CHAPTER 6 [The Flashback]

14 1 0
                                    

KENTA POV.


I'm so excited to see his face and then hindi ko alam kung bakit humantong sa ganito,We're here at the hospital wishing na sana magising na si Woojin.


I have my reason para itago ang nalalaman ko ang tungkol sa mga magulang ni Woojin,I have my reason kung bakit ko hindi masabi sa iba ang katotohanan,Katotohanan na may pamilyang naghihintay kay Woojin.


[FLASHBACK]


Nandito ako ngayon sa daan kung saan una kong nakita si Woojin,Napadpad ang tingin ko sa maginang naglalakad sa kalsada halata dito na sila ay taong grasa nilapitan ko ito.


"Uhm manang,May hinahanap po ba kayo?" Tanong ko,Tinignan ko ang anak niyang babae at teka parang-


"Hinahanap ko kasi ang anak ko iho" Sabi niya at pinunasan ang luha niya, "Alam kung ganito lang kami pero alam nang diyos na hindi kami gumagawa nang masama pero bakit ganito nalang ang kamalasan namin" Pagpapatuloy nito. 


May dinukot siya sa kanyang bulsa na litrato at pinakita niya iyon saakin,Ganon nalang ang gulat ko nang mapagtanto kung si Woojin pala ang nasa picture na iyon kaya pala kamukhang kamukha ito nang batang babae na kapatid pala niya.


[END OF FLASHBACK]


Simula nun,Binigyan ko sila nang matutuluyan binigay ko ang bahay na pinagipunan ko dahil gusto ko na magkaroon ako nang sariling bahay na gamit sa sarili kung pera nag part time job ako nag model din ako nang walang kaalam alam si Dad,Kaya nung may malaki laki na akong pera ay binili ko ang bahay na mismong malapit sa karagatan. Masimoy ang hangin dito at ramdam mo talaga ang peaceful nang paligid.


Nagpapasalamat saakin ang mag ina hindi ko nasabi sa mga ito na andito sa puder ko si Woojin dahil baka mapahamak ilang siya.


Dinig ko pa ang pagutos nang daddy ko para hanapin ang pamilyang Kim,Napagalaman kung pamilya ni Woojin yun at ang totoo niyang pangalan ay Kim Woo.


Wala na ang papa ni woojin dahil pinatay siya nang dad ko.


Naalala ko pa ang pinagusapan nila noon 


Gustong ipapatay ni Dad ang pamilya ni Woojin dahil sa negosyo, Lumaking mayaman si Woojin noon ganon nadin ang kaniyang pamilya marangya ang kanilang buhay pero naudlot lang non nang ipapatay ni Dad ang pamilya ni Woojin dahil gusto niyang mapasakanya ang lahat nang ari arian nila. 


Nawala lahat sakanila bahay,Lupa,Pera halos wala silang kain dahil naglilimos lang sila sa bangketa.


Kaya ko ginawa ito kaya ako pumayag na pumunta nang america para sa company namin dahil para rin ito sa kapakanan ni Woojin,Nang sabihin ko kay dad na ayusin niya ang lahat para kay woojin he made a decision na hindi niya gagawing alalay niya si Woojin at patitirahin ito sa bahay nila tito daniel kung papayag akong pumunta nang america


Dahil nung una palang ayaw ko kasi inaalala ko siya


Nalaman ito ni Seonho dahil nameet niya na rin ang pamilya ni Woojin,Aksidente lang yun pero nandoon ako sa bahay na pinagdalhan ko sa pamilya ni Woojin at nakita niya ako doon.


May mga pictures ni Woojin ang nakalagay,Bata pa siya sa mga panahon na eyon pero ang tanging alam lang niya ay may pamilya si Woojin,Tinakot ko siya na kapag sinabi niya ito sa iba ay mawawasak ang kompanya nila.


Pero di ko alam kung bakit ganito ang naging resulta nang lihim na iyon


Tama ba na ipagkait ko si Woojin sa pamilya niya? O isipin ko nalang ang ikakasaya niya


Lumabas na ang doctor at sinabi nito na ayos na ang lagay ni Woojin,Dahil nagka experience siya nang amnesia ay mahirap parin sakanya na malaman ang nangyari sa nakaraan niya kaya dapat dahan dahanin lang namin siya.


Hindi ko naman kasalanan ang umibig diba?


-----------------------

Ongniel Son| My Innocent Woojin◇Where stories live. Discover now