NAGLAHO

571 8 0
                                    

Words by : Sabbrinna Joshua Lourenz Fronda

Kung sakali man na tayo ay magkalayo
Di ko alam kung handa na ang aking puso
Puso na minsan ay napasayo
Pero unti unti ng naglaho

Mga araw na nagdaan
Oras na aking binantayan
buwan na ako ay naghintay
At taon na nawalan ng buhay

Nagtatanong kung anong dapat gawin
Mga sagot na alam ko ay nasa akin
Nasa akin ang mali nasa akin ang sisi
Kaya nawala ka dahil wala akong silbi

Gustohin ko man na bumalik sa dating tayo
Pero wala ka ng paki at puso ko ngayo'y bigo
Kahit isang minuto sana isang ngiti lang
Ngunit ang ngiti mo ay para sakanya lang

Ngiting dating nasa akin nakatuon
Mga kasiyahan natin noon
Hanggang alaala nalang pala ngayon

Unspeakable PoetryWhere stories live. Discover now