Chapter 10

48 1 0
                                    

Anya's POV

Ahhhh.. nakakatamad pumasok.. Dito na lang ako sa Library

Puro na lang PE. School for sports ba to na pinasukan ko??

"Ahh.. hirap naman ng buhay. Nakakapagod na nga sa shooting, tapos pagdating ko dito PE pa.. ahhh.. sino di mapapagod??.. sagutin nyo nga ako??"

Sino ba yung nagsasalita?? At ang mas nakakapagtaka, bakit nya kausap sarili nya???

"oh Anya, andito ka rin pala"

Ahh.. nakita na nya ako. Paglingon ko, hulaan nyo kung sino nakita ko?? Yuhg bago lang namin na kaklase.. Neil? Nem? Ned?? ahh.. oo , Ned nga.

"Oh, Bakit ganyan ka makatingin Anya? Gwapo ba talaga ako?"

oh.. C'mon.. ganito ba 'to kayabang?

"Ahh.. Hindi naman, nagtataka lang ako. Bakit nandito ka sa library. Basketball ang PE natin ngayon ah.. Diba pag mga lalake mahilig sa Basketball?" tanong ko lang.. Diba ganun naman.. Ganun kasi  sa mga nabasa ko.

Wait, umupo sya sa tabi ko. Nakaupo lang kasi ako sa sahig at nakasanday ang likod ko sa isang shelf. Pagkaupo nya ay sumanday din sya sa shelf at pinikit ang mga mata.

Grabe naman ang eyebags nito, mukha din syang pagod...

"Oh bakit ganyan ka makatingin? Matunaw ako nyan"

Nagulat ako dun ahh.. Kala ko ba nakapikit yan.. Third eye?.. Napatingin pala ako sa kanya.. ano ba yan..

"Ahh wala naman.. Check ko lang kasi kung may masama kang balak kaya nandito ka"

"pss.. Sa gwapo kong to??'

"OO"

"Ouch., grabe ka naman.. Kung alam mo lang... Maraming nagkakagulo para lang mapansin ko, at marami ang papatay para lang maging tulad mo, na makatabi ako at ma solo sa isang kwarto"

"They may Rest in Peace"

.......

Akward.. Tumahimik bigla.. Tulog na ata to... Ok. Pagpapatuloy ko na lang ang pagbabasa. 

"zzzzzZZZ.."

Tulog nga.

Tatayo na sana ako ng biglang pumatong ang ulo nya sa balikat ko. Ang bigat ah.. Ano ba yan? Pano to?? ehhh.. itinaas ko ang balikat ko, pero walang epek. 

"10 minutes lang". wow, nagsasalita pala to habang tulog.

Ahh.. kung di lang talaga to pagod, binagsak ko na ang ulo nito sa sahig. Pero dahil sa nice ako, hahayaan ko muna, tutal nakakapagbasa naman ako.

"zzzzZZZ"

the famous yet unknownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon