Napatingin ako sa singsing ko na nasa kanang kamay ko. Minsan talaga hindi ko maiwasang magtanong kung kailan kaya magkakaroon ng wedding ring sa kaliwang palasingsingan ko. I'm not expecting Alex to propose to me because she's still young. May kumpanya pa siyang pinamamahalaan kaya malamang wala pa iyon sa isipan niya. But I can't help but wish that someday, I'll be walking down that path while she's waiting in the isle.

Just wishful thinking.

~•~•~•~•~

Kunot ang noong hinanap ko si Alex sa loob ng Annie's pagkatapos kong matanggap ang text niya na pinapapunta niya ako roon. Buti na lang at lunch break kaya may mahigit isang oras pa ako bago ko kailangang bumalik ng campus. Medyo nairita ako kasi hindi ko naman siya mahagilap sa loob. Madami pa man ding tao.

"You already here?"

Lalong lumalim ang pagkakakunot ng noo ko pagkabasa sa text niya. Pinaglololoko yata ako ng babaeng ito.

"I am. Nasaan ka ba?"

"Outside. Right across the street."

"Ano?" bulalas ko pagkabasa sa reply niya sabay labas ng coffee shop. Tumingin ako sa makabilang bahagi ng kalye pero hindi ko naman siya mahagilap. Hindi naman ako makatawid kasi panay naman ang daan ng mga sasakyan, at mukhang traffic pa. Idagdag pa ang malaking truck sa kabila ng kalye. Sa inis ko ay tinawagan ko na ang number niya. Pero ang loko, hindi sumasagot!

"Ginu-good time yata ako ng babaeng ito," naiiling na sabi ko sa sarili ko. Aalis na sana ako nang makarinig ako ng tunog mula sa gitara di kalayuan sa kinatatayuan ko.

Nanlaki naman ang mga mata ko nang biglang parang automatic na wala ang traffic kanina sa harapan ko. Nawala na rin ang malaking truck na nakaparada kanina sa kabilang kalye at ang tanging natira ay si Alex na mukhang nag-e-enjoy pa habang nakatayo sa gitna ng highway habang patuloy siya sa pag-strum sa hawak niyang gitara. Para naman akong tanga habang nakatingin sa kanya.

What day is it? And in what month?
This clock never seemed so alive
I can't keep up and I can't back down
I've been losing so much time

Hindi ko alam kung matutuwa ako o maiinis sa kanya, sa totoo lang. May pangisi-ngisi pang nalalaman habang nakatayo siya sa gitna ng kalsada habang tumutugtog ng gitara at kumakanta. Dumadami na rin ang mga taong nakikiusyoso sa ginagawa ni Alex. Pasalamat siya at maganda ang boses niya.

'Cause it's you and me and all of the people
With nothing to do, nothing to lose
And it's you and me and all of the people
And I don't know why I can't keep my eyes off of you

But I must admit, kinikilig ako sa ginagawa niya kahit ilang beses ko nang nakita ang ganitong scene sa mga palabas sa TV. But still. Hindi ko inakalang mae-experience ko ito first hand.

All of the things that I want to say just aren't coming out right
I'm tripping on words
You got my head spinning
I don't know where to go from here

Hindi ko na napigilan ang mapatawa nang idinaan niya sa kindat ang pagkakamali niya sa chord. But still, no matter how ridiculous Alex look while serenading me right in the middle of the highway, hindi ko pa rin naiwasan ang kiligin. Alexandra Warren is really unpredictable. Kaya pala maaga siyang umalis ng bahay kanina. I should've known she's cooking something.

'Cause it's you and me and all of the people
With nothing to do, nothing to prove
And it's you and me and all of the people
And I don't know why I can't keep my eyes off of you

Way Back Into Love (GirlxGirl) COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon