Chapter 10

70 5 0
                                    

"MISS Sidney?" maaliwalas ang mukhang bungad sa kaniya ng nagpakilalang si Mindy. Ito ang researcher na nag-suggest umano sa team nito patungkol sa blogsite niya na nagkataong nagustuhan ng big boss ng mga ito.

"Hi, please to meet you," nakangiting bati niya rito at inilahad ang kamay rito. Malugod na tinanggap naman nito ang kaniyang kamay.

"Tara na po sa conference room, kanina pa po naghihintay si Sir Jonas sa atin," paanyaya nito sa kaniya at nagpatiuna na. Kaagad niyang sinundan ang dalaga. Namamanghang pinagmasdan niya ang modernong istruktura ng naturang kompanya. Hindi maipagkakailang malaki talaga ang kompanyang ito kahit pa sabihing baguhan lamang ito sa media industry.

Nang mapahinto ito sa isang glass door ay humarap ito sa kaniya, "let us go."

Napatango naman siya at kinakabahang pumasok na nga sila sa salaming pintuan. Kaagad naman niyang nakita ang isang lalaking napwesto sa kabilang dulo at sa tingin niya'y ito si Mr. Cruz na siyang nag-set ng naturang meeting para sa kaniya.

Tumayo ito nang makita sila ni Mindy at inilahad nito ang kamay sa harapan niya habang pormal na nagpakilala. Kaagad naman niyang tinanggap iyon, "it's nice to finally meet you. We've heard a lot of things about you and we're really looking forward to work with you. Please have a sit."

Naupo na nga siya malapit sa pwesto nito. Naupo naman si Mindy sa kabilang panig at hindi pa rin naaalis ang ngiti sa mukha nito.

"Pagpasensyahan mo na si Mindy. She's actually your fan kaya ganiyan ang reaction niya," pagbibigay alam naman sa kaniya ni Jonas. Hindi tuloy niya naiwasang ma-touch sa sinabi nito. Kakaiba pa rin kasi sa pakiramdam kapag may nami-meet siyang follower niya.

"Ipapakita muna namin sa iyo ang isang lugar na na-feature mo sa blog mo. Ito 'yong talagang nakakuha ng atensiyon ni Mindy and since love month ngayon, ito talaga ang napipisil naming first episode sa launching ng program," ani Jonas at may kung ano itong kinalikot sa apple laptop na nasa harap nito. Bigla namang pumailanlang ang isang video prentation sa malaking LED monitor sa kanilang harapan. Sa una, ipinakita muna roon ang litrato ng lugar. Hanggang sa unti-unti na ring in-introduce iyon. Ipinakita rin ang pahapyaw na laman ng kaniyang blog na sa pagkakaalam niya ay isiningit lang ng mga ito noong mga panahong nakuha na nito ang permiso niya para sa nasabing video clip.

"Tada! This place was someone's secret haven and sanctuary..." iniikot niya ang sarili upang makita rin ang iba pang nasa paligid ng burol na iyon. "Isang araw, ipinakita niya ito sa isang prinsesa at sinabing willing siyang ipaubaya at ibahagi ito sa kaniya. Ganoon na lang ang tuwang naramdaman ng prinsesa sa sinabi nito. At doon nagsimula ang pagbuo niya ng isang mundong sila lamang dalawa ang tauhan sa mga ito. They used to be here almost everyday of their life. At hindi matutumbasan ng magandang tanawing ito ang sayang bumabalot sa kanila. Lalo na sa prinsesa. Hinigitan pa nito ang ganda ng kahit na anumang exhibit sa buong mundo. Hinigitan pa nito ang ganda ng kahit na anong tanawin sa sangkatauhan!" bigla siyang natawa sa sinabi niya. "Okay, ang OA ko na yata! Pakiramdam ko isa na rin akong makata. But seriously, memorable sa akin ang lugar na ito. Napakaraming memories ang mayroon dito. At nakikita n'yo ba ang punong iyon?" itinutok niya ang camera sa pamilyar na puno ng mangga. "I used to call that one a 'tree of love'. Kasi, diyan madalas na sumisilong ang prinsipe at prinsesang kinukwento ko kanina."

"Oh my gosh! Mayroon na pa lang bahay na nakatayo rito ngayon," tukoy niya sa isang rustic style na bahay. That was closed to her dream house! Gusto niya ang ayos nito. Sa palagay niya tuloy ay nature lover din ang may-ari niyon. Napasimangot na humarap siya ngayon sa camera. "Oh, that was really closed to my dream house! Sino kayang may-ari no'n?" dahan-dahang nilapitan niya iyon at natatawang ibinalik niya ang pansin sa camera. "Ah never mind! Tara! Libot pa tayo sa lugar na ito!"

My Man in the Mirror (✔)Where stories live. Discover now