O.S #5 - I Won't Give Up

Start from the beginning
                                    

“sure ka?” ay ang lakas din ng apog ng lalaking ito.

“OO!”

“Edi Break! Tara na nga Bebe Ko.” At umalis na sila ng babaeng sagad sa kalandian.

Ouch! Di man lang ako sinuyo or what? And worst, umalis siya na naka-akbay sa babae niya. HUHUHUHU!

End of flashback

“Naku Girl, sinabi ko naman sa iyo na dakilang manloloko yang boyfriend mo e. gwapo nga pero ubod naman ng pagka-playboy.

“oo nga girl, wala ng matinong lalaki ngayon”

“uy meron pa naman, hm girl papakilala ko sa iyo yun pinsan ko. Gwapo yun”

“kaka-break lang namin ni Erish diba?? Tas may papakilala na agad kayo sa akin.“

“papakilala lang naman girl eh, di sinabing syotahin mo. Hahahaha!”

„“oo nga no. Pero wag na. sabi mo gwapo baka manloloko din tulad ng gagung Erish na iyon”

“papakilala ba kita sa isang manloloko? Ay naku girl, basta bukas pakilala kita ha. Single yun. Hahahaha!”

------------------------------------------

“heto na pala siya eh.” Pagkaharap ko sa guy parang familiar sya. teka siya yung…..

“Ikaw?” sabay naming sabi nung guy.

“wait, magkakilala na kayo??”

“hinde” sabay ulet.

“hindi nga. Well anyway, Beatriz this is Tristan my cousin, and Tristan this is Beatriz my friend.” Pakilala sa amin ni April.

-----------------------------------------

“so hindi niyo ba balak sabihin sa akin kung san kayo una nagkita??”

“dito din kami sa mall una nagkita” sagot ko.

“papano?”

“ang dami mo naman tanong Pril” hehehe! Ang daldal eh.

“inaabutan ko lang naman siya ng panyo kahapon kase parang tanga lang siyang umiiyak mag-isa dito.“

“Hey! Sinong tanga aber??”

“Ikaw.”

“aba! Talagang inulit mo pa”

“eh nagtatanong ka eh.” Ang bastos ng lalaking ito. Akala ko pa naman mabait sya. Nagkamali lang pala ako.

“awat! Para naman kayong mga aso’t pusa niyan eh. I introduce to each other para magkamabutihan okay?”

“ano!?” sabay na naman kami. Ay may gulay!!

“Relax lang kayo. hahahaha! Ang cute niyong tingnan kase. Hehehe! Kinikilig ako sa inyo. Hahahha!“

“April!!“

“oh, sabay na naman kayo. Hahahah! Sige na nga, seryoso na. Hm, gusto ko lang kayo maging mag-kaibigan, well na sa sainyo na kung lalampas doon“ adik talaga itong babaeng ito. “ay wait lang, sagutin ko lang yung call ng boyfiee ko. ^____^” at umalis na nga ang bobita. -______-

Lumipas ang 10 minutes eh hindi dumadating si April.

“tagal naman ni April“ sabi ko. Simula ng umalis din kasi si April, hindi na kami nagkibuan ni Tristan.

“oo nga, sandali lang, tawagan ko na.“ So ayun nga tinawagan na niya si April pero kasma ko pa din siya habang magka-usap sila.

“oh ano sabe?“

ONE SHOT STORIESOn viuen les histories. Descobreix ara