II

4 0 0
                                    


Chapter 2

Marahas ako napa buntong hininga habang sinasalubong ang malakas na ihip ng hangin. Nasa pinaka taas ako ng building ng hospital ngayon habang pinagmamasdan ang papalubog na araw. Ang langit ay nag mimistulang kulay kahel na may halong dilaw, pula at asul.

Tulad kanina ay nararamdaman ko nanaman ang pininikip ng aking dibdib, marahil siguro dahil sa sama ng loob na nararamdaman ko sa lalaking iyon. Hindi ko maiwasan magalit dahil sa ginawa niya, hindi porke't isa nalang kaming kaluluwa ay sa ganoong paraan niya ako itatakwil. Minsan kaming naging tao, patay man kami may pakiramdam pa din kami.

Yumuko ako at saka pinunasan ang luha na lumandas sa aking pisngi.

"Alam mo ba ang simbolo ng sunset?" napabaling ako sa aking likuran, isang lalaking nakasuot ng kasuotan ng pasyente sa hospital. Alam ko dahil ganyan ang mga nakikitang kong may sakit sa hospital na to. Hindi naman ako tanga para hindi malaman iyon.

"Nakikita mo ko?" tumawa siya ng marahan, dahil doon ay nakita ko ang kaniyang biloy.

"Kaluluwa din ako" Aniya saka umupo saking tabi, umusog naman ako para magkaroon siya ng pwesto sa king inuupuan.

"Ganon ba? Gumagala ka?" ng makaupo siya ay saka niya ako binalingan ng tingin, ang kaniyang mata ay kulay kayumanggi na may mahabang pilikmata, kulay katamtamang puti ang kaniyang balat naman, ang kaniyang kilay ay may kakapalan na para bang nagdadala ito ng kakaibang lamig na emosyon, habang may katamtamang tangos ng ilong at mapupulang manipis na labi.

Napapikit ako at saka iniwas ang tingin sa kaniya, binaling ko nalang ulit sa papalubog na araw, kinakabahan ako sa mga ganyang titig.

"Comatose ako ngayon dahil sa aksidente, habang nag papahinga ang aking kasama ay sinandiya ko muna lumabas para masilayan ng buo ang sunset, tapos nakita kita"

"Sunset?" tanong ko sa kaniya, kunot noo niya uli niya akong tiningnan at saka niya ako tiningnan mula ulo hanggang paa dahilan bakit ko niyakap ang sarili. Ngumisi siya at saka siya tumawa.

"Anong nakakatawa?! Nakakatakot ka ha! Natatakot ako sa mga ganyang titig eh!'

"Ganon ba? Halatang galing sinaunang panahon ka pa ha" aniya

"H'wag ka nga tumawa nakakawala ka ng ulirat!" ayon humagalpak nanaman siya ng tawa. Bakit ba siya tawa ng tawa? May nakakatawa ba sa sinabi ko? Nagpapatawa ba ko? May nakakatawa ba?

"Bakit ka ba tawa ng tawa?! Ang saya mo ha!" naiirita kong sigaw ko sa kaniya.

"Nakakatawa lang pala talaga pakinggan ang lumang tagalog, kung alam mo lang ang pamumuhay ngayon" aniya. Pinaikot ko ang mata ko at saka binaling sa papalubog na araw ang atensyon ko. "So ano nga ang sunset?"

"Sunset, papalubog na araw sa tagalog" simple niyang saad.

"Hindi ko alam kung ano ang kahulugan ngayon ng mga pilipino sa paglubog ng araw, wala din ako maalala sa aking nakaraan kaya pati ang mga literatura wala" simpleng saad ko.

"Kung ganon ipapala ko sayo kung ano ang meron sa sunset, gusto mo ba?" tiningnan ko uli siya para malaman kung niloloko niya ba ako o hindi, pero ng maramadaman ko na totoo ang sinasabi niya dahil sa titig niya ay tumango ako.

"Madalas sa literatura ang sunset ay 'isang katagang naglalarawan nang pagtatapos ng araw. Ngunit sa iba ang dulot nito ay pag-asa" aniya, nilingon ko uli siya at nanatiling nakatitig sa isa't isa.

"Ang sunset ang nagsisilbing dahilan para maging gabi hindi ba? May nag sabi sakin na ang paglubog ng araw ay hindi pa doon natatapos, may oras pa, kaya sa buhay natin, kapag nawawalan ka ng pag asa, h'wag kang susuko kasi pwede pa, kasi may pag asa pa, kaya tuloy lang, h'wag kang mawawalan ng pag asa at pag hinaan ng loob"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 21, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Ghost Who Got AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon