Napangiwi ako sa sinabi nila. Takot kasi ang mga tao dito. Ilang beses na rin kasi ang iba rito na nabiktima ng mga mandurugas.

Pinagmasdan ko sila ulit ng mabuti. Wala naman talaga sa itsura nila na kasali sila sa budol-budol gang. Pero karamihan din sa mga manloloko ngayon ay di mo aakalaing manloloko. Pero nakakaawa talaga ang itsura nila.

Haaaay.

Hindi ako sigurado kung tutulungan ko ba sila. Kung si ate Dolce ito panigurado na tutulungan niya ang mga ito, ako nga noon na mas malala pa ang itsura ko sa kanila.

Okay lang naman sigurong dalhin ko sila sa shop para makakain at makagamit sila ng telepono para matawagan nila ang dapat nilang tawagan. At saka madami naman kami dun, kung gagawa sila ng kalokohan pagtutulungan nalang namin sila.

Napailing at natawa na lang ako sa naisip ko.

"Sumama kayo sa akin. May kilala akong taong makakatulong sa inyo."

Napatitig sila sa akin. Makikitang nasiyahan sila sa sinabi pero may konting pag-aalangan.

"Hindi ako masamang tao wag kayong mag-alala. Nagtatrabaho ako dyan." Turo ko sa Zhutem, napasunod naman sila ng tingin. Napakamot ako ng ulo, ako pa talaga ang pinagdudahan.

"Mabait ang manager namin. Sigu-" hindi ko natapos ang sasabihin ko nang biglang silang tumayo.

"Kyaaaah! Kawaiiii!" Sabay nilang tili. Nakaharap sila sa Zhutem.

Napakurap-kurap ako. Erm? Anong meron?

Humarap ulit sa akin. And this time wala nang makikitang pag-aalinlangan sa mga mata nila at napalitan na ng excitement. Kung nasa anime nga lang sila baka nag-heart shape na mga mata nila.

"You work there?" Tila na-eexcite na tanong nila. Tango naman ang naging sagot ko.

"Omg!" Sabay na naman nilang tili.

Napangiwi ako. Parang nag-aalangan na akong isama sila Zhutem. Hindi nga sila budol-budol galing naman 'ata sa mental.

"Tanya, hija, ito lagi ang iyong tatandaan wag mo husgahan ang tao base sa pisikal nilang kaanyuan o sa kanilang kilos na ipinapakita sayo. Minsan kung sino pa ang maayos sa iyong harapan ay siya pang tatraydor sayo..." Napailing-iling ako, ayon na naman ang paalala ni mother superior.

"Miss!" Napaigtad ako nang may kumalabit sa akin.

"Hindi pa ba tayo papasok?" Malapad ang ngiting tanong nila.

Wala ng atrasan 'to. Inaya ko na sila papasok sa cafe.

~*~

"Uy, Tanya. Saan mo nga ulit nakita 'yang dalawa chicks?" Tanong ni Mel John, kasamahan ko sa cafe at tulad ko isa ring working student.

"Sa labas." Sagot ko at napangiwi nang inisang subo ni Ms. Black Ribbon na nalaman ko na ang pangalan ay Florr at ng bestfriend niyang si Dianne, ang malaking hiwa ng red velvet cake. Hindi halatang mga gutom.

Nasa kitchen kami ngayon, dito ko sila dinala dahil madaming customer at wala na pwedeng mapwestuhan.

"Na-curious lang ako nang makita ko sila dalawa na nakasalampak sa may sidewalk at nagngangangawa kaya nilapitan ko at tinanong. Gutom na raw sila at walang pera kaya naisipan kong dalhin dito. Mukha naman silang harmless."

"Hindi naman sila mukhang walang pera. Sa itsura at suot palang nila, e, nagsusumigaw ng richness. At ang gaganda. Ang kutis alagang Belo ang datingan." Komento ng aming pastry chef na si ate Pan.

"Oo nga." Pag sang-ayon ni Wena, ang dishwasher.

Tama si ate Pan, hindi sila mukhang walang pera. Sa kutis pa lang nila kitang-kita na mga anak mayaman, parang si ate Dolce lang. At ang suot nila simple pero halata namang mamahalin.

"Good evening everyone!"

Napalingon kaming lahat sa may pinto nang marinig namin ang pagbati ni ate Dolce. Maging sila Dianne at Florr ay napatigil at napatingin.

"Ay! May bisita pala tayo?" Puno ng excitement na sabi ni ate Dolce nang mapansin niya ang dalawa.

"Hi! I'm Cadbury, o mas kilalang ate Dolce sa kanila." Turo niya sa amin.

Lumunok muna ang dalawa at uminom."Hello ate Dolce! Nice to meet you po!" bati nila sabay kaway-kaway.

"Ako po pala si Florr."

"Ako naman po si Dianne."

"Nice to meet you, too!"

Lumapit ako kay ate Dolce. "Ate Dolce pasensya po at dinala ko sila dito. Nakita ko po sila sa harap ng cafe na pagod na pagod at mukhang gutom."

"Hay naku, Tanya. Ano ka ba! Alam mo namang ayos lang sa akin ang mga ganyan." Tinapik-tapik niya ako sa balikat at kumindat. Lumapit siya kela Dianne at nakipag-usap.

"Ang sarap-sarap po! Sobra." Sabi ni Florr.

"Magaling kasi talaga na pastry chef si ate Pan." Sabi naman ni ate Dolce.

Napailing-iling na lang ako habang pinapanood si ate Dolce na nakikipag-kwentuhan sa dalawa na para bang matagal na niyang kilala ang mga ito. Ano pa ba ang aasahan ko kay ate Dolce. Sobrang bait.

Tulad nung tinulungan niya ako. Pagod na pagod din ako at gutom na gutom. Nakita niya rin ako sa harap ng cafe. Naghahanap ako noon ng part-time job.

Walang tanong-tanong na pinapasok niya ako, pinakain at binigyan ng trabaho.

"Ate Dolce?" Napalingon kaming lahat sa may pintuan.

"Meron pong apat na lalakeng naka-itim na suit at hinanap po sila Ms. Dianne at Ms. Florr." Imporma ng isa sa mga crew ng cafe na si Leslie.

"Oh! Salamat, Leslie." Bumaling si ate Dolce sa dalawa. "Mukhang andito na ang sundo ninyo."

Tumayo na sina Florr at lumapit kay ate Dolce.

"Ate Dolce, maraming-maraming salamat po sa pagpapakain sa amin." Saad ng dalawa.

"Naku walang ano man 'yon! Si Tanya ang dapat niyong pasalamatan." wika ni ate Dolce at nakangiting tumingin sa akin.

"Waaah! Tanyaaa!" Magkapanabay na sigaw nilang dalawa sabay takbo papunta sa akin at yakap.

"Thank you talaga! Kung hindi dahil sayo baka makita na lang ang kagandahan namin na nakabulagta sa daanan! Huhuhu." Ngawa ni Dianne.

Nag-aalangan na yumakap ako sa kanila. Napahagikgik naman sila ate Dolce sa eksena ng dalawa.

"Ayos lang 'yon. Maliit lang naman na bagay iyon at saka sinusunod ko lamang ang mga pangaral sa akin nung bata palang ako."

Humiwalay silang dalawa at pinahid ang mga luha nila. Napakurap-kurap naman ako. Umiyak talaga sila?

"Hindi maliit na bagay iyon. Tatanawin naming malaking utang na loob 'yon." wika ni Dianne.

"Oo nga. Kahit 'di ka sigurado sa pagkatao namin, e, tinulungan mo pa rin kami. Maraming salamat." dagdag ni Florr. Niyakap nila ako ulit.

"Walang anuman 'yon." Ang tanging nasabi ko. Nakaka-speechless ang ginawa nila.

Humiwalay sila at nakangiting bumaling kela ate Dolce. "Maraming salamt po ulit! Babalik po kami ulit bukas. Babye!" Sabay silang nag-bow at kumaway bago umalis.

"Ano raw?"

"Babalik daw sila bukas. Nakikinita ko na Tanya. Magkakaroon ka ng mga bago at tunay na kaibigan." Saad ni ate Dolce sabay tapik-tapik sa balikat.

-----

Laters~

It All Started WithTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon