Seventeen

17.3K 272 8
                                    

Dalawang araw na simula ng nangyari iyon

Dalawang araw na din akong umiiyak

Dalawang araw na akong tinatanong ni mama kung bakit daw ako ganito

Dalawang araw na akong walang gana

Ayoko ng ganito >__<. Nasaktan ako at sana hindi ko nalang siya nakilala. Sana hindi nalang nangyari itong lahat. Kahit na wala akong gana ay pumapasok parin ako sa paaralan at kina Britney ko lang sinabi ang tungkol doon. Hindi ko alam kung bakit hindi ko masabi kay Mica.

Nagtatanong siya syempre pero ang tatay ko ang naging dahilan ko.

“Girl sige na punta na tayo!!” Britney

“Kayo nalang ang pumunta, sabihin niyo lang na masama ang makiramdam ko” matamlay kong sabi

Nandito sina Britney sa bahay, sa kwarto ko kasama niya si Paolo na kanina pa ako pinipilit na pumunta ng party ni Mica.

Oo ngayon yung party na sinasabi niya, ipapakilala na niya samin yung naiwan niyang pag-ibig dito

“Lagi ka nalang ganyan CC!” si Paolo na nag-aalala na rin, gusto niya nga din sanang suntukin si Black pero pinigilan ko

“Hindi ko lang matanggap na niloko niya lang pala ako” tumulo na naman ang mga luha ko

“Sshh tahan na CC, may karma naman dyna sa tabi-tabi kaya wag ka ng umiyak!” sabay punas ng luha ko si Britney

“Sabihin na nilang OA ako pero masakit eh!” hindi ko naman napigilang umiyak

“Sssh tahan na girl” niyakap ako ni Britney at hinimas himas naman ni Paolo ang likod ko

“Napakatanga ko talaga!! TT___TT” panay ang agos ng mga luha ko

After that day ay nagtangkang makipag-usap si Black pero ayoko. Ayoko ng siyang makita pa.

“Girl wag mong saktan ang sarili mo, nasaktan ka na ni Black kaya wag mo ng dagdagan! Now it’s time to move-on, and you need to fight! Wag kang magpapatalo sa kanya, baka nagyon tinatawanan ka niya ksi umiiyak ka!”

“Naiinis ako sa sarili ko!!!” TT___TT

“CC you need to fight in this mistake, hindi ka dapat magpatalo sa kanya. Show him that you’re a strong girl at hindi lang siya ang makakatalo sayo CC!!” napaiyak ako sa sinabi Paolo

Tama sila, hindi dapat ako magpatalo! TAMA NA ANG KAKAIYAK CC!! You’re a brave girl and no one can make you weak!

Nagpunas ako ng luha sabay yakap sa kanila

“Oh sige, pupunta tayo sa party ni Mica guys!!”

“Talaga girl?”

“Oo naman noh!! Kaya ko ‘to!!”

Niyakap ko ulit sila at nagpasalamat. Dahil sa kanila ay gumaan ang pakiramdam ko. Sila ang laging kasama ko sa lahat.

BOOK 1: Hired Boyfriend [Kathniel]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon