Chapter 3 - Newspaper Clippings

101 5 0
                                    

October 7, Saturday 9:15 PM  

"When did you receive the chain letter?" Si Frances kay Allie.

Dalawang bahay lang ang layo ng tirahan nito kina Serena. Nagkataong wala ang mga magulang at kapatid nito, sa salas sila pinatuloy ng babae. Sadyang nagkita sina Frances, Mateo at Jenna sa burol ni Serena para pag-usapan ang tungkol sa cursed letter. Ayaw talagang sumama ni Allie sa grupo, napapayag na lang ito ni Cath.

"None of your business," tugon ng kaibigan. "As if it matters -"

"Gusto lang namin na hindi ka mamatay, Allie," pakikisali niya. "Please, cooperate."

"Ewan ko dyan sa BFF mo." Tumayo mula sa kinapwewestuhang silya si Frances. "May kukunin lang ako sa kuwarto ko."

"Huwebes ko natanggap ang chain letter, Al," maingat na saad ng ex ni Allie nang iwan na sila ni Frances sa salas.

Al? naisaloob niya. Ang binata lang ang tumatawag ng 'Al' sa kaibigan. Special nickname nito. Nakita niya na sumimangot ito.

"I got mine last Friday." Nagkibit-balikat ang dalaga. "But I really don't think it matters. Hindi totoo ang cursed letter na 'yan."

Nakaupo sila ng kaibigan sa mahabang sofa. Sa kabilang bahagi ng mesitang pumapagitna sa kanila, nakapwesto naman sa tig-isang silya sina Mateo at Jenna. Hindi sinasadya, dumako ang mga mata ni Allie sa katabi ng ex. Sabay ng pagtungo ni Jenna, inirapan ito ng dalaga.

Kapitbahay at childhood friend ni Mateo si Jenna. Batch mate nila ang babae pero sa Maynila ito nagtapos ng junior high. Morena ito taliwas sa mestiza beauty ni Allie. Bagamat straight at hanggang baywang din ang buhok, brown ang buhok nito; kontra sa raven black shade ng kaibigan. Naka-jeans din si Jenna katulad ng boyfriend nito. Pero habang napaka-macho ng binata sa three fourths nitong grey shirt, napaka-femine naman ng babae sa rose pink nitong blouse.

Cath had to admit na bagay din sina Mateo at Jenna sa isa't isa. Kung sana nga lang ay nagtapat na lang nang mas maaga ang dalawa kay Allie. Parang kinurot ang puso niya. Muling napaawa sa kaibigan.

May ibinagsak na mga ginupit-gupit na dyaryo si Frances sa ibabaw ng mesita. "News clippings na nakuha ko sa iba't ibang dyaryo," sabi nito sa kaibigan na tinaasan ito ng kilay. "Mga ebidensya ko na authentic ang chain letter."

==========

MAHIGIT DALAWAMPU ang mga newspaper cutting. Mga balita ukol sa iba't ibang klase ng aksidente. Karaniwan ang pagkabangga, pagkalunod at pagkahulog. May mga nakakatakot din katulad ng nangyari kay Serena - mga nasunog at nakoryente. Isang balita ang nagpangiwi kay Cath.

Binasa niya nang malakas ang hawak na clipping. "January 15, 2017 ang date ng balita. Mag-aalas dos ng hapon sa Kundiman St. Quezon City. Patay on the spot si Millie Anne Dahilig, estudyante, edad 16. Nabagsakan ng glass pane ng malaking bintana si Dahilig mula sa sixth floor ng isang commercial building.

Halos hindi makilala si Dahilig sa mga piraso ng salaming humiwa sa mukha nito. Ang pinakamalaking piraso ng salamin ay tumusok sa leeg na naging sanhi ng kamatayan nito."

Inayos niya ang eyeglasses sa mga paningin bago tunghayan si Allie. Nakamasid lang ito sa kanila. Bored sa mga newspaper clippings na binabasa at pinag-aaralan nila.

Nagtanong naman si Allie. Sarcastic. "So, what's the connection?"

Si Mateo ang sumagot. "Schoolmate siya ni Jenna sa San Sebastian College. Kaklase si Millie ng bunso niyang kapatid sa Maynila. Kumalat sa campus na nakatanggap si Millie ng cursed letter."

Tumango lang ang girlfriend nito bilang pag-ayon.

"Anyway, sobrang weird din ang aksidente." Binasa uli ni Cath ang hawak na article. "Ang sabi rito, nakapagtataka daw ang nangyari dahil secured daw at laging ini-inspect ang mga salamin. Pwede rin daw umiwas si Dahilig pero ayon sa mga witness, para daw napako sa kinatatayuan si Dahilig. Blangko raw ang mga mata habang nakatingin sa pabagsak na salamin."

"Parang may nakitang kung ano," dagdag ni Frances. Ibinigay nito ang binabasa sa kanya. "Read this. Headline ito last October 2."

------------------------------------------------

Binatilyo, Nag-suicide?

Dakong alas kuwatro ng hapon nang mabulabog ang tahimik na kalye ng 23 Blumentritt, San Roque Laguna sa pagbagsak ng isang binata mula sa fourth floor ng isang boarding house. Ang binata ay nakilalang si Emil Suria, tubong Pakil, Laguna, bente anyos.

Ayon sa imbestigasyon, balisa at pinanlalamigan si Suria nang maratnan ito ng board mate nitong si Danilo Impoy, tanging saksi sa loob ng kuwarto nila. Sinabi ni Suria na mamatay daw ito dahil sa cursed letter. Tinangka pa itong kausapin ni Impoy nang biglang mablangko ang mga tingin nito sa isang direksyon at sabihing, 'Narito na siya'. Noon tumakbo si Suria sa balkon ng apartment at tumalon.

---------------------------------------

"I wonder?" Nag-uuyam na naman ang tono ni Allie. Dumampot ito ng ilang clippings sa ibabaw ng mesita at ini-scan ang mga date nito. "October 2016 ang pinakalumang date sa koleksyon mo, Frances. This... whatever you want to call it has been going on for two years, now."

Ibinagsak nito ang mga hawak. Ikinakalat sa mesita. "At hindi pa siguro kumpleto ang mga ito. Mas marami pa ang namatay sa 'whatever' na 'yun kung maghahanap ka pa sa mga dyaryo. The thing is... Bakit walang ginagawa ang mga pulis? I'll tell you why... It's because they also think it's stupid!"

Gumuhit ang nang-aasar na ngiti sa pulang mga labi ni Frances. "It's because no one has ever figured it out aside from me. And FYI, may pulis na ngayong nag-iimbestiga."

Isa pang newspaper clipping ang iniabot nito sa kanya. "May lead na rin sa origin ng cursed letter."

Ini-adjust ni Cath ang salamin sa mga mata para basahin ang article. Ini-snatch ito ni Allie at napapangising napataas-kilay.

"No... Shit," anito.

[Edited: 041218]

______________

AN: So, ano kaya ang nabasa ni Allie? Maniniwala na kaya siya sa 'cursed letter'?

Hi there, paki-vote po kung nagustuhan. Thanks a lot.

- Maylen

The Cursed Chain Letter (Published by Bookware)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon