Chapter 8

241 4 0
                                    

This chapter contains scenes not suitable for readers below 18 years old.

-----------------------------------------------------------

Halos di mapaglagyan ang sayang aking nararamdaman. Di ko pa rin lubos maisip na matatanggap ng aking mga kaibigan ang totoo kong pagkatao. Kampante naman ako kay JJ kasi nakwento nya nga na may kapatid syang bakla at okay lang sa kanya.

Kay Junjun lang talaga ako natatakot kasi nagiging bully sya minsan lalo na sa mga baklang ladlad sa ibang minor subjects. Hindi naman yung intense bullying talaga, yung tipong ikaw yung bagsakan ng lahat ng gagaguhan at biro ng mga kaklase mo at sumasali si Junjun doon. Para sakin kasi pakiramdam ko nababawasan ang aking pagkatao pag sakin ginawa iyon.

"Ok lang yun pre. Kaibigan pa rin namin. Walang nagbago. Magpakatotoo ka sa sarili mo, nandito lang kami para sumuporta."

Ang mga salitang iyon na sinabi nya habang nakasandal ako sa kanya ay tumatak di lang sa aking isipan kundi sa kaibuturan din aking puso. At napansin ko din syang napaluha.

"Junjun?" tanong ko. Palingat ko ay nakatulog na pala ito. Kaya para di rin ako makatulog, sumali na ko kay Wayne at JJ sa pag inom ng beer. May pinag-uusapan sila na biglang natigil nang akoy lumapit sa kanila.

O shit! Di kaya pinag-usapan nila yung nakita ni JJ?

"Ikaw Timoy, ano balak mo pagkatapos natin mag college?" tanong ni JJ.

"Ako? Hmmm. Nakwento ko na to sa inyo e pero sige since di pa naman narinig ni Wayne, gusto ko talaga mag pulis. Kaya pagkatapos ng board exam yun ang gagawin ko. E ikaw ba Wayne?

"I don't know really, I just want to take chemistry because my father is a head chemist at DEA Europe. I'll probably return back to Europe and be like him" sagot nya. Ha? Babalik pala si Wayne sa Europe balang araw? Bigla tuloy ako nalungkot.

"Ikaw ba JJ? Sa tagal nating magkakilala di mo nakwento ano gusto mo gawin pagkatapos natin mag college." sabi ko kanya.

"Siguro mag-aaral ako ng law" tugon nya. Di na ko nagulat sinabi nya. Parang bagay naman talaga kanya maging abogado. Napatango din si Wayne ng marinig ito.

"Pero malayo pa naman yun e. So i-enjoy muna na natin college natin" dagdag nya.

"More importantly, let's enjoy the rest of the night." sambit naman ni Wayne na kakaubos lang ng beer nya at parang kukuha pa ata ng panibago. Hala, wala bang kalasingan ang taong ito?

Lumapit yung mama ni Junjun.

"Timothy, pwede mo ba akong tulungan maiakyat si Junjun sa taas. Nako talaga tung batang to" nakangiting sabi nya.

Dali-dali ko namang inalalayan ito kasi nakakahiya din sa mama nya. Dahil samin lasing na lasing ito.

"Salamat Timothy a, kaya mo pa bang tumayo?" tanong ni Tita.

"Opo, hatid ko na po sya sa kwarto nila" sabi ko habang pinipilit palakarin si Junjun. Parang tulog na ata talaga kaya binuhat ko nalang ito papunta sa kwarto nya.

"Junjun. Magbihis ka sa taas para di mangamoy ang bedsheet" sabi nya sa anak.

"Hmmmm" tugon ni Junjun. Aba pota. Gising pala tong gago, sarap bitawan. Nagpapakarga lang talaga. Pero kasi nakatingin mama nya habang inaakyat ko kaya hinayaan ko nalang.

Pagdating namin kwarto ay bigla kong binitawan kaya nahulog ito sa sahig. "Uuhhrrm..uggh" tunog nito sabay kamot sa tiyan.

"Hoy Junjun bumangon ka nga jan para magbihis." sabi ko habang tinatapik ang balikat nito.

My Friendly Neighborhood Batman (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon