39 DAYS with HIM- Day 6

Magsimula sa umpisa
                                    

 


" ahm, tungkol pala sa kahapon. Salamat ha? nag abala ka pang pumunta sa bahay namin." nahihiyang sabi ko.

" Okay lang yun. Ayoko pang mamatayan ng katulong, marami ka pang babayaran sa akin." sabi niya sabay hablot sa grocery bag tapos ng *smirk siya

anong mamatay? langya! hello? lagnat lang yun noh. Ang OA niya ha? pag nilalagnat ba? mamatay agad? pwede bang maghihirap mu na?

tumingin lang ako sa kanya habang naglalakad siya papuntang elevator

" hoy! hindi ka pa ba susunod? nagugutom na ako. Akala ko ba may klase ka pa?"

Napabawi ako sa pagkakatulala ko at tiningnan ang relo ko. Shit! 11:00 na. May klase pa pala ako ng 11:30.

tumakbo ako papunta sa kanya, tapos sumakay na kami ng elevator papunta sa unit niya.

pagdating namin sa unit niya, nagluto agad ako ng Lunch namin. Adobong manok ang niluto ko. Pagkatapos kumaen na kami. Napangiti ako sa katabi ko, halos pati kutsara ay masubo niya sa sobrang takaw kumaen. Buti naman nasarapan ang loko.

Pagkatapos naming kumaen naghugas ako at nag arrange ng mga pinamili namin.

Napatingin ako sa relo ko. Shit! 11:25 na. I'm sure hindi na ako makakaabot neto.

" Kath, iwan mo na lang yan jan. ako na ang tatapos niyan. Halika na ihahatid na kita sa school." sabi niya sa akin tapos pumasok siya sa kwarto niya para magbihis

ihahatid niya ako? talaga? eeeeeh. hep! hep! hep! wag ganyan kath! nakakahiya ka.

Parang bumabaet na ngayon si Boss dj. Siguro epekto yun ng adobong manok na niluto ko. Haha. iba talaga ang powers ko.

 



" hoy! anong problema mo? halika na." iritang sabi niya sabay kuha ng susi sa mesa

napahiya ako at yumuko nakita lang naman ako ni dj habang ngumite ng mag isa. Pero bawal bang ngumiti ng mag isa?

39 DAYS with HIMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon