I.

6 0 0
                                    

Chapter 1. 

Payapa naman nakatulog ang anak ni Mang Ester, matagumpay ang kaniyang operasyon sa puso, mabuti nalang ay may babaeng doctor ang dumating at siya gumamot kay Shana na anak ni Mang Ester na labing limang taon na ngayon.

Nasatabi naman ni Shana ang kaniyang ina na asawa ni Mang Ester, taimtim na tiningnan si Shana, habang nandito kami sa kanang bahagi ni Shana, malaking tinik ang nawala kay Mang Ester matapos ang operasyon na mahigit isang oras at tatlong minuto ang tinagal.

"Bakit hindi mo siya hawakan Mang Ester?" tanong ko sa kaniya, si Mang Ester ang tumulong sakin ng sobra akong gutom habang palakad lakad sa kahabaan ng Maynila. Ng gabing nakita niya ako ay sinabi niyang kaarawan niya iyon, at ang mga pagkain na inihati niya sakin ay munting handog mula sa kaniyang pamilya na inihatid mismo sa kaniyang puntod sa sementeryo.

"Ang pananatili natin dito ay mahigpit na pinagbabawal Hija, hindi tayo maaring makisama sa mga tao kaya kung maari ay gusto ko man hawakan ang aking anak ay wala akong magagawa kung hindi ang tingnan siya"

"Ganon po ba? Ngunit sa pagtagal na pananatili niyo dito ay mas lalo lang kayo nasasaktan Mang Ester"

"Alam ko Hija, sasama ako sa kanila kung matutupad ang kahilingan ko hija"

"Kahilingan? Kaya po ba kayo nandito ay dahil may kahilingan kayo?" marahan siyang tumango at mapait na ngumiti.

"Bata pa lang si Shana ng ako ay pumanaw dahil sa aksidente" aniya, nakikita ko sa mata niya ang lungkot at pangungulila sa anak, kung ganon bakit hindi I kwento ng kaniyang asawa ang tungkol sa kaniya?

"Maari naman po kayo ipakilala ng iyong nobya kay Shana hindi ba?"

"Hindi moa lam ang kabuuan ng kwento Hija kung kaya't napakadali lang mag plano, kung ako ang nasa kalagayan ng aking asawa at siya ang nasa posisyon ko, malamang hindi ko din ipapakilala ang aking asawa sa aking anak"

"Wala naman po akong balak mangi-elam ngunit maari niyo po bang ibahagi sakin ang mga pangyayari? Matapos niyo akong tulungan malaki na ang aking utang na loob sa inyo"

"Maari naman hija, halika't sumama ka sakin" aniya

Lumabas kami ng hospital, sa aming paglalakbay madami akong nakitang tulad namin madami ding multong ligaw, hindi sila nakikisama sa mga tao, payapa lang silang nakaupo, nakatayo, naglalakad at nag aabang ng grasya.

Hanggang nakarating kami sa isang lugar ang. Kulungan.

"Dito ako na matay hija." Sabi niya. Pagkatapos ay naglakad naman kami papunta sa isang malaking sementadong lupain, umupo kami sa isang bakanteng upuan habang pinagmamasdang ang mga preso na naglilinis.

"Tulad nila ay nagkasala din ako hija" tumango ako, at saka siya pinakinggan.

"Isa akong nag bebenta ng pinagbabawal na gamut upang may maipakin sa aking asawa at sa nalalapit niyang panganganak. Hindi ko rin ipagkakaila na ginagamit ko din ang gamut na iyon, pumapatay ako ng tao sa tuwing may nag papainit ng aking ulo dala na rin ng gamut na iyon, gumagahasa ako ng babae dala ng gamut na yon, at higit sa lahat ay napatay ko ang mismong ama ng aking nobya dahil sa pangi-ngielam niya sa buhay ko. Ng oras na nganganak ang aking asawa ay oras din na napatay ko ang isa sa mga opisiyales ng isang casino hanggang sa nahuli ako, dahil sa akin naging miserable ang buhay ng aking asawa at anak, kahit pa mismong nasa kulungan na ako, hindi ako nag bago dahil hinahanap hanap ko ang droga na yon"

"Hanggang sa nabalitaan ko nalang sa aking ina na may sakit sa puso ang aking anak, gamit ang larawan na pinakita sakin ni nanay, naramdaman ko na isa na akong ama, nag bago ako matapos ko Makita iyon ngunit hindi ako napatawad ng aking asawa, hindi ko rin naman siya masisi kung tinggal niya na ang aking karapatan bilang ama ng anak niya at bilang asawa niya. Ginawa ko ang lahat para makalabas ako ngunit napa higpit sakin ng batas"

The Ghost Who Got AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon