Chapter 35

805 20 21
                                    

Alyssa

"Kita mo to oh. Kami na ngang kasama nakaharap pa rin sa phone!" Sabi ni Jovee sabay agaw ng phone ko. "Susme. Limang buwan nang paulit-ulit lang ang pinaglalandian niyo sa texts, di ka ba nagsasawa?" Iritadong tanong niya.

"Baliw. Mahal ko, magsasawa ako?" Sagot ko lang.

"Corny." 

"Hindi yan corny, Unggoy." Tanggol naman sa akin ni Ella. "Ang tawag diyan, inlababo!" Edi ikaw nang number one supporter ni Mika, Ella. hahahah.

"Kinukunsinti mo pa yan." Inis na sabi ni Jovee saka ibinalik ang phone ko. "Nang dahil sa pag ibig pag ibig niyang yan, wala si Bangnita dito ngayon. Today is tropa day tapos kulang." 

Okay, totoo nang inis si Jovee. Nagkatinginan na lang kami ni Ella at walang naisagot. Napayuko na lang din ako. Kasalanan ko naman talaga kung bakit wala dito si Bang. Malamang galit na galit na sa akin yon ngayon. Hanggang ngayon daw eh ayaw akong pag-usapan eh. Anong ginawa ko? Blinock ko lang naman siya sa lahat ng social media pati sa phone ko. Nang matahimik na sa pagseselos si Mika. 

"Jov..." Ella tried to reason out pero wala ding lumabas sa bibig niya.

"Alam mo, ang sakin lang naman Ly, kung talagang mahal ka niya, matatanggap niya pati kaming mga kaibigan mo diba? Pagkakatiwalaan ka niya. Maiintindihan ko pa kung niloko mo na siya noon, oo normal lang na magka trust issues siya pero yang ganyan na halos kasisimula niyo pa lang? Alyssa naman. Hindi ka pinalaking maayos ng mga magulang mo para lang kontrolin niya. Hindi mo kasalanang sandamakmak na ang nanloko at nang iwan sa kanya."

"Jov, tama na please..."

"Ly, you need to hear it. You need to wake up. This relationship is taking you nowhere. Pero kung diyan ka masaya, sige. Go ahead. Ayoko lang namang makita kang nasasaktan sa huli eh." Sabi niya saka tumayo. "Don't worry, Bang and I will always be around whenever you need us." Habol niya saka tuluyan nang umalis.

Napayuko na lang ako at maluha luha. Alam ko naman eh. Nararamdaman ko naman kung anong sinusubukang iparating sa akin ni Jovee. Pero ano bang magagawa ko? Masyado ko nang mahal si Mika para bumitiw pa sa kung anong nasimulan namin.

"Besh..." Tawag sa akin ni Ella saka hinawakan ako sa balikat. "Nagtatampo lang mga yon. Di lang siguro sanay na hindi na sila yung lagi mong nakakasama. Pero alam mo namang kung saan ka masaya, dun na rin kami. Naiintidihan kita, Ly. Nandito lang ako lagi."

"Alam ko namang may pagkukulang na talaga ko sa inyo eh... I'm so sorry. I'll try to fix it. Pero sa ngayon..."

"Go ahead. She's for keeps. Maiintindihan ka namin no matter what. Kapatid ka na kaya namin! Di ka rin matitiis nung dalawang yon!" Pag papagaan pa ni Ella ng loob ko.

"Yes... Sana nga."

As of the moment I really don't have any idea kung paano ako makikipag ayos kay Bang. Alam kong ikagagalit na naman iyon ni Mika. At si Jovee na ngayon pa naisipang mag inarte. Haaay! Bahala na nga.

**

Vic's POV

"I need to tell you the truth. Your son's life is not that long now. His body is too weak  and I am afraid we can no longer do anything about it. I'm so sorry."

Halos mapatumba naman ako sa narinig. Hindi. Hindi pwedeng mangyari to. Hindi pwedeng pati si Vince ay kukunin na rin sa akin.

Naramdaman kong humahagugol na rin si Roma sa tabi ko. I faced her then give her a hug, Parang unti-unting gumuguho ang mundo ko dahil sa nalaman ko. Hinding-hindi ako kailanman magiging handa na mawala sa akin ang anak ko kahit pa ilang beses akong balaan ng mga doctor. 

I Wouldn't MindWhere stories live. Discover now