Lalabas na sana ako ng kwarto nang marinig kong tumunong ang cellphone ko kaya naman kinuha ko ang bag ko at hinanap ang cellphone ko doon. Nakita kong may 1 message galing kay Jin kaya naupo muna ako sa kama saglit habang nakikipag-text sakanya

 Nakita kong may 1 message galing kay Jin kaya naupo muna ako sa kama saglit habang nakikipag-text sakanya

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Matagal akong napatitig sa huling reply nya. Kung tutuusin dapat halos mamatay-matay nako sa kilig ngayon pero bakit hindi ko na ito nararamdaman? Marahil ito din yung dahilan kung bakit hanggang ngayon hindi ko pa sya magawang sagutin.

Oo crush na crush ko sya pero satingin ko noon yon, nung una medyo natuwa ako nung malamn kong gusto nya ko pero hindi rin nagtagal iyon. Habang tumatagal parang nagsisisi ako na pumayag sa panliligaw nya dahil mabilis ding nawala yung paghanga na nararamdaman ko sakanya.

Ang sama ko na ba dahil may pinapaasa akong tao na walang ibang ginawa kundi ang maging mabuti sa akin? Hindi ba kapag pumayag ang isang babae na magpaligaw ibig sabihin may feelings narin ito sa lalaki?

Ang unfair nito para kay Jin, naghihintay sya sa wala. Paano ko ba ito sasabihin sakanya?

"Umiiyak ka ba?" Natauhan ako sa taong nasa harapan ko ngayon.

Hindi ko manlang namalayan na nakapasok sya dito sa loob ng kwarto ko. Mabilis kong pinunasan ang mga luhang tumakas sa mata ko.

"Ah hindi, napuwing lang ako" Palusot ko at nag-iwas ng tingin sakanya habang dali-dali kong ibinabalik ang cellphone sa bag.

Inayos ko ang sarili ko saka ako tumayo at naglakad palabas ng kwarto para makaiwas sa mga mata niyang tila sinusuri ang dahilan ng pag-iyak ko.

Habang papunta ako sa kusina ay ramdam kong nakasunod sya sakin. Hindi ko sya pinansin, patuloy lang ako sa pagbukas ng mga cabinet habang kinukuha ang mga rekados na kailangan ko sa aking lulutuin.

"Shannon—"

"Doon ka na busy ako" Pagputol ko sa sasabihin nya ng hindi sya nililingon.

"Bakit—"

"Doon ka na sabi eh!" Sigaw ko at padabog na lumingon sakanya.

"Tatanong ko lang naman kung bakit baligtad yung short mo e?" Nakayukong sagot nya. Yumuko naman ako para tingnan kung totoo ba na baligtad talaga yung shorts ko.

Pero mukhang mas lalong pinapainit nito yung ulo ko.

"Ako ba talaga trip mo?" Kulang ang salitang gigil para idescribe ang nararamdaman ko ngayon feeling ko kasing hot ko na ngayon yung samyang taymistu.

Tumayo sya at unti-unting lumalapit sakin. Clueless ako sa kung anong balak nya hanggang sa macorner nya ko.

Kinulong nya ko sa dalawang braso nya habang nakasuporta ang mga ito sa tiles. Sobrang lapit nya sakin at wala akong lakas para itulak sya. Hindi ko nga alam kung bakit hindi ko nagawang kumilos habang papalapit sya.

Walang kumikibo sa aming dalawa dahil feeling ko nag-lag ang sistema ko sa kinatatayuan ko ngayon habang sya naman ay diretsong nakatingin sa mga mata ko.

Oo gwapo sya pero mas gwapo pala sya sa malapitan. 5inches lang.. yung agwat namin sa isa't isa. kala nyo naman kung ano?

Pero mabalik tayo, bakit ba ganito? huy Shannon galaw-galaw!

"Oo trip kita, ako ba trip mo rin?" Malumanay na sagot nya. Ang seductive, ang sexy, ang lagkit shuta ano pa ba ang pwede pang gamitin ng salita para idescribe yung dating ng mga sinabi nya.

Parang hindi ang baluga na Taehyung ang kaharap ko ngayon. Ramdam ko nadin ang maingay na pagtibok ng puso ko ngayon. Ang bango din ng hininga nya akala ko pa naman hindi sya sanay mag-toothbrush pero mga bes ang bangooo!

"Ano sagot?!" Mapanghamon ngunit nakakaakit na sambit nya. Sa mga oras na to feeling ko di ko alam kung paano magsalita kailangan ko pa yata umuwi sa amin para turuan ako ni mama magsalita. Gusto ko nalang iwasan ang mga tingin nya.

Oo tama!

Napakagat nalang ako sa labi ko at dahan-dahang ginagalaw ang ulo ko upang iwasan ang kanyang mga tingin ngunit nag-angat ang kanyang kaliwang kamay para hawakan ang pisngi ko.

At sa isang kisap mata ay lumapat na ang mga labi nya sa labi ko. Wala akong nagawa, nanlaki lang ang mga mata ko. Tila napasailalim ako sa kanyang matinding mahika.

Mahikang nakakabaliw, nakakakaba, nakakataranta ngunit sobrang sarap sa pakiramdam. Ramdam kong nanghina ang mga tuhod ko, babagsak na sana ako nang sapuhin ng kanang bisig nya ang beywang ko.

Sa sobrang bilis ngunit slow-motion na pangyayari namalayan ko nalang ang sarili ko na tumugon sa kanyang mga halik.

Ito nanaman yung pakiramdam na ayokong aminin sa aking sarili.

"Taehyung? Oh my goodness anong ibig-sabihin nito?" Isang pamilyar na boses na halos pumiyok dahil sa gulat at pagka-inis, Naging dahilan ito para matigilan kami.

Lumayo sa akin si Taehyung at lumakad papunta sa taong nakasaksi sa nag-aalab naming bakbakan este damdamin.

"Casey, I'm really sorry but.." Hinawakan nya ang mga kamay ni Casey. Habang ako ay parang maiihi na matatae dito sa kinatatayuan ko. Mali ito jusq! Kabit na ba akong maituturing?

Mariin akong napahawak sa lababo habang hinihintay ang sasabihin ni Taehyung. Ang dating maingay na condo unit ngayon ay binabalot ng nakakabinging katahimikan.

"I love her.." Lumingon ito sa akin.

Ako?

Kim Taehyung's SlaveWhere stories live. Discover now