Alam ko namang gusto niya ng ikasal kami pero sinasabi ko sa kanya na wag muna kaming nagmamadali dahil nasa verge palang din siya ng career niya. She's a professional basketball player now and okay lang naman sakin na mag-enjoy muna siya.

Kinabukasan, nagising ako dahil sa ring ng phone ko. Pagkuha ko naman, nag end na yung call nung tumatawag. It was Shine. 

Nag wash up muna ako atsaka bumaba para mag agahan. Late ako nagising kaya naman hindi ko na naabutan sila Dad ngayon.

Pagkaupo ko sa couch, tumawag si Crey. Sinagot ko naman kaagad.

"Good morning, babe!"  Malambing na bati niya. Napangiti naman ako atsaka bumati din.

"Good morning. Sorry if I wasn't able to reply last night. I dozed off," I sincerely told her.

"Its fine. Babe, you know I'll have a game later right?"

"Yup. Why?"

"I'll be at the party late. I can't drop you there 'cause traffic will suck—" Pinutol ko naman yung sasabihin niya.

"What? I'll watch your game. We'll be late at the party." I said with finality.

"Okay lang sayo?" Parang hindi pa siya naniniwala ah? Haha. I'm not that sweet to her but I know when she needs my support.

"Of course, I'll support you, asawa ko..." Bumungisngis ako. Hindi ko siya nakikita pero alam kong namumula yan hahaha. Hindi siya sanay kapag ganito ako kalambing.

"Oh damn! What I'd give to make you that always sweet!" Napatawa nalang ako. "Anyway, susunduin kita mamaya. Mag g-gym muna ako, babe,"

"Okay. Shirts ang ilagay sa gym bag ha? Hindi sando!" She chuckles. Cute! Napangiti nalang ako.

"Yes, asawa ko! I love you. See you later."

"I love you, too."

I ended the call. I browse on facebook and saw Lj's post. It was the photo of the twins na nakasakay sa tig-isang mini car habang may nakaalalay sa kanila.

Louise Jayle Go

Thank you for the gift, Ninang Cohen!🚗—with Cohen Lazaro

Cohen Lazaro? I click the name. Habang nag l-load yung timeline niya, naalala kong nabanggit siya sa'kin ni Lj. I think one of her investors?

Bumungad sa'kin yung cover photo niya na random quote lang yung nakalagay. Yung display picture naman pinindot ko. Parang nakita ko na siya...

OH MY GOD!

It was her! The girl in the arcade game! Naka crossed legs siya sa DP niya habang seryoso naman ang tingin sa camera. Iniscroll ko pero wala nang lumabas na information sa timeline niya kaya naman sa inis ko, inadd as friend ko. Ibinalik ko sa post ni Lj at nakita kong may comment siya don. Oh my! Online siya!?

Comments:

Cohen Lazaro

Naman! Malakas sakin 'yang mga cuties na yan. Anw, kitchen na daw sabi ng Misis mo! Ubusan ka namin ng food!

She's on Lj's place?! Hindi ko alam pero natagpuan ko nalang ang sarili ko na kinuha ang susi ng kotse at nagmamadaling nagmaneho papunta kila Lj.

Pero nakakainis kasi ang layo talaga ng bahay namin papunta kila Lj! Inabot ako ng isang oras dahil na rin sa traffic! Kainis!

Pagpasok ko sa bahay nila hindi ko na napansin yung guard dahil sa pagmamadali ko. Gulat naman yung mag-asawa nang nakita ako.

"Oh? Ang aga mo naman? Mas excited ka pa sa'min ni Athena ah?" Nagtatakang tanong ni Lj.

Dito lang gaganapin yung birthday nung dalawa kasi gusto ni Hope na makikita niya talaga yung nangyayari sa preparations kaya dun sa half court ni Lj papunta sa pool yung event. Sobrang ginastusan talaga nila yung birthday nang dalawa.

"Ahm...namiss ko na agad yung mga babies ko!" Sabi ko habang lumilinga-linga. "May ibang tao na ba?" Tanong ko naman.

"Ibang tao? Kami lang naman dito ah?" Si Lj parin. Si Hopey nakatingin lang sa'min, nagtataka sa inaasta ko.

"I mean, yung ninang or ninong baka may maaga pumunta?" Okay, I know ang nonsense nung sinabi ko pero wala akong choice! Malakas maka sense 'yang dalawang 'yan!

"Si Cohen—" Hindi ko na agad pinatapos si Lj.

"Ah! Talaga? Nasaan?" Kunyaring hindi ako interisado. The hell, I even looked at my nails to look uninterested! What the hell am I doing this nga?!

"Umuwi na shempre!" She said.

ANO?!

"Siya lang naman pumunta dito, Mon. After niyang kumain umalis na siya. May gagawin pa daw siya, e..." Hopey said.

Napaupo nalang ako.

Shit!

Kainis naman!

Pero teka! Bakit ako naiinis na hindi ko siya inabutan?! OMG!

Monique Aphrodite! Come back to your senses!

Yeux GrisWhere stories live. Discover now