"Sino naman nag sabi niyan?" tanong ko, kung sino man ang nag sabi niyan sa kaniya masasabi kong napakagaling niyang mag payo.

"Yung Girlfriend ko"

"Girlfriend?"

"Nobya" paglilinaw niya, tumango ako, may nobya napala siya.

"May nobya ka na pala, ano pa ginagawa mo dito?" tanong ko dahil bat tumawa uli siya, bakit ba napaka masayahing tao neto, lahat nalang sinasabi ko tinatawanan niya?

"Hindi ko alam kung bakit ka ganyan, hindi ka pa ba nagmamahal o sadyang nalimutan mo din?"

"Nilalait mo ba ko?" at humagalpak nanaman siya ng tawa, hindi ko maiwasan ngumiti na din dahil sa biloy niya!

"Hindi kita nilalait, nakakatawa ka kasi!" aniya

"Edi ng lalait ka nga!" sigaw ko at saka inirapan siya.

"Hindi, Hindi ko lang talaga kaya makita ang mahal ko na umiiyak dahil sakin" napatango ako sa sinabi niya, sabagay kahit naman sino.

"Bumalik ka na sa katawan mo, kung ganon"

"Sinubukan ko kanina pero hindi ko magawa" aniya

"Subukan mo lang ng subukan" sabi ko tumango naman siya. Sandaling walang nag salita samin ng tuluyang kinain ng dilim ang liwanag.

"Babalik na ko sa kwarto ko" Aniya, tumango ako at saka bumaba sa may malaking tangke ng tubig.

"Hinanap na din siguro ako ni mang ester" sabay kaming tumungo sa aming paparuonan.

"Ano nga pala ang pangalan mo?" tanong niya

"Sabing wala nga ako maalala diba? Pero pinangalanan ako ni Mang Ester na Seraphina, Sera nalang" sabi ko tumango siya at ngumiti uli.

"Lucas nga pala" inabot niya ang kaniyang kamay bago pumasok sa loob ng kaniyang silid, nakita ko kung gaano kalungkot ang kaniyang nobya habang pinupunasan ang katawang lupa ni Lucas, habang mataam tinitigan ni Lucas ang kaniyang nobya.

Napabuntong hininga ako at saka mapait na ngumiti bago lisanin ang pwesto ko. "Seraphina!" sigaw ni Mang Ester habang kumakaway.

"Mang Ester!" tumakbo ako palapit sa kaniya.

"May gusto sana ako ibigay sayo hija" aniya

"Talaga po? Ano yon?"

"Bumisita ako sa dating tahanan ng aking lola kanina at nakita ko to sa library niya" sabi ni mang ester, nagtataka akong kunin ang libro na iyon sa kaniyang kamay.

"Gusto ko sanang basahin kaso hindi ko maintindihan sa lalim ng tagalog, kaya baka ikaw maintindihan mo" ng buksan koi yon ay may nakaipit na isang putol na horquilla na sa tingin ko ay mula din sa panahon ko.

"Ano naman po ito?"

"Ah iyan ba? Hindi ko din alam hija pero ibibigay ko na iyan sa iyo" umupo siya sa isang bakanteng upuan sa tapat namin ay si Shana na natutulog pa din hanggang ngayon, wala ang kaniyang asawa hindi ko alam kung asan. Umupo na din ako sa tabi ni Mang Ester.

"Kung tao lang ako ngayon masasabi kong kinikilabutan ako ngayon Seraphina" kunot nook o siyang tiningnan habang titig na titig si Mang Ester kay Shana.

"Naalala ko ang sabi sakin ng aking lola, na balang araw ay may makikilala akong babae na nasa lumang panahon at ang sabi niya ay ibigay koi tong libro na to kasama ang hairpin na iyan, at sa tingin ko ay ikaw yon Seraphina, malang hindi ko maintindihan iyong sinabi ni Lola pero sa tingin ko talaga Seraphina ay nakatakda talagang magkita tayo sa lugar na iyon para i-abot ito sayo" napatingin ako sa libro dahil sa sinabi ni Mang Ester.

"Kung ganon Mang Ester, maari ko bang malaman ang pangalan ng iyong lola?"

"Guadalupe ang pangalan niya" ipinikit ko ang mata ko dahil baka sakaling may maalala akong malapit saking Guadalupe ang pangalan ngunit lumipas ang ilang minuto.

Wala akong maalalang Guadalupe.

"Ano may naalala kabang Guadalupe?" Tanong ni Mang Ester, bagsak balikat naman akong umiling. Tumango tango si Mang Ester at marahas na rin napa buntong hininga.

"Babasahin ko nalang ito siguro" sabi ko at saka sinukbit sa ulo ko ang hairpin.

Lumabas ako ng kwarto ni Shana para makahanap ng magandang lugar para makapag basa ng maayos ng makasalubong ko ang napaka masamang doctor na nakilala ko. Malayo pa siya sa'kin, nasa kabilang dulo ng pasilyo habang nasa kabilang dulo din ako ng pasilyo.

Malayo pa lang siya ay naramdaman ko nanaman ang kakaibang paninikip ng aking dibdib. Madilim ang mga tingin niya sakin at salubong na salubong ang kaniyang kilay. Kusang napatigil ang mga paa ko ng magkalapit na kami. Ganon din siya.

"Where did you get that Hairpin?" tanong niya sa malamig na tono. Ano bang paki niya sa hairpin ko?

"Labas ka na kung saan ko nakuha ang Hairpin na ito! At isa pa akin to!" depensa ko sa kaniya, baka sabihin niya kinuha koi to kasi multo ako at walang makakakita sakin kung kukunin ko to!

"Sayo?" humigpit ang hawak ko sa libro dahil sa panibang galit na nararamdaman ko sa kaniya.

"Oo akin to! Ano naman sa'yo? Bakit gusto mo din?" sabi ko. Sinadya ko lagyan ng pang asar na tono.

"Tinatanong kita ng maayos. Saan mo nakuha ang hairpin na yan?" bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa takot na nararamdaman ko sa tono ng kaniyang pananalita.

"Akin nga ito! Bakit ba?! Siguro iniisip mo na magnanakaw ako dahil sa hairpin na ito no?! para sabihin ko sa iyo, sa akin itong hairpin na ito at hindi koi to ninakaw!"

"Akin na yan" sabi niya. Kunot nook o siyang tiningnan sa sinabi niya.

"Ano ba gusto mong mangyari ha?!" sigaw ko sa kaniya, lalong nag salubong ang kaniyang kilay dahil sag alit. Kung galit siya mas galit ako sa kaniya! Kanina pa siya! Ang laki laki ng problema niya saming mga multo ah! Kung tao lang ako kinutusan ko na itong gunggong na to!

"Akin na" sabi niya ng may diin.

"Anong iyo ha?! Akin nga ito!" sigaw ko sa kaniya, lumakad siya palapit sakin, kinain ng mga hakbang niya ang distansiya sa pagitan namin.

"Ibigay mo sakin ang hairpin na iyan"

"Paano kung ayaw ko ha?" lumapit din ako para hamunin siya.

"I can kill a ghost in one touch, h'wag mo kong hamunin"

o

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 21, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Ghost Who Got AwayWhere stories live. Discover now