O.S #1 - Forever

612 12 13
  • Dedicated kay Pink na Star :)
                                    

Forever

Forever is just a word for other ordinary people.

Pero sa mga taong sobra at wagas magmahal

The word FOREVER is so sacred.

*******************

“Sarap mo talagang maging Inspirasyon Ja, pero alam mo mas bet talaga kitang maging ka-Relasyon” hayyy! Eto na naman itong bestfriend ko. Binabanatan na naman ako, pero eto naman ako. Kinikilig, hahaha! Aba! Masama?? E sa mahal ko itong loko kong bestfriend eh.

“Mais ka talaga, kase ang corny mo.“ sorry naman no? e hindi ako mahilig sa banat banat na yan eh. Haha!

“hay naku Ja, babanat ka na lang din, ayusin mo na huh? Hahahahhaha!“ tingnan mo ang loko, tinawanan pa ako. Tama ba iyon? Tsss. Naku kung hindi lang kita mahal este bestfriend matagal na kitang iniwan.

Tama po kayo, mahal ko itong bestfriend kong ito. Kaso po eh, ayoko magtapat kasi po baka masira ang 10years namin friendship. Tagal na no? since elem e kasa-kasama ko na to. At sa tagal na ng pagkakaibigan namin ay alam na alam ko na ang ugali niya. At sa tuwing may pinapakilala siyang girlfriend niya sa akin ay para na din akong pinapatay. Ang oa no? pero totoo yun, endless torture ika nga. Bat kasi ang manhid niya!! Kaasar lang.

“saan ba kasi tayo pupunta??” kanina pa kasi kami nagbibisikleta, naka-angkas lang ako sa kanya kasi naman po hindi ako marunong mag-bike.

“basta.”

“naku Kit huh, alam ko yang basta na yan.”At ang basta na yan ay may ipapakilala lang siyang bagong girlfriend sa akin. Kasi po, napaka-playboy ng bestfriend kong ito. At isa na din yon sa MGA dahilan kung bakit ayokong malaman nya na mahal ko sya.

After 15mins. Ay nakarating na kami sa may park. Lumapit kami sa isang babae, sabi na eh, bagong girlfriend.

“ikaw huh Kit, napapadalas na yang papalit palit mo ng girlfriend, para sabihin ko sa iyo, hindi yan mga damit na kailangan araw araw iba.”

“opo nay, alam ko po. Hahahahaha!” binatukan ko lang ang gagu. ^__^

“hello babe, kanina ka pa ba dito? sorry kung pinaghintay kita huh, ito kasing bestfriend ko ang tagal magbihis.” Ako pa ngayon ang may sala. -____-

“ayos lang yun babe. Hindi naman ako ganon katagal naghintay eh.“

“nga pala babe, bestfriend ko si Jashen, Ja for short“ tapos nakipag shake hands yung girl sa akin. Syempre kahit gf to ng mahal ko kailangan ko pa din magpanggap diba?

“hello, Im Cathy” well, mukha naman syang mabait.

Nagusap lang sila samantalang ako e iniwan ko muna at naglakad lakad sa Park, ayoko naman na maiwan pa dun at pakinggan ang pag-uusapan nila. Butisanakung mag-away pa mga yun talagang makikinig ako. Hahaha! Ako na masama! xD

After ng araw na iyon, naging mailap na sa akin si Kit, hindi ko na sya masyado nakaka-usap unlike before na oras oras ay katext ko siya. Hindi na din sya pumunta ng bahay non. Naging girlfriend lang niya si Cathy todo iwas na sya saken. Miss na miss ko na ang bestfriend ko. :’(((

1 week straight ko ng hindi nakakausap si Kit, as in wala. Ni text na “hi” or ‘hello” ay wala. Nakakainis. Ang tagal naming magbestfriend tapos ganun lang? samantalang si Cathy na yon 1 month pa lang nya kakilala. Ang sakit lang isipin na pinagpalit niya ako sa kanya. Kung sabagay, BESTFRIEND lang ako samantalang sya ay GIRLFRIEND. Naman anong laban ko dun???

ONE SHOT STORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon