Chapter 11

71 3 3
                                    

Gino/ Ned's POV

ahh.. Grabe, nakatulog pala ako. Teka, si Anya kasama ko dida?? Hmm.. sa kanya pala tong balikat na pinatungan ko ng ulo. Ahahah.. Mamaya na ako didilat.. Wahaha!!!

5 minutes later..

Hala, ang tagal ahh.. di pa rin to gumagalaw.  Baka tulog na din. Dilat na nga ako.

"mhh..." unat- unat kunwari.

"Buti naman ant nagising ka na."

"Oh, akala ko tulog ka din".. grabe naman to akala ko tulog, di rin kasi gumagalaw. Diba parang yung sa mga palabas. Yung isang babae tapos isang lalake, makukulong sa isang kwarto tapos makakaidlip sila. Diba ang cute ng mga ganun?? (teka parang ang bading ko ata)

"Bakit ako matutulog?"

"ahhh, wala naman, di ka kasi gumagalaw."

"Bakit pag nagbabasa ba kailangan sumasayaw? At pano mo nalaman na hindi ako gumagalaw, tulog ka ba talaga?"

"ahh.. oo naman"

Di na sumagot sya sumagot at tininan lang ako ng pagkasama-sama.

"Anong oras na ba Anya?"

"Wala ka bang Relo?"

"Meron,sinusubukan ko lang kung kakausapin mo pa ako.. ahaha"

Bigla naman syang tumayo at naglakad palabas ng library.

"Ui! Anya, teka lang!"

Naabutan ko sya at mukang uuwi na sya. Nagtaka nga ako.. Hindi naman nya dala kanina yung gamit nya, pero ngayon bitbit na nya. Napano yun??

"Uuwi ka na Anya?"

"Alangan naman dito ako matulog? Gabi na kaya?"

"Haa! Gabi na? teka lang?" at pagtingin ko sa relo ko ay 6:30 na ng gabi. Hala ganun ba ako kapagod at napahaba ang tuog ko. "Ihahatid na kita Anya. Delikado na ang daan."

"Wag na, tatawagan ko na lang yung driver namin."

"Pasensya na, naabutan ka pa tuloy ng gabi dahil sa akin. Dapat kasi ginising mo ako."

"Kasalanan ko pa ngayon??"

Hala..."Hindi yan ang ibig kong sabihin."

Walang imik at patuloy ang paglalakad papunta sa exit ng school.

At ayun nga andito kami sa gate ng school at naghihintay sa kanyang sundo. Wala talagang imikan. Teka, bakit parang kinakabahan ako. Hindi naman siguro nya ako kukulamin sa sobrang galit nya.

Oh, ayan na ata yung sundo nya. Wow gara ng kotse. At Dahil gentleman ako, ako na ang nagbukas ng pinto ng kotse.

"Bye Anya' :)

Tumingin muna sya ng matalim bago sumakay ng kotse.

ahh... Patay ata ako nito.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 17, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

the famous yet unknownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon