BS #15.5: COLD AS ICE

Start from the beginning
                                    

"I'll cut the chase, Ma'am Esqueza. My niece, Bobbie, doesn't want to go to school anymore and I wonder why." Diretsa ngunit marahang sabi ni Wright. Walang halong awtoridad sa boses nito o kahit na paninisi.

Kumunot ang noo ni Ma'am Esqueza. Pinagsalikop nito ang dalawang kamay na nakapatong sa lamesa niya. "From what class does she belong, Mister Agoncillo?"

"In my class, Ma'am." Magalang kong sabi. Mula sa gilid ng aking mata, napatingin din sa akin si Wright. Yumuko ako ng kaunti. "Hindi ko po alam kung bakit hindi na siya pumapasok."

"Bakit hindi mo alam gayong nasa klase mo siya, Miss Quizon." Kinagat ko ang ibabang labi ko nang mabahid ang pagtataka sa boses ni Ma'am.

"Ang napansin ko lang po sa kanya ay ang pagiging tahimik at ilag niya sa ibang bata. Palagi ko naman po siyang minamanmanan dahil bago siya at hindi madaling mag-adjust." Humugot ako ng malalim na hininga bago magsalita uli. Yumuko ako ng kaunti. "It's my fault, Ma'am, nagkulang po ako ng pagbibigay ng atensyon sa kanya."

Humugot ng malalim na hininga si Ma'am Esqueza. "We need to talk to your niece, Mister Agoncillo. Kailangan nating malaman kung bakit ayaw na niyang pumasok. Can you bring her here?"

"I'm afraid I can't do that."

Nagsalubong ang kilay ko. Napalingon ako sa kanya. "Why?"

"Nakapagdesisyon na ang parents niya. Mag-ho-home tutorial nalang siya ng Piano." Hinawakan nito ang sariling panga. He stared at me. "And I decided na ikaw ang kunin na tutor, Miss Quizon."

Naalis ang pagka-dikwatro ko at patuwid na napaupo. Nagsimula ng magpanic ang sistema ko. "What? No way!"

"Miss Quizon, wala ka sa posisyon para magreklamo. May I remind you that it's your fault why Bobbie doesn't want to go to school. Nagkulang ka ng atensyon sa kanya." Mariing sabi ni Ma'am Esqueza.

No! Ayoko. Shit. "But, Ma'am, may klase po ako ng Monday to Friday."

Nagkibit-balikat ito at itinaas ang dalawang kamay. "Saturday and Sunday."

"Pero yung.." Sumulyap ako sa gawi ni Wright. Nakamasid ito sa akin, sinusundan ng mga mata nito ang kilos ko. Pagkatapos ay tumingin uli ako kay Ma'am Esqueza. "Yung anak ko, Ma'am. Mawawalan ako ng time sa kanya."

Katahimikan ang namayani sa amin. Nag-iisip ng maaaring paraan si Ma'am Esqueza para hindi matapat ng sabado at linggo ang home tutorial ni Bobbie. Ayoko talaga na ako ang ma-assign doon. Dahil ang ibig sabihin sa akin ng home tutorial na iyon ay, Bobbie plus Wright in One f-cking roof. I can't even bear to be with him in less than Thirty Second, dalawang araw pa kaya na magkikita at magkakasama kami! No freaking way!

Kahit na hindi ako nakatingin sa kanya. Ramdam ko pa rin ang init ng mga titig niya sa akin. Lumakas na naman ang kalabog ng puso ko na kanina ay kontrolado ko pa.

"Ma'am, kung iba nalang po kaya ang magtu-tutor kay Bobbie? Si Nadine, 'diba wala siyang Sunday and Monday. Wala naman siyang anak n----"

Napatingin kami kay Wright nang tumikhim ito. "Bibilhin ko ang Thursday at Friday mo, Miss Quizon. Dodoblehin ko pa. Ako ang magpapasweldo sayo ng mga araw na iyon."

"H-Huh?" What? Heck, no!

"'Yun naman pala. Maghahanap nalang ako ng pwedeng i-sub sayo sa araw na iyon. And since, ikaw ang adviser ni Bobbie encourage her to go back to school. Mas marami siyang magiging kaibigan dito." Shit. Naloko na.

Wala na akong nagawa kundi pumayag nalang sa gusto nila. Kung tatanggi ako, uulanin ako ng tanong ni Ma'am, mahirap na baka madulas ang dila ko at masabi ko ang tungkol sa nakaraan. Ano pa ba ang maipanlalaban ko gayong ako naman talaga ang may kasalanan. Kung napagtuunan ko lang sana ng pansin si Bobbie, edi sana hindi nangyayari 'to. Lintik! Sa lahat-lahat ba naman ng tao, si Wright pa ang naging Tito nito. Pinagtataksilan ata ako ng tadhana.

Nag-request si Ma'am Esqueza na magpicture sila ni Wright. Nang tingnan ko ito ay abot-tainga ang ngiti niya. Parang nanalo siya sa lotto. Inismidan ko ito bago lumabas ng guidance office.

Feeling ko naisahan niya ako. Kapag nalaman kong planado niya ito, ihahampas ko sa mukha niya yung Grand Piano.

Napaatras ako nang may humarang sa daanan ko. Tinaasan ko ito ng kilay. Ngayong kaming dalawa nalang ang nasa loob ng faculty room mas lalong naging malinaw sa mata ko ang anyo nito.

His black hair was longer than it had been last time I saw him, but it was still fairly short, brushed back from his face and emphasizing the strong, fierce features that had haunted so many of my nights. And his eyes. Deep, almost black, a midnight blue that made my heart beat faster.

Damn it!

Kinamot nito ang batok. "Uh, salamat sa pagpayag mo sa alok ko. Kahit na.."

"Si Bobbie naman ang sadya ko doon at wala ng iba." Malamig kong sabi. "May klase pa ako."

Dinaanan ko ito ngunit napatigil ako nang hawakan nito ang siko ko. Hindi ko siya nilingon. Pinanatili ko ang blangkong ekspresyon.

"Melissa.." May paghihirap sa boses nito. Pinatigas ko ang leeg ko para hindi lumingon sa kanya. "If you could just hear me out. Please. I'm damn desperate to have you again."

Hindi na ako madadala sa mabubulaklak na pananalita niya.

Dahan-dahan ko siyang nilingon at malamig na tiningnan. Bumaba mata ko sa kamay niya na nakahawak pa rin sa siko ko. Mariin kong binawi ang siko ko mula sa hawak nito. Saka walang salitang lumakad palabas ng faculty room.

He will never have me again.

Ayoko na uling magkaroon ng kahit anong koneksyon sa kanya.

I won't let him close enough to hurt me. Again.

-----

UNEDITED. Sorry sa errors at typos. ^^ Please, 'wag po kayong magmura sa comment box. Baka po ma-restricted tayo. Sabi nila isa daw iyon sa mga dahilan para marestricted ang isang story.

UPLOADED: JUNE 10, 2014

SWEETKITKAT LOVES YOU ALL!

BROKEN STRINGS (COMPLETED)Where stories live. Discover now