My mirror's staring back at me

54 3 0
                                    

"Life is a series of thousands
of tiny miracles all you need to
do is notice them."




| My mirror's staring back at me



"Oh go fuck yourself, asshole!!"

Nagising ako sa isang napakalakas na sigaw na may kasamang dalawang mura. Automatic na hinanap ng mga mata ko yung orasan na nakasabit sa dingding kaharap mismo ng kama na hinihigaan ko pero imbes na iyon ang makita ko, isang napaka laking flatscreen tv ang bumungad sa akin.

Napakunot ang noo ko, at agad na napabalikwas ng bangon. Sinuyod ko ang aking silid. Kulay krema na may halong violet.

Hindi ito ang kwarto ko. Hindi ko maalala na meron akong ganito kalaki na flat screen Tv. At mas lalong hindi ko maalala na kulay krema ang kwarto ko na parang kinain ni Barney dahil halos lahat ng gamit ay puti o kaya violet.

Tumayo ako at nilibot ang aking paningin sa kabuuan ng silid. Una ang napakalaking flat screen tv sa gitna mismo kaharap ng kama na hinigaan ko kani - kanina lang. Pangalawa, ang puti at violet na queen sized bed na halos magkasya ang 4 na tao sa sobrang laki. Pangatlo, ang sliding door sa may kaliwa kung san naron ang veranda. Pang apat, ang mga mamahaling paintings na nakakabit sa bawat dingding at ang napaka eleganteng chandelier sa pinaka gitna ng kwarto. Pang lima, ang napaka puting cotton carpet na inaapakan ko ngayon.

Isa lang ang masasabi ko. Ang laki at sobrang ganda ng kwarto ko. Pero teka, hindi ko to kwarto. Kaninong kwarto ito?

Masyado akong namangha sa mga nakita ko ng maalala ko na may pasok pa pala ako. Biglang hinanap ng mata ko kung nasan ang orasan. Dumako ang tingin ko sa kanan kung nasan ang bedside table at halos mapasabunot ako sa aking buhok ng makita na 6:14 am na ng umaga at 7am ang unang klase ko.

Agad kong hinanap ang pinto para lumabas pero nagulat ako dahil ng binuksan ko iyon ay isang cabinet pala ng damit. Hindi, hindi lang to basta cabinet dahil sa sobrang laki neto, pwedeng magkasya ang sampung tao dito.

Namangha ako sa pagkaka ayos ng mga damit at sapatos. Hindi lang basta damit at sapatos kundi pati lahat ng gamit na kelangan ng babae ay nandito na mapa make up man o alahas.

Ibang klase! Hanep, nasan ako? Wala akong maalala na may ganito sa kwarto ko.

Sa pinaka gitna ay may nakita ulit akong pintuan. Agad ko itong binuksan sa pag aakala na baka ito na ang pinto palabas pero hindi parin pala dahil sa likod ng pintong ito ay ang napaka laking banyo. Isinara ko ito at lumabas na ng silid.

Nasan ba ang daan palabas? Bakit sobrang laki naman ata ng kwarto na ito? Kanino ba to at pinakamalaking tanong, nasaan ba ko at anong ginagawa ko sa kwarto na to? Napatigil ako sa pag iisip ng makita ko ang repleksyon ko sa salamin.

Sino sya?

Ako ba sya?

Sinubukan kong magsalita pero ganon din ang ginawa ng babae sa salamin. Napahawak ako bigla sa buong katawan ko.

"Sht, ako ba to?" Nasambit ko bigla.

Kilala ko kung sino ako pero hindi ito ang Zari na kilala ko. Sa pagkaka tanda ko, mahaba ang buhok ko na kulay itim at higit sa lahat, morena ako. Kelan pa ako pumuti ng ganito?

Lumapit ako ng mas malapit sa salamin at naguguluhan akong napatitig ng maigi. Ibang babae talaga ang nakikita ko pero isa lang ang alam ko ..



I'm not her.

She's Not HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon