She moved closer to embrace me and leaned her forehead against my chest. "Let's just go back to the Philippines, Rye. At kung magalit man sa 'yo yung pamilya ko o kahit yung buong angkan pa namin dahil sa  pagdukot mo sa 'kin, I'll fight for you. Gagawin ko lahat para magustuhan ka nila kasi wala naman silang magagawa dahil ikaw yung lalaking natutunan kong mahalin."

My mind was still having a conflict. Hindi naman ganun lang kadali yung hinihiling niya sa akin. Pag bumalik na siya sa pamilya niya, siguradong hahadlangan na kami ni Lance Monteverde. She would surely know about our true reason for wanting to take vengeance for our parents. And when she knew about who I truly was, I was afraid that she was going to detest me and extremely hate me for the rest of my life.

I clenched my hands and teeth again when I thought about those things.

﹏~✿**♥**✿~﹏

Dalawang araw na 'kong walang ginawa kundi tumulala. Si Ryder palagi naman nagkukulong sa kwarto niya. Dama ko naman na ayaw niya akong kausapin kaya hindi ko na lang ipinipilit yung sarili ko. Ayoko siyang kulitin dahil baka magalit lang siya sa akin. I knew he was problematic right now. Sobrang apektado siya sa mga nangyayari sa mga kumpanya nila.

Sumasakit din yung loob ko na ayaw niyang i-consider yung suggestions ko. But I couldn't blame him either. Alam kong natatakot siya sa pwedeng kahinatnan ng relasyon namin kapag bumalik na ako sa pamilya ko. Pero hindi rin naman ako papayag na magkahiwalay kami o paghiwalayin kaming dalawa. Lumaban nga ako para sa pangarap ko noon para makapag-aral ulit sa Paris. Mas lalong lalaban ako para sa taong mahal ko kahit buong angkan ko pa yung kailangan kong pagdaanan this time.

Nagulat pa ako nang biglang kumalabog pabukas yung pinto. I immediately stood up when Trevor suddenly broke into the house, looking furiously raging in anger.

"Nasaan si Kuya?!" tanong agad niya sa akin.

"Nasa kwarto niya sa taas."

Hindi na niya ako pinansin at tumakbo na agad paakyat sa taas.

~✿*♥*✿~

I was furiously staring at the monitor of my laptop. Parang gusto kong magwala sa galit habang nakititig sa figures ng mga halagang nawawala na sa mga kumpanya namin sa loob lang ng limang araw.

"We can't just let this thing happen to us, Kuya! Si Katheryne na lang ang alas natin para mabawi pa natin yung mga kinuha nila sa atin!"

"No, Trevor."

"Ano'ng no?! Tang-ina naman, Kuya! Kinukuha na sa atin lahat-lahat! Di pa ba tayo lalaban?"

I frustratedly ran my hand over my face. "Lalaban tayo but not in the expense of Katheryne."

"Paano? Sige nga sabihin mo sa akin kung paano! Siya lang ang sagot sa mga problema natin ngayon, Kuya!"

"HINDI NGA SABI AKO PAPAYAG!" I shouted as I stood up harshly.

"BAKIT NGA?! TANGINA! LAGI NA LANG SI KATHERYNE ANG NAGIGING DAHILAN NG PAG-AAWAY NATING DALAWA! Why are you protecting her, Kuya?! You should be using her already para maipaghiganti na natin sina Daddy at Mommy at para bawiin yung mga ninakaw ng pamilya nila sa atin! Pero ano? May ginagawa ka ba? Wala naman di ba?!"

"Trevor..."

He quickly went closer to me to face me with jaw clenched in anger. "Are you having an affair with Katheryne, Kuya?"

I suddenly turned silent because I didn't know how to answer his question.

~✿*♥*✿~

Heart Held CaptiveWhere stories live. Discover now