“Yup kasi laging kong dala ang larawan ni mama!” sabi niyang nakangiti sabay kuha sa kanyang wallet ang larawan

“Ang bata pa nga niya dito Carmella tapos may kasama pa siyang hindi ko kilala!” napatawa ng bahagya si Black

Mas kinabahan ako sa sinabi ni Black, umaasa akong mali ang aking iniisip pero dahil sa sinabi niyang bata pa ang kanyang ina sa larawan at may kasama pa ito ay mas nanlambot ang mga tuhod ko

Naiiyak na naman ako

“Here!” sabay abot niya sa larawan

Pumikit ako at may kinuha rin ako sa bag, ang larawan ng kapatid ni Mama na simual noon ay hinanap na niya.

Tinulungan niya akong maghanap kaso nahirapan kami dahil sa lumang larawan ng kapatid niya, bata parin ito sa larawan niya. Kinuha ko ang larawan ng ina ni Black

“Carmella bakit!?” tanong ni Black ng magsimula na akong umiyak

Iyak na ako ng iyak habang tinitingnan ko ang mga larawan

“Let me see!!” sabay kuha ni Black sa mga larawan

“NO this can’t be!!” napatayo si Black

“Yan ang totoo Black!!” sabi ko kahit na umiiyak na ako

“Ayoko Carmella, mahal kita!!” hinawakan niya ang magkabila kong braso

“Black ayoko rin pero yan ang totoo!!!” napayuko ako

“Ba-baka nagkakamali lang ang larawan Carmella!!” nangingilid na rin ang mga luha niya

“Hindi ko alam Black! Hindi ko alam!!”

“Mahal kita, ayokong maging pinsan ka dahil hindi ko kakayanin!!” niyakap na niya ako

Yumakap ako ng mahigpit at humagulgol sa iyak

“Ma-mahal din kita Black pe-pero yung nasa larawan!!” sabi ko

“Kakausapin natin sina Tita if ano ang totoo!” matapang na sabi ni Black

“Pe-pero paano kung totoo!?”

Natahimik siya sa tanong ko

“Tatanggapin natin ang buong katotohanan” seryosong sabi ni Black

“Pero—“

“Pero kahit na ano ang totoo ay MAHAL NA MAHAL talaga kita Carmella!!”

“MAHAL NA MAHAL din kita Black!”

 

Ngumiti si Black at sabay hinalikan ako, kahit na gulung-gulo kaming dalawa ay hinalikan ko din siya

--

BOOK 1: Hired Boyfriend [Kathniel]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon