Twenty Eight

17.6K 233 47
                                    

“Carmella anong problema!?” pag-alala ni Black

“Anong G Black!?” tanong ko ulit

“G!?”

“Yung middle initial ng mama mo” nangingilid na ang mga luha ko

Ayoko!!

Ayoko!!

Mahal ko siya, mahal niya ako!

 

“Bakit ba!? Anong problema!?” tanong niya ulit

“Ba-Black sabihin mo sakin ano ang G sa kanyang pangalan!?”

“Teka muna, ba’t ka naluluha! HA!? May masakit ba sayo!?” chineck-up niya ako

“WALA!!!” napahinto siya sa pagtingin sakin

“Carmella bakit?”

“Sabihin mo muna kung ano!!” napaluha na ako TT____TT

“Ang G ay Gregorio, yun yung apelyido ni mama nung dalaga pa siya” sagot ni Black sabay punas sa mga luha ko

“BLACK AYOKO!! AYOKO!!!” napayakap na ako sa kanya

“Ha? Anong ayaw mo!? Carmella I don’t understand!!” himas niya sa likod ko

“Black mahal kita!” sabi ko sa harap niya

“I do love you also but please---“ hindi ko siya pinatapos magsalita

“Sssh, please listen to me!”

Tumango siya, nagpunas agad ako ng luha

“Dalawang magkapatid sina Mama, masaya daw sila noon ngunit nag-iba ang lahat ng naging ulila sila sa magulang ng dahil sa isang car accident. Si mama 8 years old at ang kapatid niyang babae ay 6 years old pa lamang, pumunta sila sa isang palengke dito sa manila para mamalimos ng pera. Ng biglang nagkagulo sa palengke dahil sa mga pulis na dumating at huhulihin ang mga sidewalk vendors pati na rin ang mga batang kalye”

Huminto muna ako at tumingin sa kanya, tumango naman siya para sabihing ituloy ko. Umihip ang malamig na hangin sa paligid, ang tanging maririnig mo lang ay ang mga ibon at mga dahon ng puno.

“Tumakbo sa abot ng makakaya sina mama habang hawak-hawak niya ang kanyang kapatid, ngunit dahil sa dami ng tao hindi gaanong makadaan sina mama. Hanggang sa sila na ang hinabol ng mga pulis, takbo sila ng takbo at dahil sa hindi na kaya ng kanyang kapatid ay nadapa ito. At nahuli siya ng mga pulis, doon nagkahiwalay sina mama at ang kanyang kapatid”

“So what’s the connection ni mama sa kwento mo Carmella!?”

“May larawan ka ba ng iyong ina!?”

BOOK 1: Hired Boyfriend [Kathniel]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon