The other side

55 4 0
                                    





| The other side

Sht.

Hindi ko alam kung ilang beses na ba akong nagmura sa isipan ko dahil hindi ko magawang sabihin ng malakas lalo na at nasa loob ako ng sasakyan ni Kade.

Oh for the love of God. Bakit ko nga ba ulit naisipang sumabay dito kay Kade? Right. Dahil bukod sa hindi ko alam kung san ako uuwi, hindi ako marunong mag drive. Sht talaga.

Dapat pala kahit wala kaming kotse dati, nagpaturo pa rin ako sa pinsan ko na mag drive. Kahit napaka yabang nya, dapat pala tiniis ko nalang yun para marunong ako ngayon. Ugh regrets for the things you didn't do when you had the chance.

Sabay kaming napatingin ni kade sa lap ko ng biglang mag ring ang phone ko. Nagmamadali ko tuloy iyon na hinanap sa bag ko para sagutin ang tawag.

"Hey Cal?! Where are you? We're having dinner at JJ's and you're 20 minutes late btw." sumisigaw na sabi sakin ni B. Dinner? JJ's? Akala ko magpa party? Napagdesisyunan na ba nila na wag nalang mag party?

"Akala ko ba magpaparty kayo?" Sagot ko sakanila. Napalingon ako sa side ni Kade at nakita kong nakatingin din sya sakin. Medyo naiilang pa rin ako sakanya lalo na at mas malapit yung pagitan namin ngayon. Ngumuso ako sa harap nya. He mouthed what. Siguro hindi nya na gets yung mini mean ko. Tinakpan ko ng isa kong kamay yung speaker ng phone bago ulit humarap sakanya.

"Eyes on the road." Mahina kong sabi na ikinakunot ng noo nya. "I am really greatful for your help but at least, get me home safe." Sabi ko sabay balik ulit ng phone sa tenga ko.

"Hey Cal, are you listening to me?! Cali!!" sumisigaw na naman na sabi ni B. Bakit feeling ko e lasing na sya kahit hindi pa naman yata sila nakainom.

"Yes? Where are we having dinner again?"

"The usual. It's JJ's baka nakalimutan mo na din pati to? god I seriously don't know what's happening to you." naiistress na sabi ni B sakin.

"Got it." Tumingin ako kay Kade na nakatingin na naman sakin.

"Sa JJ's nalang ako. Malapit lang ba yun?" tanong ko sakanya.

"Just a five minutes drive from here." Sagot nya na tila nalilito sabay harap sa daan.

"I'll be there in five." Sabi ko ulit kay B para matahimik na sila sa pangungulit sakin.

"Finally! Drive safely. Bye!" Excited na sabi ni B na ipinagtataka ko din sabay patay ng tawag. What does she mean with "finally" and drive safely?

Right. Hindi nga pala nila alam na hindi ako marunong mag drive at nakisabay lang ako kay Kade. At hindi nila pwedeng malaman to.

"Can you just drop me near JJ's. I don't want them to see you." walang emosyon na sabi ko sakanya habang inaayos ang aking gamit.

"Weird." Mahina nyang sabi sabay park sa unahan ng JJ's malapit sa isang convenient store. Napatigil ako sa sinabi nya pero hindi ko na magawang magsalita dahil inunlock na nya yung pinto ng kotse nya.

"Thanks for the ride." mabilis na sabi ko nang makababa sa sasakyan nya sabay sara ng pinto. Hindi ko na hinintay pa na maka alis sya at agad na akong tumalikod papunta sa JJ's.

She's Not HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon