Kabanata 3: Balang Araw

Start from the beginning
                                    

     "Aba mag-i-sketch! Sabi ko na nga ba at sa Arts din ang ending mo e," sabi niya.

     "Pang-regalo ko 'to kay Jack. 'Yung barkada ko nung high school."

     "Ganorn? Anyway... Kumusta family bonding nung weekend?" tanong pa niya. Alam ng mga malalapit sa 'kin ang ibig sabihin para sa 'kin ng weekends.

     "May family ako, may weekend, pero walang bonding," sagot ko.

     Inilagay ko sa isang envelope 'yung litrato ng motor ni Jack at saka ipinasok sa bag. Natagalan akong lagyan 'yon ng grid lines dahil malaki 'yung size, para mas makita ko 'yung details.

     "Na naman? Napapadalas 'yang ganyan a. Kung tama ang alala nitong gorgeous mind ko, last month kayo huling nag-bonding."

     Tumayo na 'ko saka sinukbit ang backpack at sa kanang balikat, idinagdag 'yung gitara.

     "Kahit naman noon pa, hindi consistent 'tong family time namin sa isang buwan. No worries."

     "'Yung ate mo 'di ka man lang tine-text?"

     Umiling ako. Nagsimula na 'kong maglakad at gano'n din siya. "Naiintindihan ko naman 'yon. Di rin kasi 'yun sweet na tao. At best in understanding ata 'to."

     "Nag-masteral na nga tayo sa larangan ng pag-unawa e. Ang kuya mo?"

     "Ayon, nakausap ko. Alam ko naman ang sitwasyon no'n," sabi ko at tinignan ang wristwatch ko.

     "Ang Mama mo?"

     Napahinto ako sa paglalakad, nakatingin pa rin sa relo ko. "Hmm. Ewan. Siguro... may mga tao talaga na kahit may halaga tayo sa kanila, wala pa rin silang oras para sa 'tin." Napangiti ako nang mapait, was that even a smile? "Hay napapahugot ako. Maiwan na kita dito," dagdag ko.

     Ngumiti naman siya at tinapik ang balikat ko. "Fren, you're so thoughtful at hinatid mo ko sa building namin. Pero kulang pa sa emosyon mga hugot mo. Tuturuan kita sa susunod ng art of hugot."

     "Tss. Mag-aral ka na lang ng law."

     "Hay nako." Nakabusangot na dahil pinaalala ko na naman 'yung subject na 'yon.

***

Pagkatapos ng klase sa Economics, naglabasan agad sa room ang karamihan sa mga kaklase ko, 'yung tipong parang marami silang gagawin sa mga buhay nila.

     "Crisel! Pupunta kami sa mall. Game?" tanong ng katabi kong si Era.

     "Mang-ha-hunting ng damit 'to sa mall," umiiling-iling na pagsingit ni Jun.

     "Gago bakit ba. Ikaw nga mga accessories sa gadgets mo e."

     "Bibig mo Eraisha."

     "Mas masahol kaya words mo kesa sa 'kin Jun."

     "Lalaki ako, e ikaw?"

     "Magkakatuluyan kayo nyan," bigla kong sabi.

     Sabay naman silang napatingin sa 'kin.

     "Lugi ako." Si Jun at napangisi.

     "Aba hindi. The other way around!"

     "Magbabalik-loob muna 'ko sa pag-i-sketch kaya kayo na lang muna. Saka bibisita 'ko sa lola ko," natatawa kong pagsabat sa paglalambingan nila.

     "Woah fighting!" masayang sabi ni Era.

     Lumabas na rin sila ng room. Inayos ko 'yung ilang upuan para makahanap ng maayos na pwesto ng pagdo-drawing.

Just TodayWhere stories live. Discover now