~✿*14*✿~

1.6K 76 11
                                    

﹏๑✿ ・:*:・♥ ・:*:・✿๑﹏

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

﹏๑✿ ・:*:・♥ ・:*:・✿๑﹏

Napatigil ako sa pagguguhit sa sketchpad ko rito sa couch nang bumaba si Ryder mula sa hagdan at may bitbit na dalawang black na bags.

"Huy, aalis ka ba? Iiwan mo 'ko rito?" I asked him with widened eyes.

"Don't overreact, Katheryne. I'll just practice shooting."

Napatayo ako at lumapit sa kanya. "Naiinip ka na, 'no?"

"I want to get away from you. Nakukulitan na 'ko sa 'yo masyado."

Napalabi ako. "Grabe ka, alam mo yun?"

"Just stay here while I'm gone," he said before he continued walking.

"May shooting range ba rito?"

"Doon lang ako sa gubat."

I followed him. "Sama naman ako."

"Gusto ko ngang lumayo sa 'yo tapos sasama ka pa sa 'kin."

"Ang harsh mo sa 'kin, Ryder." Sumabay ako sa paglabas niya sa pinto.

He stopped walking and turned his head to me. "Are you really going with me?

"Oo nga."

"Can't you just stay here so that I can stay away from you too?"

Lalo nang nanhaba yung nguso ko. "Bakit ganyan ka sa 'kin? Alam mo naman na inip na inip ako palagi rito sa bahay mo. Wala ka man lang TV na pwede kong mapaglibangan."

He closed his eyes and sighed before opening them again. "Pwede bang pag nandun na tayo eh tumahimik ka lang?"

My brow quirked up. "Hmm? I can't promise but I will try."

He began walking again and I followed. "Just don't bug me like you always do."

"Grabe ka naman. Ganun talaga tingin mo sa 'kin? Panggulo?"

"Bakit, hindi ba?"

"Konti lang naman eh. Mas madalas kaya sweet ako and very easy to be with."

Now it was his turn to raise a brow. "Oh really?"

"Ay ang sarcastic ng tono mo." Nagpunta ako sa likod niya at itinulak siya. "Bilisan mo na lang maglakad para makita ko na kung magaling ka ba talaga sa shooting."

Pagdating namin doon sa lugar kung saan daw magandang mag-target shooting ay nagkabit siya ng isang tali sa dalawang puno at doon isinabit yung dalawang target niya.

"Palagi mo bang ginagawa 'to?" tanong ko sa kanya habang pinapanood siyang naglilinis ng baril na gagamitin niya.

"When I only have free time. This is my way of releasing stress."

"Tao yata yung ginagamit mong practice target eh."

Pinukol niya ako ng matalim na tingin kaya ngumiti ako nang matamis at nag-peace sign sa kanya.

Heart Held CaptiveWhere stories live. Discover now