Blangko syang tumingin sakin. Ngayon lang ako nakatanggap ng tingin ng ganyan mula sa kanya.

At base sa kanya, mukhang wala syang pakielam kung nag promise man sya.

"Uuwi na ako. "malamig niyang tugon.

he kiss my forehead at pumasok sa sasakyan tsaka pinatakbo ito agad habang ako ay naiwang nakatayo parin sa harap ng bahay.

Biglang may pumatak na luha sa mata ko pero pinunasan ko agad yun.

Masaya ako dahil ayaw nyang magpakasal pero nasasaktan naman ako sa katotohanang kailangan silang ikasal.

"Tingnan mo ang ginawa mo? mas mabibilisan ka sana kung hindi ka nagkagusto sa kanya"

"Shut up"inis na sabi ko sa katabi ko. It's book again-Although hindi daw talaga sya ang book pero since hindi ko alam ang pangalan nya, yun nalang ang itatawag ko sa kanya.

"Ngayon ikaw din ang masasaktan, what a helpless girl-"

"I said shut up!!"sinamaan ko sya ng tingin but he just rolled his eyes.

Kahit naman nasasaktan ako, hindi parin ako nagsisisi na mahalin si Sean. Masaya ako dahil sa wakas naranasan ko din ang magmahal, dito nga lang sa mundong hindi naman totoo.

"Even if it hurts, You still need to make it, konti nalang makakauwi kana...wag mo ng sayangin ang oras" In just one snap ay nawala ulit si Book.

***

Hindi manlang ako tinawagan ni Sean kagabi, I bet he's still not in the mood, alam ko naman nainis sya kahapon.

"Tahimik mo ah.."sabi ni Belle at tinapik ako.

"Nag away ba kayo?" tumingin ako kay Belle at maliit na ngumiti.

"Belle..mamimiss kita.."sabi ko. kumunot ang noo sya.

"Kung makapagsalita ka naman parang-wait.. don't tell me.."

"Malapit na....matatapos na ako.."sabi ko at pilit na ngumiti.

"R..really? May ending na?"

tumungo ako at tumingin sa itaas para pigilan ang luhang gusto na namang kumawala sa mata ko.

Di ko talaga mapigilang maluha kapag naaalala ko yung ending.

"Kailangan nilang ikasal dalawa.."hindi ko nakita ang gulat kay Belle, may pakiramdam ako na alam na nya ang mangyayari.

"Nasabi mo na ba kay Sean?"

"Oo pero nagalit sya" napabuntong hininga at napayuko.

"Sana pala hindi kita pinigilang lumayo kay Sean, nasasaktan ka ngayon"

"Masaya ako Belle, hindi ko pinagsisisihan yung desisyon ko... masakit nga lang.."

Niyakap nya ako bigla ng mahigpit at bumulong.

"Sorry, ako ang may kasalanan.."

"wala kang kasalanan.." sabi ko. humiwalay sya at nakita kong naluluha sya.

"Kung alam mo lang.." nagtaka ako sa sinabi nya pero hindi ko na sya inusisa pa. Kung alam ko lang na ano?

***

Mag isa ulit ako sa bahay, hinihintay ko parin ang tawag ni Sean pero hanggang ngayon wala parin.

Galit kaya sya?

Nasa sala ako at naglilinis, wala kasi akong magawa.

"Mag isa ka ata?"

"Sean!!" agad na lumingon ako pero nawala ang ngiti ko ng hindi pala si Sean ang nagsalita. Si Book na naman.

✔Book ApartWhere stories live. Discover now