Chapter 13 - First Date

Start from the beginning
                                        

nilayo ko yung cellphone sa tenga ko, goodness ang sakit sa tenga, bigla ba namang tumili

"teka nga! kalma ka lang, ang sakit kaya sa tenga yang tili mo!"

[Sorry naman noh! eh kasi ee, di nga may date kayo ni suitor mo?! wait lang ahh wag mung bababa]

tas may narinig akong parang takbo palayo at saka..

[kyyyaaaaaaaaahhhhhhhhh!!!!!!!]

hala?! anyare dun?

narinig ko ulit yung yabag ng paa nya

[ok, ok na haha, omgiiiee! may date kayo ngayon! what time daw saka saan?] tanong nya

"1:30 pm daw, ayun nga di ko alam kung saan kaya di ako makapag-decide kung ano susuotin ko, formal ba o casual, nagtext na kasi sya sabi nya papunta na sya ee di pa ako nakakapag-ayos ano na gagawin ko baka maghintay sya ng matagal sa baba"

[wow ha! excited si kuya bernard haha]

"uii, ano na, di pa ko nakaayos parating na sya ano susuotin ko?"

[haha, girl ano kaba!, hayaan mo sya maghintay, first maaga pa kaysa sa usapan nyo magwa-one pa lang oh, second lalaki sya, baka pagnakitang nakaayos kana isipin nun excited ka! pero sa tingin ko excited ka nga, di ka mapakali sa susuotin mo eh hahaha]

>///< shocks nahuli nya ko dun ahh, syempre naman first date kaya to!

"iiihh, bella naman ee, ano ba kasing susuotin ko?"

[ok, chill ka lang, kung wala kang idea kung san kayo pupunta mag casual kana lang, mamaya magformal ka sa kalye lang pala kayo magdedate, i think casual dress would be ok, basta wag masyadong maikli and don't forget to wear short! at tutal medyo maikli lang yung hair mo magclip ka na lang, wag ka na mag make up, powder and lipgloss na lang, ok na siguro yun]

"ah, ok ok, thank you so much!, sige mag-aayos na ko"

[you're welcome girl!, kaya mo yan aja!! enjoy ha! haha.. kita tayo bukas mag kwento ka haha bye]

"sira ka talaga, sige na thank you ulit bye"

ayun na nga nag-ayos na ko, sinunod ko yung sinabi ni bella

nag clip lang ako ng may design na rose flower, yung sa casual dress naman is sleeveless na color light blue na may design na roses and leaves and naglagay din ako ng belt na color pink, sakto lang sa tuhod ang haba, nag powder na din ako at lipgloss na pink

nagflat lang din ako ng sandals na pink din at may bag pouch na pink din ang color, di halatang ayoko sa pink noh haha

tok tok..

bukas ng pinto, si Nanay Beth pala

"iha, andyan na si Narnar" nay beth

"sige po nay, bababa na din ako paki sabi"

"o sige iha, nga pala ang ganda mo ngayon ahh, enjoy kayo haha"

"iihh, nay naman! enjoy ka dyan, saka ngayon lang po ba ko gumanda?" kunwaring tampo ko kay Nay beth

"haha, ito talagang bata to oo, o sya mas maganda ka ngayon dahil nagayos ka"

"haha salamat po nay"

"o sige na ako'y bababa na, iha, tandaan, bata pa kayo"

"alam ko naman po nay hehe"

"o sya o sya mauna na ako"

at bumaba na si nanay beth, whoo! kinakabahan ako, ano kayang mangyayari mamaya??

-----------------------------

Bernard's POV

andito ako ngayon sa sala nila Jane, grabe, nanlalamig yung kamay ko, sana naman di pumalpak tong date na toh! kinakabahan talaga ako, may dala ako na halaman ng santan nakalagay sa paso, wag kayo binili ko pa yan kaya may design naman, pinalagyan ko ng ribbon, sana lang magustuhan nya

nakita kong pababa na si nanay betty kaya tumayo ako

"iho, pababa na sya, saglit na lamang ha, maupo ka muna ulit" nay beth

"sige po nay, salamat" at umupo ulit ako

kinuha ko ang cellphone ko saka tinext ang tropa

to: kyle: brent: jeric: best cryss

nandito na ko sa bahay nila, ok na ba? pagyan pumalpak, papalapa ko kayo sa aso ng kapitbahay!

send

nako, sana naman naayos nila, paghindi papalapa ko talaga sila sa chihuahua haha

toot toot

from: best cryss

chillax lng best, inaayos na, wag kang excited!

nagreply ulit ako

to: best cryss

ah sige, salamat best ahh ng marami! bawi ako next time ;)

send

"uhm, Nar,"

nagulat ako sa nagsalita kaya napatayo ako saka sya tinignan

.

OoO

.

literal na ganyan ang itsura ko, nganga at nanlalaki ang mga mata

"uhm, hi!" nahihiya nyang sabi

nagising naman ang diwa ko dahil sa pagsasalita nya

"hi, you look beautiful!" nakangiti kong sabi

nagblush naman sya.. >///<

ang cute! ang ganda nya talaga! ay! oo nga pala, kinuha ko yung santan sa lapag at inabot sa kanya

"para sayo nga pala"

inabot naman nya saka nagpasalamat, tumawag sya ng isang yaya para ipaakyat sa kwarto nya yung halaman, siguro nagustuhan nya, buti kung ganon

"uhm, tara, kasama ko si mang caloy, sya driver natin hehe, wala pa kasi akong student license eh, ok lang ba?" tanong ko, syempre mas magandang may kotse mamaya maging hagard na agad kame sa pag commute di pa kame nakakarating sa destination namen haha

"ok lang, no prob"

lumabas na kame ng bahay nila at dumiretso sa kotse, I opened the door for her at tabi kame sa likod umupo

hope maging success tong first date namin

=============================

a/n: ok, pabitin muna, di ko alam kung kelan next update pero baka this week lang din

grabe ee noh! santan talaga?? haha

ayan na muna sana magustuhan nyo!

vomment po ^_^

xoxoxo

#iamatiragram

If OnlyWhere stories live. Discover now