When will it End?

28 4 0
                                    

"Every raindrop is a teardrop."

~*~

When it Rains Part 2 lol

Enjoy reading! (kung may magbabasa man lol)

----------

When will it End?

Pasado alas dies na. Pero heto ako-- basang basa sa ulan-- este nakahiga pa rin sa kama. Wala nang bagyo. Mataas na rin ang sikat ng araw pero nilalamig pa rin ako.

Niyakap ko ang sarili habang nakahiga. Nakapatay na nga aircon at tatlong jacket na ang suot ko pero nilalamig pa rin ako. Ang sakit pa ng ulo ko! Ugh.

Sino ba kasing baliw ang maglalakad sa gitna ng malakas na ulan?

Tinatanong pa ba yan? Eh di si J-U-V-I-A.

Oo na! Ako na ang baliw! Baliw kay Gray!

Ano ba? Sabing magmo-move on na nga ako eh!

Kinuha ko ang chibi pillow sa tabi ko para sana mayakap pero natigilan ako.

Naka-print doon ang chibi version ni Gray!

Pinagbabato ko lahat ng chibi pillows ko. Nagulat ako dahil pati sa bed sheet at kumot ko ay naka-print din ang chibi version ni Gray!

Napatingin ako sa buong kwarto ko at halos lahat ng wall ay may nakadikit na poster o kaya ay pictures ni Gray.

Shit. Ganito ba ako ka-obssess kay Gray?

Paano na ako ngayon makakapag-move on?

Narinig kong nagring ang phone ko. Agad kong inabot ito para tingnan kung sino ang tumatawag.

It was from an unknown number. Napabuntong hininga ako.

Ano pa bang aasahan ko?

"Hello," sagot ko sa kabilang linya.

"Juvia! Where are you? Bakit hindi ka pumasok?" I rolled my eyes. Si Lucy lang pala.

"Masama ang pakiramdam ko. Hindi ako makakapasok," I tried not to sound irritated.

"And you never told me?"

I was about to say "Bakit? Close ba tayo?" pero pinigilan ko ang sarili. Sa halip ay sinabi ko na lang, "Tinext ko na si Erza kanina. I thought, sasabihin niya rin sa inyo."

"We're all worried about you! Are you okay?" I hate that she sounded so concerned. For all I know, tuwang tuwa siya dahil maso-solo niya si Gray.

Iniisip ko pa lang na magkasama sila ngayon ay nasasaktan na ako. Napapikit ako. Lalo yatang sumakit ang ulo ko.

"Stop worrying about me, Lucy. I know that you don't care."

"What? You can't ask me not to worry about you. You're my friend. Of course I care about you!"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 12, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

When it RainsWhere stories live. Discover now