Chapter 8: Lucky

5.2K 46 0
                                    

Elle POV

"Hanggang dito na lang ako baby, susunduin kita mamaya." pagkatapos noon ay hinalikan nya ko sa noo at saka umalis.

Tinanaw ko ang papalayong pigura nya.

"Hoy babae!"

"Ay palaka!" pagulat na sigaw ko. Inis akong humarap sa nanggulat sakin.

"Hoy Aranelle! Sa ganda kong to palaka? Magpasalamin ka nga!" sabi ni Eunice, best friend ko.

"Eh bakit ka ba kase nanggugulat!"

"Hindi ako nanggugulat! Sadyang tulaley ka lang dyan sa fafang boyfriend mo!" pang aasar nito. Napasimangot naman ako.

"Oh ano na Aranelle? Tatayo kana lang ba dyan? Umupo na tayo. 3rd subject kana pumasok oh!" dali dali nya kong kinaladkad papunta sa upuan namin.
"Wala ba tayong prof?" tanong ko kay Eunice.
"Wala eh, may biglaang meeting kase."
"Oh eh bakit hindi pa tayo dinidismiss?" nagtatakang tanong ko.
"Ewan ko. Anyway, bakit late kana? Hindi ka naman usually ganito." pang uusisa nya.
"Tinanghali ako ng gising. Sa bahay nila Clark kase ako natulog." pagpapaliwanag ko.

Nanlaki ang mata nya at tinuro ako.

"OMG! Hindi kana virgin?!"

Agad kong tinakpan ang bibig nya.

"Ano ba?! Walang nangyare! Masyadong malisyoso yang utak mo! Nakakalimutan mo na yata na si Clark yon! Si Clark Adam Defrainzia!"

Umikot ang mata nya.
"Right! Pano ko nga ba makakalimutan na si Clark Adam Defrainzia ang boyfriend mo? Gwapo, mabait, matalino, gentleman! Perfect na perfect! You're soooooooo freaking lucky!" anito na nagpangiti naman ako.

'Yes. I am indeed lucky to have him'

"Hoy! hoy! Ano yang pagngiti ngiti mo na yan? Ano na namang iniisip mong babae ka?" sabi nito at bahagya pakong sinabunutan.

"Wala naman. Naisip ko lang na napakaswerte ko talaga kay Clark."

"Ngayon mo lang narealize yan? Psh. Mabuti nga yan si Clark, mabait at matalino, hindi kagaya ng kuya nya."

"Kilala mo yung kuya nya?" nagtatakang tanong ko.

"Ay oo te malamang, kakasabi ko lang diba? Si Clyde Aidan Defrainzia. Sabi sa mga chismis, noong nag aaral pa yon dito eh talaga namang sakit sa ulo ng mga teacher. Basag ulo daw kase at kali kaliwa ang mga babae. Kaya nga nung pumasok na dito si Clark, laking gulat ng mga teacher na ibang iba iyon sa Kuya nya." mahabang paliwanag nya.

"Pano mo sya nakilala?"

"Hanggang ngayon matunog parin ang pangalan nya dito eh hindi mo lang siguro naririnig dahil na kay Clark lang yang atensyon mo! Kahit mga freshman nga daw pinapatos non." kwento nya pa.

"Pinapatos?"

Umikot muli ang mata nito.

"Pinapatos! As in kinakama!"

Nanlaki ang mata ko.

'Seriously? Si kuya Clyde?'

"Attention students! You are now dismissed due to an urgent meeting of school teachers and faculty members. That's all. Good day!"

"HAHAHAHA!Pumasok kapa oh uwian na!" natatawang asar nito.

Maging ako rin ay natawa. Dali dali kong inayos ang gamit ko.

"Sabay na tayo sa paglabas Eunice." anyaya ko dito.
"Sureness! Wait tetext ko lang Harold!"
"Harold?"
"Yes. Boyfriend ko." sagot nya at busy pa rin sa pagkukutingting ng cellphone nya.
"Seriously? Akala ko ba si Hendrickson ang boyfriend mo?" hindi makapaniwalang tanong ko.
"Ugh! We broke up yesterday so.." nagkibit balikat lang ito.

Wala talaga itong steady relationship.

"Tara na nga Aranelle! Gosh! He can't make it today daw, ibebreak ko na lang to!" naiiritang sabi nya at kinaladkad nako palabas ng room. Agad kong naabutan si Clark doon.

"Oh! Prince charming mo!" sabi ni Eunice at itinulak ako papunta kay Clark. Tinignan ko sya ng masama. Tumatawang umalis naman sya.

Naglakad kami papunta sa parking lot.

"Short day huh."

"Yeah. Sana pala hindi na lang tayo pumasok." naiinis na sagot ko.

Natatawang pinagbuksan nya naman ako ng pinto ng kotse nya.

"Saan ka ba naiinis? Sa kawalan ng pasok o sa..." nambibiting sabi nya makapasok na kami sa kotse nya.

Tinaasan ko naman sya ng kilay.
"O saan?" nanghahamong tanong ko.

"O sa pagkabitin mo sa halik?" sabi nya sabay humagalpak ng tawa.

"What if I say yes? Yes naiinis ako dahil nabitin ako sa halik mo?" nanghahamon paring tanong ko.
Nakita kong natigilan sya at tumingin sakin.

"Then I'll do this."

Nagulat ako ng biglaan nyang inilapit ang mukha nya sa mukha ko. Dahan dahan, palapit ng palapit. Ipinikit ko ang mga mata ko.

'5 seconds'

'15 seconds'

'30 seconds'

'Malapit na..'

Napadilat ako ng marinig ang pagiistart nya ng kotse.
Inis ko syang nilingon, nagpipigil ito ng tawa.

"Ikaw lintek ka talaga eh!" sabi ko at pinagpapalo sya. Tumatawang sinalag nya naman yon.
"Pffft. HAHAHAHA sorry na baby HAHAHAHA!" hindi sya magkamayaw sa pagtawa.
Tinuloy ko ang pagpalo sa kanya at tinigil lang yon ng mapagod nako.

"Sadista ka!" nakangusong sigaw nya sakin.
"Heh! Manahimik ka baka dagdagan ko yan!" tinawanan nya lang ako.

Ilang minutong katahimikan ang namayani.

Sya na mismo ang bumasag nito.

"I already talk to Kuya." napalingon agad ako sa kanya. Nakatingin parin ito sa kalsada.

"He already told me everything."

"Everything?" kinakabahang tanong ko.

"Yeah." maikling sagot nito. Walang mababakas na galit sa mukha nito.

'Hindi nya siguro alam ang tungkol sa video'

Nakahinga ako ng maluwag.

"I don't want you to do that pretend thingy." pag amin nito.

Magsasalita na sana ko ng magsalita sya muli.

"But when I found out that the girl was Monica, I pity my brother so..."

"Monica?" nagtatakang tanong ko.

"Yeah. That's one pretty obsess chick. He's been chasing Kuya for 7 years." pagkekwento nito.

Nanlaki ang mata ko.

'Seriously?'

"You're kidding!"

He snorted. "No I'm not."

"So papayagan mo na ba ko?"

"Yes. But in  one condition. I'll be with you guys."

"Seriously?" natatawang tanong ko.

"Stop laughing woman! Do I look like I'm kidding?" angil nito  at nakita ko ang pagpula ng tenga nya.

"You and your obsessive ways." napapailing na sabi ko habang natatawa.

Hindi nya ko pinansin at nagpatuloy sa pagdidrive.

'Sungit'

In between Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon