Chapter 1 - Rewind

2.6K 9 3
                                    

Ashley Buenaventura's POV

 "Eh, ewan ko. Bahala na! Magulo."

Yan nalang nasasabi ko lagi sa ngayon.

Hindi sa ganun ako katanga ah, kundi nalagay lang ako sa mga sitwasyong di ko pa nararanasan nuon.

Tss, eto na ata ginawa ko lagi, mag-complain.

Ako nga pala si Ashley Grace, last name Buenaventura. 17 years of age, currently a senior in a Catholic High School. I'm taller than most girls and some guys my own age, fair-skinned, maganda? Ewan ko, sabi ng iba. O sige na nga, cute nalang para 50/50, walang away haha! May medyo mahaba nang bob cut, almond-shaped eyes, di pango, di rin katangusan na ilong, chubby cheeks at full lips. Asset? Wala naman. Smile nalang, kasi pag nag-smile daw ako kahit sa picture lang, kahit kelan hindi mukhang pilit. Parang pag 1,2,3 *click* boom! Para daw talaga akong masaya sa picture. Eh, ayoko kasi mag-mukhang pacute eh. Hindi ako girly-girl, hindi rin tomboy-ish. I have two siblings, a brother and our bunso, a sister. Hindi naman kami mayaman, may-kaya lang.

Okay, now you know enough about me.

Ang masasabi ko nalang, hayy confused talaga ako ngayon.

Buti pa ang bestfriend ko, maayos na lahat. E ako? Tss, here I am complaining again.

Teka nga, para malinawan kayo, flashback muna.

*Three years ago*



Eto nanaman. Pasukan. Pero hindi lang basta-basta pasukan.

High School na ko, tss.

High School? Seriously? Mas feel ko sa dati kong school.

I don't like it here, nakakaintimidate ang higher years. 

Oh well, at least may mga dati akong classmates sa section ko, I'm not completely alienated.

Special ang curriculum kung saan ako nakapasok, 'cream of the crop' nga tawag ng teachers sa section namin. May extra advanced subjects kami na wala sa ibang section. Dito napupunta ang honor roll students, mga above average ang grade noong elementary at ang mga nakapasa sa screening exam para makapasok sa nasabing section.

Second honorobale mention ako nung grade 6, meaning, hindi na ako nag-exam. Pasok na agad ako nung enrolment. Muhaha.

Biglang may kumalabit sakin, si Alessandra Esteban, close friend at classmate ko rin nung elem. Nawala tuloy ang pag-dedaydream ko.

"Bat kaya nila nilolokong fishy-face yung Jake? May itsura naman siya oh, pogi even."

"Ha? Sinong Jake? Huwaw Alex ha, first day palang may crush ka na." sabi ko naman.

"Duh, napogian lang crush na agad? And hindi ka ba nakikinig nung nag-introduce yung ibang classmates natin? Ayun siya oh." sabay turo niya ng nguso.

It's Darn Complicated *hiatus*Where stories live. Discover now