16: Mission

2.6K 89 5
                                    

Kabanata 16: Mission

Klien found their pathetic moves amusing as she read the report that Althea gave her a while ago. She didn't know if they are digging their own grave or they are just too stupid to even use even use their brain.

Iniisip niya rin kung dapat na siyang gumalaw din. Kung siya mismo ang gagalaw o hindi.

Pero sa huli, napagdesisyunan niyang ipatrabaho ito sa Gang ni Acel. Gusto niya rin kasing makita ang kapabilidad ng mga traydor na nasa loob ng kanyang teritoryo. Pinatawag niya ito kay Hestia na mabilis naman nitong sinunod

--*--

Mag-iisang na din ang lumipas at malapit na silang grumaduate. Napagdesisyunan nilang lumipat na lang sa HQ. Nagpaalam sila sa mga magulang nila at nangakong aayusin nila ang pag-aaral.

Gaya noon, monitored sila ni Acel sa pagpasok kaya wala ng nagtangka pang mag-cutting sa kanila. Malapit na rin ang Ranking Tournament ngayong taon kaya kinakabahan silang lahat. Ayaw nilang mabigo ang bago nilang Leader. Pero dahil sa speech ni Acel at Althea, nabuhayan silang lahat ng loob na makakaya nilang umangat ng Ranggo.

Ito ang dahilan kung bakit sila nagpapatuloy na i-push ang sarili nila sa pagsasanay hanggang sa mawalan sila ng lakas.

"Guys be ready, may pupuntahan tayo" ngiting sabi ni Acel. Nagpadala ng mensahe si Klien at gusto niyang makita ang bagong Gang ni Acel na sinanay ng kanyang kaliwang kamay at ng taong personal niyang tinuruan sa loob ng tatlong taon.

"Saan naman boss?" Nagtatakang tanong ni Ricky.

"Kay Empress Kate," simpleng sagot ni Acel.

Bigla silang nanginig sa takot. Kilala nila si Empress Kate bilang Gangster Queen. Ang taong nagpatumba sa buong Ganster Arena ng wala pang dalawang oras. Tinanghal siyang Gangster Queen pero wala siya sa ranking dahil na rin sa ayaw nito.

"Relax! 'Wag kayong kabahan mabait naman ang Empress. Cold lang siyang magsalita. Don't worry she can't harm you lalo na't isa ako sa tauhan niya," pagpapakalma ni Acel.

"So it means kasali kayo sa high council? O underlings niya kayo?" Tanong ni Jico. Siya kasi ang unang nakabawi sa kaba nila.

"Saka niyo na malalaman," sabi ni Acel. Ngumiti si Acel bilang assurance.

Nang nakaraang araw ay bumalik sa HQ si Althea at tina-tatoo-han silang ng napakaliit naimahe sa batok nila pero halos hindi makita. Masyadong maliit at mukhang nunal lang kailangan pa ngang i-magnifying glass para makita 'yung detalye. Isa itong maliit na kurona ng hari na pinapalibutan ng diyamante.

Wala ng nagawa ang iba at naghanda upang makaharap si EK. Sumakay sila sa Van kung saan nilagyan ni Acel ng pampatulog ang aircon. Nagturok siya ng antidote sa sarili niya dahil siya ang magda-drive papunta sa Underground Castle. Ilang minuto pa lang ng bumiyahe sila, isa-isang bumagsak sa antok ang lahat maliban kay Acel.

--*--

Ang unang nagising sa kanilang lahat ay si Nicolo. Napansin nitong umaandar pa rin ang Van na dina-drive ni Acel. Napansin ni Acel ang pagising ni Nicolo kaya nagsalita ito.

"Nicolo gisingin mo na yung iba at malapit na tayo," sabi ni Acel kahit hindi ito nakatingin. Mabilis namang sumunod si Nicolo at isa-isang ginising ang lahat

Mayamaya ay bumaba na sila sa Van.  Napanganga ang lahat at napatigil sa sobrang laki ng mansion na ito.

"Teka mansion pa ba ito?" Manghang tanong ni Lester.

"Malaki na ito para tawaging Mansion," singit ni Jico.

"Welcome to Underground Castle of the Phantom Empire," pagpapakilala ni Acel sa lugar.

Esoteric Empress [FIN] [Under Major Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon