"Thank you so much baby! Goodnight!" umayos na ito ng higa.

"Goodnight!" sagot nya.

"And baby....!" mahinang boses na anito.

"Yeah?" sagot nya.

"You know I love you, don't you?" biglang kumabog ang dibdib nya. Could it be?

But then no! Ayaw nyang masyadong paasahin ang sarili. Alam nyang mahal sya nito pero bilang kapatid lamang. Pero alam nyang sa kaibuturan ng kanyang puso pinapangarap nyang mahalin sya nito bilang babaeng nagpapatibok ng puso nito at hindi lang bilang kapatid.

"Y-yes!" may bikig sa lalamunan nyang sagot.

"Please bear that in mind!" huling sinabi nito at hinigpitan lalo ang yakap sa kanya at hinayaan ang sariling hilahin ng antok.

Kinabukasan wala na si Inigo ng magising sya. Napabuntong-hininga na lang sya at agad bumangon. May nakita syang nakatuping papel sa bedside table. Nang buksan nya, note mula sa asawa.

Babe, I'm sorry I need to go early. I'm with Degan and Jace. We have a lot of things to discuss about dads company but I'll be at the office in the afternoon. Please eat your breakfast.

Gumaan ang loob nya kahit papaano. At least nagsasabi na ito kung ano ang ginagawa. Hindi sa nagdududa sya, more on nag-aalala.

Kinahapunan napagpasyahan nyang pumunta sa office para dalawin si Janina at tuloy sumabay na kay Inigo pauwi after office hours.

Dumiretso sya sa cubicle ni Janina since tapos na ang coffee break. Nakipagkumustahan sya dito and to assure her that she's fine, alam nyang nag-alala ito ng husto sa kanya. Wala namang sumita sa kanila since alam ng lahat kung sino silang dalawa.

"Oo nga pala, susunduin ka ba ni kuya?" tanong nya kay Janina ng mapansin nyang malapit ng matapos ang office hours.

"Yeah!" napatingin ito sa cellphone ng tumunog iyon."Speaking of, malapit na raw sya.

"I'll just wait for him, miss ko na rin eh." umayos sya ng upo habang inaabangan ang pagdating ng kapatid.

Hindi naman nagtagal dumating na ito. Agad itong ngumiti ng makita sila. Mabilis syang tumayo at sinalubong ang kapatid ng mahigpit na yakap.

"Na-miss kita kuya." masaya nyang bati dito at humalik sa pisngi. Si Janina ay nakangiti lang sa kanila.

"Na-miss din kita, wag mo nang uulitin ang ginawa mo ha. Tinakot mo kami! Yung asawa mo parang mababaliw sa pag-aalala." banayad nitong sermon sa kanya ng humiwalay sya dito.

"Sorry kuya! Hindi ko na uulitin." nahihiyang ngumiti sya dito.

"Ok, basta pag may problema sis pag-usapan ha. O kaya naman umuwi ka sa bahay wag kung saan pa pupunta." paalala pa nito.

"Promise kuya!" tinaas pa nya ang kanang braso.

"Good!" hinalikan sya nito sa noo bago binalingan ang asawa.

"Hi baby!" dinampian ito ng halik sa labi. Nakita nyang bahagyang namula ang pisngi ng kaibigan kaya napangiti sya. "Are you ready?" tumango lang ang kaibigan.

"Ok, let's go!" kinuha nito ang bag ng asawa bago hinapit sa beywang tsaka bumaling sa kanya. "And you? Sasabay ka ba samin or sa asawa mo?" tanong nito.

"Ah hindi na kuya, pupuntahan ko si Hugh." nakangiti nyang tanggi. "Sige ingat kayo!" paalam nya sa dalawa.

"Oh sige, alis na kami. Mag-iingat ka!" paalala pa ng kapatid bago umalis. Kumaway lang at ngumiti si Janina sa kanya.

Palabas na si Gabby ng elevator sa office floor ni Inigo ng makita nya itong kalalabas lang sa opisina nito at kasama na naman ang babaeng nakita nyang kasama nito kahapon.

Agad nyang pinindot ang close button ng elevator. Wala syang balak ipaalam dito na nakita nya ito. Pero nakita sya nito at nakatitig na sa kanya at pilit hinuhuli ang kanyang mga mata.

Yumuko sya dahil ayaw nyang makita nito ang mata nyang nagsisimula ng magtubig. Bahagya pa syang nagulat ng biglang tumunog ang kanyang cellphone.

Babe calling!

Tinitigan nya ang cellphone hanggang mamatay na ang tawag. Pero ilang sandali lang nagri-ring na naman ito.

Lumunok muna sya bago ito sinagot. "H-hello!" Sinikap nyang maging normal ang boses.

"Babe! where are you? Are you ok?" nag-aalala nitong tanong. "Pwede mo akong hintayin na makauwi babe? mag-usap tayo ok?" Hindi sya agad nakasagot dahil sa sama ng loob.

Bakit ba magkasama na naman sila? Sinabi na nga ayaw nyang magkita pa sila ulit pero binalewala lang nito iyon. Naninikip ang dibdib nya. Kahit sinabi nitong walang namamagitan sa kanila nasasaktan pa rin sya.

"Please babe!?" pagsusumamo nito na mahihimigan ang bahagyang takot sa tinig.

"Ok!" pinatayan na nya ito ng tawag.

Lumabas na sya ng elevator at diretsong lumabas ng gusali sakto namang may dumaang taxi kaya agad syang nakasakay.

Dire-diretso lang syang pumasok ng kwarto pagdating nya ng condo. Bahagya na lang nyang nabati si Manang Linda. Malungkot na lang na napangiti ang matanda.

Pumasok agad sya ng banyo para maglinis ng katawan. Tumagal sya ng mahigit isang oras dahil di maampat-ampat ang pagtulo ng luha nya.

Pagkatapos ay nahiga na sya sa kama, patuloy pa rin sa pag-iyak hanggang sa makatulog na sya.

Halos alas otso na nakauwi si Inigo dahil plinantsa pa nilang magkakaibigan ang kanilang plano para ikareresolba ng kaso ng kanyang ama. At lalo pang nadagdagan ang problema ng mabaril ito kanina mabuti na lamang at may ipinauna ng mga tauhan si Degan sa agency kaya nasaklolohan agad ito. Dumagdag pa sa problema si Sheena. Hindi naman sa ayaw nya itong tulungan kaya lang masyado ng naguguluhan at nasasaktan ang kanyang asawa.

"Manang ang asawa ko po?" tanong nya sa butihing matanda.

"Naku anak, pagdating kanina dumiretso sa kawarto at hindi na lumabas. Tinawag ko kanina para kumain pero hindi sumasagot." naiiling na sagot ng matanda.

Napabuntong-hininga sya. "Pwede po bang paki-prepare kami ng pagkain dadalhin ko na lang po sa kwarto." pakiusap nya dito.

"Sige iho." tumalikod na ito at tumuloy sa kusina.

Naupo muna sya sa sofa sa sala habang naghihintay. Napabuntong-hininga na lang sya at napahilot ng sintido sa dahil sa dami ng alalahanin.

Dangerous Series #1: INIGO (Completed)                Where stories live. Discover now