"Grabe ka sakin!! under mo ba ako ha!?"nakapout nyang sabi at hinimas ang braso nya

"Ikaw kasi eh!!"

"Hehe.. kasi naman nakakaadik yung lips mo"

Inambahan ko sya ng palo pero hinarang na nya ako ng unan.

"Oh! Masakit na ah! Ilang beses na nga kitang nahalikan ng mas matinde pa dun ngayon ka pa dyan nagrereklamo.tsk!" nakasimangot na sya. hala? kasi naman kasi eh!

"Kasi ikaw eh.. Adik ka.."

"Adik sayo"sabi nya at biglang ngumisi. Yie~ adik daw sya sakin?! lakas talaga magpakilig nito!

"Tara sa kitchen? Mag luluto tayong dalawa.."sabi nya at tumayo.

Pareho kaming naka apron na blue ni Sean habang nagluluto, isang couple apron ^.^ ako yung naglalagay ng butter at nagtoast sa tinapay at sya naman yung nagluluto ng palaman.

Hihi^^ kinikilig ako, sabay kaming naghahanda ng agahan.

Nang natapos ako ay ako na ang nag ayos ng mesa at sya naman ang naglagay ng mga pagkain, di talaga maiwasan ang ngitian naming dalawa kapag nagkakatinginan kami. Kasi naman para talaga kaming mag asawa.
>\\<

"So saan tayo pupunta mamaya?"sabi ko at kumagat sa tinapay ko.

Uminom muna sya ng coffee nya bago sumagot.

"Hmm.. somewhere.. basta I'm sure magugustuhan mo dun.."

Nang matapos kami ay pinagbihis na nya ako, Isang simple off-shoulder pitch dress ang suot ko na may see-through na sleeves. Hinayaan ko lang ang kulot kong buhok na nakalugay at tsaka lumabas na sa mansyon.

"Beautiful as ever.."napangiti ako ng sinalubong ako ni Sean.

Bagay sa kanya ang suot nyang simple long sleeve polo at black pants.

sobrang gwapo nya~

"let's go?" tumungo lang ako tsaka pinagbuksan nya ako ng pinto ng kotse.

Gentleman as ever~

Hawak ni Sean ang kamay ko habang nag d-drive sya. Ang cool nya tignan na nagd-drive sya with one hand.

"Nasaan si Kuya Lars?"tanong ko.

"Pinauwi ko muna, istorbo sya satin"

"Grabe ka talaga sa kanya, butler mo sya no at inalagaan ka nya mula bata tapos ang sama mo sa kanya.."

"Sya kaya yung masama, kinawawa nya ako dati nung nag s-sparring kami, I was just 7 that time. But no wonder, he's just 14 back then kaya medyo pilyo din sya nun"

So ang bata pa pala talaga ni Kuya Lars ng mag serve sya sa royal family. He's cool I guess.. sa batang edad naging butler agad sya.

"Kaya na adapt mo? pilyo ka din eh"

"At pano naman po ako naging pilyo? My wife?"

"Nagnanakaw ka"

"Nagnanakaw ng ano?"

"Nagnanakaw ka ng halik sa babaeng tulog! Pilyo ka!"

tumawa sya at umiling iling.

"Exactly.."

Nakarating kami ni Sean sa lugar na tinatawag nilang Altaville, part parin ng Miroianah. Ang daming lugar pala dito, kumbaga ang Miroianah pala ay bansa like Philippines.

"Anong meron dito?" Nagtataka ako sa lugar, ang dami kasing palamuti, like banderitas tapos ang daming mga stalls kung saan tinitinda ang iba't ibang mga items.

✔Book ApartWhere stories live. Discover now