Chapter 57: Who ka po?

3.8K 95 52
                                    





Eris's POV:

Nagising ako sa isang malambot na Kama. Madilim ang paligid dahil nakatabing ang Kurtina sa Bintana.
Tumayo ako sa Kama at nagmuni-muni.

'Nasaan ako?'

Tanong ko sa sarili. Merong litratong nakapatong sa may gilid sa may study table. Isang batang lalaki na nakangite kasama ang isang batang babae.

Sino kaya ito? Napakaganda ng Bata. Naiingit ako na wala man lang ako isang litrato ng kabataan ko kasama ang mama at papa ko.

Hindi ko na maalala ang mukha ng mga magulang ko, nakasanayan ko na ang mukha ng Tita ko. Parang sya na nga ang nagtaguyod saakin eh. Ang alam ko ay namatay ang Mama ko sa panganganak nya saakin kuwento ni Tita. Si Papa naman, ang palatandaan ko nalang nung namatay sya ay ang ibinigay nya saaking kuwintas na ngayon ay sira na dahil sa hindi ko malamang dahilan, napigtas nalang ito at nagbago na ang anyo ko. Doon na ako nagsimulang naging bampira. Alalang alala ko parin lahat ng sinabi saakin ng Lobong nasa loob ko. Ano ba talaga ang totoo?

Speaking of Bampira, matagal tagal na din pala ng makainom ako ng dugo pero hindi na ako nauuhaw 'di gaya ng dati, nakakapagtaka lang pero maganda na din 'yon dahil ayaw ko ng uminom ng dugo ng tao sa totoo lang.

Dahil dati lang din naman ako'ng isang hamak na tao.... Oh tao ba talaga ako?

'Ay naku Eris! Kung ano ano inisip mo! Hindi mo man lang inisip na wala ka pala sa sarili mo'ng kuwarto!'

sabi ko sa sarili.

Nasaan nga ba ako? Ang dati ko lang naaalala ay nasa kuwarto ako at naririnig ko ang pinaguusapan ng Anim at may sumulpot na lalaki sa harap ng pintuan ko at—at— OH MY GOSH! Nasaan ako?! OH MY GOSH! OH MY! SIOMAI!

Napahawak ako sa Tiyan ko. Gutom na ako. Huhuhu. Nagulat ako ng biglang bumukas ang pintuan sa likod ko.

*engggggk

Hindi ako makagalawa sa gulat. Ayaw ko'ng sumilip natatakot ako'ng nasa kamay na naman ako ni Donatello.
Ayaw ko. Tulungan nyo ako! Anim!

"Gising ka na pala?"nakahinga ako ng malalim ng hindi kaboses ng lalaking nanrape saakin ang boses na nagsasalita ngayon.

Dahan dahan ako'ng sumilip sakanya at humarap na ng ayos. Tumikhim pa ako dahil sa kahiyaan at kaba dahil nakidnap na naman ako ng hindi ko kakilala! Kasalanan talaga 'to ng anim! Kung hindi nila ako inuwi sa pilipinas sa matiwasay ako'ng nagtratrabaho sa korea at hindi sana ako narape!

Nakangise sya habang tinitignan ako.
Guwapo yun nga lang nakakatakot sya parang may masamang balak. Anim. Nasaan na ba kayo?!

"S-Sino ka?"tanong ko sakanya.

"Ako si Andrei. Magayos ka na dahil kakausapin ka nya."sabi ni Andrei saakin. Napakunot noo naman ako.

"Sinong nya?"takang tanong ko.

Umiling sya at ngumisi ulit.
"Basta, magayos ka. Babalikan kita mamaya, nandyaan sa kabinet ang mga damit. Pumili ka nalang."

"Sandali—Bastos na lalaki!"Magsasalita na sana ako pero bigla man lang sinarado ang pinto! Bastos talaga.

Ano ba'ng ginagawa ko dito? Dapat gumagawa ako ng hakbang para makatakas pero bakit parang ayaw ko?

Pumasok muna ako sa C.R at naligo pagkatapos ay pumili na ako ng damit na susuotin ko. Merong isang simpleng black shirt st pantalon kaya kinuha ko yun at undergarments nadin.

MARRIED TO MY 6 BOSS(OLD VERSION)Where stories live. Discover now