Chapter 21 - Accident Pt. 1

Start from the beginning
                                    

“….mag-practice ka na.” di niya pa pinansin tanong ko. WOW HA. Galeeeng.

“H-ha? Wala pa si Saab eh...”

“Ikaw daw magtetake-over diba? Pumunta ka na sa harap. Ako na magpleplay ng music.” Sagot niya. Mukhang galit pa si koya. Ampupu kung mag mood swings talaga to daig pa ang mga babae. Masama ba magtanong.

Nakapansin narin si Jake na medyo badtrip tong kausap ko at di din siya pinansin kaya tumahimik nalang siya sa gilid na pangiti-ngiti, tinitignan yung conversation namin. May reputation na kasi si Trice na siya talaga ang batas pati sa buong campus, ewan ko kung sang kanal nila nakalkal yung ideang yun at takot pa silang makipag-jokean sa kanya. E ako lagi ko siyang binabara. Siguro dahil filthy rich boy siya kaya takot sila. Halos ako nga lang ang babaeng nakakausap nito e, maliban nalang kung nangongopya siya sa katabi niya. Puro lalake mga kinakausap niya.

“Ikaw kaya magturo no? Hirap magsayaw teh.” Kako naman.

Dumilim nanaman yung paningin niya, yun talaga ang nakakatakot sa kanya. Pag galit mas nagiging black ang super black na niyang pupils, e bilog na bilog pa man din shape ng mata niya. O ako lang yun..?

Wala narin akong nagawa, pumunta nalang ako sa harap at tinawag na ulit yung members. Sa peripheral visionko nakita kong natatawa-tawa sakin si Jake.  I just shook my head. Hayy gusto ko pa sanang awayin yung Kanin na yun sa problema niya pero natakot ako. OKAYYY, ngayon lang to. Most of the time siya ang takot sakin. Hahaha kedeng. Okay fine it’s true.

So ayun, we just practiced the whole afternoon. At bwisit, talagang nanunuod yung asar na mokong ng Torres na yun amp. Ano bang trip niya ngayon? Para lang mabwisit ako? Demmet. Hindi ko nalang masyadong pinansin at nagfocus sa pagtuturo ng steps. Good thing dumating agad si Saab, kundi baka mabad mood ako sa harap.

Dismissal na, and I’m so freakin tiiiiiiiiired. I took a shower in the girls’ shower room. Ako lang ata nag freshen up, masyadong napagod siguro mga kasama ko. Di ko matiis na sobrang pawis eh. And nice, ako nalang ata natira, ibang section or year na yung ibang nandito sa campus. Padilim narin kasi. Oh well, lagi naman akong mag-isang umuuwi. Unless sinusundo ako ni mama o papa.

Ang problema ko lang walang masyadong jeep pag palate na, patago kasi school namin. Crap. I’m tired alreadyyyyyy. Help me Lord. No energy. Pati sa pagmumuryot wala. Uuughhhhhhhhh. Sa kabila nalang ako mag-aabang, kung wala talaga I’m gonna call my mom. Hassle!! Hassle hassle hass-

*BEEP BEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEP!!!* *SCREEEEECH*
























~TBC

It's Darn Complicated *hiatus*Where stories live. Discover now