kuya Clyde.

Magsasalita na sana ko ng tumunog ang cellphone ni Clark.

"I have to go. Balitaan nyo na lang ako." ani nito bago ako halikan sa noo at saka nagmamadaling lumabas.

Naiwan kami doon ni Kuya Clyde.

"So.. What now?"

"Well, we'll go on a date." sagot nito.

"And?"

"That's it. Do you want to do 'something else'?" makahulugang sabi nito.

Mahinang hinampas ko sya sa braso.

"Ewan ko sayo Kuya Clyde! Ang ibig ko lang naman kaseng sabihin ay hindi ba't magpapanggap tayo dun sa Monica?"

"Yes. But after our date."

"Bakit kailangan pa ng date? Eh pwede namang diretso mo na kong ipakilala."

Bumuntong hininga sya.

"It's complicated. Look, please."

Hindi na lang ako  nakipagtalo pa.

Niyaya nya kong sumakay na sa kotse nya. Sumunod naman ako. Nagsimula na syang magdrive. Tahimik lang kaming dalawa, kaya naman wala pang sampung minuto ay nilamon na ko ng antok.

In between Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon