Twenty

17.4K 272 18
                                    

 

“Sure ka ba girl sa gusto mo?” pag-alalang tanong ni Britney sakin

“Oo naman para kay Mica” sabay ngiti ko ng peke

Pero CC—“ Paolo

“Okay lang Paolo” ngiti ko naman

Sunday ngayon, nasa kwarto sina Paolo at Britney. Dinalaw ako at nagdala ng mga pagkain baka daw wala na naman akong gana kumain dahil sa nangyari pero nakapagdesisyon akong hindi na ako magpapabaya ng sarili.

Nagpapasalamat din ako kay Ken kasi ng dahil sa kanya ay gumagaan konti ang pakiramdamam ko tahat night. Hindi ko nalang sinabi kina Britney ang nangyari nung tumakbo ako. Sabi ko nalang nakauwi ako mag-isa.

Hindi naman sila nagtanong pa.

“Pero paano kung malaman niya girl?” sabay subo ng curls

“Hindi ko na alam pa ang mangyayari Britney!” sabay kain ko ng cake na dala ni Paolo

Napag-isipan kong huwag nalang sabihin kay Mica ang tungkol samin ni Black. At alam ko namang hindi din sasabihin ni Black sa kanya. Ayokong masira ang pagkakaibigan namin ni Mica. Mabait siya.

--

Tahimik lang din ang campus, hindi ata nila nabalitaang si Mica at si Black pala. Normal lang dahil akala ko pagchichismisan nila ako tulad sa mga teleserye diba?

“CC!!!” napalingon ako sa likod

At masayang tumakbo si Mica papunta sakin. Masaya na din ako para sa kanya dahil ngayon natupad na ang gusto niya.

Nagbeso beso kami at ngumiti ako sa kanya. Masayang masaya talaga siya. Ngunit napalitan ang ngiti ko ng nakita ko siyang papalapit samin habang nakasuot ng headphone with shades.

Mukhang hindi na niya ako kilala.

“CC meet Black siya yung sinasabi ko sayo!!” masayang sabi ni Mica sabay hawak sa braso ni Black

Ngumiti lang ako tapos siya tumango lang.

“Sayang nga kasi bakit ka pala umalis nung party? Hindi tuloy kita napakilala ng maaga sa kanya!!” ngayon nakapulupot na si Mica sa braso ko

“Ah sorry Mica ha kasi nagka-emergency lang sa bahay kaya hindi na ako nakapagpaalam!” pagsisinungaling ko

“Ganun ba, pero wait muna ha!!” napahinto kami at may hinanap siya sa bag niya

Napatingin naman ako kay Black at parang wala lang sa kanya. Sabagay sino ba talaga ako? Hired BOYFRIEND ko lang naman siya at simula nung una ayaw niyang maging ganun.

Ng dahil lang naman sa papa niya ginawa niya ‘yon.

Pero umaasa parin akong MAHAL niya ako.

“Oh!!” napatingin nalang ako kay Mica

BOOK 1: Hired Boyfriend [Kathniel]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon