Chapter 14

1.2K 39 39
                                    


Alyssa's POV

"Ate Aly, what are you doing here in this early in the morning?" Tanong ni Ria na kakamot-kamot pa ng mata sa likod ko.

"Good morning Baby Ria! Breakfast is ready!" Nakangiti kong bati sa kanya.

Halos malaglag naman ang panga niya. Napatawa na lang ako. Pano ba naman, wala naman kaming ginawa niyan kundi ang mag-away talagang magugulat yan.

"Yeah, I really am dreaming..."

"No, you're not." Sagot ko saka inihain na ang niluto ko. "I know your mom won't be up this early because of hang over... Kaya ito, pinagluto ko na kayo ng breakfast."

"Seriously?! You're still courting my mom?!"

"Who's courting who?" Antok na tanong ng babaeng pababa pa lang mula sa taas at nahihikab pa. "Alyssa? What are you doing here? Ang aga pa ah!"

"Uhh... Not that early, Miks. It's 7 in the morning... You should be at work by 9..."

"What?!" Gulat niyang tanong. "But still, what are you doing here, Valdez?"

"Sarili mo ang tanungin mo!" Biglang singit ni Tita Baby. "Aba't alas dos na ng madaling araw eh sinundo ka pa niyan sa Bar at hinatid rito. Aba'y hindi ko na pinauwi't dito na pinatulog."

"Yep. So breakfast is ready?" Alok ko sa kanila.

"Teka la--" aangal pa sana si Ria.

"Nako nak, kumain ka na lang. Hindi mo gugustuhing tanggihan ang luto ng Ate Aly mo." Putol ni Mika rito. "Uggghh. Bakit ba kasi ako nag-inom? Ang sakit sa ulo..."

"And here's coffee for the drunkard. Yan, laklak pa more." Sabi ko saka inilapag ang special coffee ko sa tabi niya.

"Thanks!" Masigla niyang sabi saka agad na kinuha iyon. "Hmmmm. The best talaga!"

"Ate Ly, you cooked this?!"

"Yep. Ano mas masarap sa paborito mong restaurant no? Kaya wag mo na ko awayin!"

"No. Still, hindi mo ko madadala sa pagkain... But ugh... This is sooo... Masarap!"

"Haha. Tong batang to. Napaka conyo na nakakain lang ng masarap! Thanks, Ly. Pasensya na sa abala. Bawi ako sa'yo."

"Yep. Talagang babawi ka no! Pero bago yon, dalian niyo nang mag-ina, I'll drive you both na rin."

"Huh? Nako wag na. Baka hinahanap ka na sa inyo. Mapagalitan ka pa."

"No worries, tinawagan naman ni Tita B si Dad kagabi... And he knows I'm with you so I'm perfectly under a good influence. Hehe."

"Ah ganon? Siguro may gala kayo nila Jovee ano at hihilingin mo a pagtakpan ko kayo? Ano? Ano?"

"Huh?! Hindi no. Good girl na kaya to!"

"Luh? Kelan pa!"

"Mula nang nakilala kita..." Bulong ko saktong pagtalikod sa kanila.

"Ano yon? Ano yon?"

"Wala! Kain na kayo!" Sabi ko saka dumeretso sa kusina.

Napasandal na lang ako sa counter at napahawak sa dibdib ko... Then sa panga ko. I'm wondering why my heart beat is like this... And why am I smiling this much... This can only mean one thing... I'm happy?

**

Vic's POV

Nakangiti lang ako habang nakatingin sa anak kong masayang naglalaro ng train set niya.

I Wouldn't MindWhere stories live. Discover now