46: althea's comeback

2.1K 41 8
                                    

THIRD PERSON'S POV

Alam ng dalawa na hindi sila pwedeng pumatay kaya nilimitahan nila ang kanilang mga galaw.

Ilang sandali pa ay kinala ni acel ang mga parts ng baril na hawak niya saka itinapon sa gilid.

Sinuntok niya ng mabilis ang tiyan nito para manghina.

Sinunod ang panga ay ilong nito para mahilo.

Tinadyakan niya rin ang likod ng tuhod nito para hindi makatayo saka kinuha ang dalawang kamay at ipinayuko sa sahig.

Nanghina ang holdaper kaya hindi na ito nakapalag pa.

Sa kabilang banda naman ay nagpapalitan ng suntok si kate pati na ang holdaper pero ang tumatama lang ay ang suntok ni kate dahil laging nakakaiwas ito sa tira ng kalaban.

Mas binilisan niya ang pagalaw at saka buwelo para sa isang solidong suntok.

Iyon nga ang nakapagpabagsak sa kalaban.

Sabay sila ni acel na sumugod sa pangalawang target pero mas mabilis na natapos ni kate ang sa kanya dahil sa paghampas nito sa vital sign sa batok ng holdaper kaya siya ang sumugod sa ikatlo. Mabilis din nilang napatumba ang lahat dahil nga sa sugat nila sa tuhod na binaril kanina ni acel.

Ilang sandali pa ay dumating na ang pulis sa restaurant na kinalagyan nila klien.

Nagbigay sila ng kaunting statement. Huhulihin din sana ang dalawa ng tumistigo ang lahat ng nandoon na tumulong lang sila na pigilan ang holdaper kaya pinakawalan kaagad sila.

Nakipagkwentuhan pa sila ng kaunti hanggang sa napagpasyahan nilang umuwi.

"Klien!" Tawag ni acel kay kate.

"Hmm?"

"Bakit di ka bumalik sa pag aaral? Pwede naman yun hindi ba?" Tanong ni acel.

Isang matamis na ngiti ang pinakawalan ni klien kay acel.

"I will" sagot ni klien.

Tahimik lang sila ng bumalik sa UC hanggang sa napagpasyahan ni acel na umuwi na.

Samantala......

May isang babaeng preteng nakaupo sa swivrl chair ng kanyang opisina habang nasa gilid niya ang isang babaeng walang emosyon ang mukha.

"She's here my lady" cold na sabi ng babaeng nakatayo.

Maya maya ay may isang babaeng kamukha ng babaeng nakaupo sa swivel chait ang pumasok sa loob na bagot na bagot.

"Seriously? Yun na yon? Wala man lang kathrill thrill. Nagbakasyon na lang ako ng ilang araw doon. Nakakabagot." Inis na sabi ng babaeng iyon sa nakaupong babae.

"Power off! R002" cold na sabi ng babae sa nasa harap niya.

Biglang tumayo ng diretso yung babaeng nasa harap nito.

Tumigil ito at nagkaroon ng isang boses na nangagaling sa loob nito.

"Command accepted" sabi ng boses sa loob.

Yumuko naman ang babae sa harap nito at parang robot na nawalan ng buhay.

Tumayo ang babae sa swivel chair saka nilapitan ang babae. Itinaas nito ang ulong nakayuko para makita ang mukha nito.

Maya maya ay hinaplos niya ito patungo sa tenga.

Ilang saglit pa ay nabuksan ng babae ang tenga ng nasa harap niya at may sinalpak na chip sa loob nito saka ibinalik sa pagkakaayos nito kanina.

Esoteric Empress [FIN] [Under Major Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon