Humalakhak ako at napailing.

Sa unang pagkakataon ay bigla kaming natahimik ni Socorro. Ayaw ko man ay hindi ko na naiwasan. Shit lang. it’s been two months.

Hindi ko mapigilan ang maging matabang. Maging matabang sa dalawang buwan na hindi niya pagpaparamdam sa’kin. Huminga ako ng malalim at nag-iwas ng tingin kay Socorro. Kanina pa pala niya ako tinitingnan at para bang binabasa ang mga bagay na tumatakbo sa utak ko.

“Ayoko na!” Sigaw ni Micaela habang padabog na nilapag ang mga pagkain na binili niya.

Tuloyan na akong natawa dahil sa abot langit na pawis sa noo at mukha ni Micaela. Gago talaga ‘tong si Socorro.

“Ayoko nang makipag bet sa inyo!” Reklamo niya sabay turo niya sa amin.

Imbes na maawa ay natawa kami ni Socorro. Ngumuso lang si Micaela at umirap. Pero ang irap at nguso na ‘yon ay biglang nawala nang may nagpunas ng mga ito sa kanya.

Pasimple akong umirap sa eksena.

“Seriously? Kailangan talaga sa harap harapan ko?” Biglang singit ni Socorro.

Natawa nalang ako dahil sa reaksyon niya. Dapat kasi ay ‘yon ang sasabihin ko pero naunahan niya yata ako. Umiling ako at hinarap sila.

“Hoy Siobhan Imperial! Sa oras na saktan mo yan, tatanggalan kita ng ngala-ngala!” Banta ko kay Hanz.

Napabuntong ako nang nangako si Siobhan sa’kin. Hindi ko alam kung ilang beses na niyang pinangako sa’kin ‘yon. Gusto ko lang naman kasi ng assurance. My best friend is very fragile. Ayaw na ayaw ko ang nasasaktan siya.

Umirap ako sa kawalan nang naglampungan na naman ang dalawa.

Hanggang ngayon kasi ay hindi pa maorganisa ng utak ko kung paano nagkaroon ng relasyon si Siobhan at ang best friend ko. Oo, advantage sa’min ‘yon dahil kilala ko na siya. Pero hindi ko parin talaga maiwasang magduda at paulit ulit na magdalawang isip.

Kahit gwapo at mabait ‘tong si Hanz ay may pagka gago rin ito. Napairap ulit ako.

Tss. Men and their hidden agendas.

Nang malapit ng mag hating gabi ay napagdesisyonan na naming pumasok sa Gymnasium. Hindi ko alam kung paano kami nakapasok. Sa pagkakaalam ko kasi ay hindi kasali ‘yung mga taga ibang batch.

Bigla nasagot ang tanong ko nang makarating kami sa entrance ng gym at pasimpleng kinindatan ni Socorro ang nagbabantay doon.

Wala na. Nilipad na yata ang panga ko dahil sa sobrang gulat.

Ang akala ko kasi ay kaya kami makakapasok dahil sa President siya. Pero mukhang nagkamali na naman ako.

Bribing Mr. PresidentOn viuen les histories. Descobreix ara