Chapter 8

48 1 0
                                    

Ned/Gino's POV

Pagtunog ng bell na nagsasabing *kring kring*. Uwian na un. Hinintay ko sa labas ng  classroom si Anya.

Ayan na sya, malapit na sya sa pinto.

"Anya!"

Tinawag ko sya pero di man lang ako nilingon at tuloy lang sya ng paglakad sa corridor.Binge?

 Hinabol ko sya at sinabayan sa paglalakad.

"Anya, salamat pala kanina."

"Don't mention it."

"Kung di dahil siguro sayo baka..." nagulat ako ng tumugil sya sa paglalakad kaya naman napahinto din ako. Hinarap nya ako at mukhang seryoso.

"Sabi ko naman diba na don't mention it. As in wag mo na ung isipin. Tapos na, ligtas ka na sa sermon. Ok?"

"Gusto ko lang sana makabawi. Pwede ba kitang ihatid sa inyo?"

Mukha naman syang nagulat sa sinabi ko. O__O

"Hello? Anya? Ayus ka lang?"

"A..ayus lang ako.. Pwede ba wag mo na ako guluhin. Kaya ko umuwi magisa. Dapat pala di na lang kita tinulungan para di mo ako ngayon kinukulit." at yun tumuloy na sya sa paglalakad...

Makakapayag ba ako na walang closing remarks??

"SALAMAT ANYA!!! SA UULITIN!!"

huminto sya sa paglalakad at limingon sakin. Hala.. parang nainis ata.

Anya's POV

"SALAMAT ANYA!!! SA UULITIN!!"

Ano ba ang problema ng taong yun? Sabihin nyo nga...

"Anya!!!!" ayan nanaman...

"WHAT??!!" lumingon ako sa tumawag ng galit.

 Inaasahan ko kasi na ung lalaking makulit ang makikita ko pero.... 

"A-anya..T-tinawag lang naman *sob* kita kasi * sob* gusto ko sanang kasabay kita pauwi" paiyak na ata si Echo habang sibasabi nya un. "Pero parang *sob* galit ka. Uwaaa!!!! Ano ba nagawa ko??? Uwaa!!"

Hala. Nilapitan ko na at hinimas ung likod. Speaking of childish. 

"Echo, sorry, di ko sinasadya. Di naman ako sayo galit eh. Akala ko kasi ikaw si Ned. Wag ka na umiyak, nakakahiya sa mga tao. Pinagtitinginan na tayo eh."

Tumahan naman sya at ngumiti na.Wew..Akala ko mawawala na ung kaisa-isang kaibigan ko.

"Ano ba ang ginawa sayo ni Ned at ganyan ang galit mo sa kanya?"

"Tara na umuwi na tayo at marami pa akong gagawin." ayan ang ayaw ko minsan kay Echo, may pagkamatanong. Ayaw ko pa naman ng chismosa.

Hay.. mukhang sa library nanaman ako nito bukas.

the famous yet unknownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon