3. My Happy Heart

Start from the beginning
                                    


------------------


"NAPANO KA?" nag-aalalang tanong ni Ruben nang tawagan ito ni Erisha kanina habang umiiyak siya sa sasakyan. Batid niyang hindi niya kayang magmaneho kapag ganoon ang pakiramdam niya.

Bakas ang pag-alala sa boses nito nang sagutin nito ang tawag niya. Ilang sandali pa ay may humintong taxi sa unahan ng sasakyan niya. Lulan niyon si Ruben. Pumasok ito sa may passenger's side at mahigpit na gingagap ang kanyang kamay.

Hindi siya makasagot sa tanong nito. Humagulgol lamang siya.

"Shit! Huwag mo akong takutin, Rish! Tell me what's wrong," anito na tila hindi malaman ang gagawin. Naroong hahalikan nito ang palad niya at pagkuwan ay hahaplusin. O kaya naman ay papahirin ang mga luha niyang ayaw tumigil sa pag-agos.

At sa pagitan ng hikbi ay isinalaysay niya rito ang tungkol sa mga kababaihan sa orphanage.

Marahan siya nitong hinila mula sa driver's seat hanggang sa natagpuan niya ang sariling nakakandong dito. Mahigpit siyang niyakap nito.

"You have me. You can take it out on me, Rish. I'll be like Spongebob. I'll absorb all your worries and I'll always be here for you. Always," bulong nito malapit sa kanyang tainga.

Sa kabila ng mga luha ay napangiti siya at nag-angat ng tingin.

"Thank you, Ruben. I'm so blessed to have a bestfriend like you," aniya. Pinahid nito ang luhaan niyang pisngi at hinagkan ang tungki ng kanyang ilong.

"I'm even more blessed I have you, Rish. More than you'll ever know," sagot nito at muli siyang niyakap nang mahigpit.

Muli ay humilig siya sa dibdib nito. Hindi na siya magrereklamo kahit hindi siya mamahalin nito nang higit pa sa isang kaibigan. Those kids don't even know what it feels to have a bestfriend like Ruben. Masuwerte pa rin siya dahil may kaibigan siyang tulad nito.

Sana lang ay matanggap din iyon ng puso niya balang araw.

"Ready to go home?" tanong nito maya-maya. Tumango siya ngunit hindi agad kumawala sa bisig nito. Bumuntunghininga ito at hinalikan siya sa noo.

"I wish I can drive and hold you at the same time. Pero hindi tayo kasya sa driver's seat. Maliit itong kotse mo eh. Kung sa sasakyan ko, pwede pa," anito. Napangiti siya at muling nag-angat ng tingin. Hindi mapigilang dumampi ang labi niya sa baba nito.

"Thank you uli," aniya. Sandali siya nitong tinitigan bago pinahilig uli sa dibdib nito. Ilang beses itong huminga ng malalim habang ang mukha nito ay ibinaon sa kanyang buhok.


------

"BELATED congratulations, guys!" bati ni Erisha nang pumasok siya sa studio ng Southern Fever. Huli na nang malaman niyang nagkaroon ito ng kontrata sa isang sikat na recording company sa bansa.

"Hey!" masayang bati ni Ruben. Agad siya nitong sinalubong ng mahigpit na yakap. Kinuha rin nito sa kanya ang bitbit niyang box ng pizza na paborito ng mga ito. "Nag-abala ka pa," anito at iginiya siya sa loob at pinaupo sa sofa. Tumuloy naman ito sa kusina.

"Kumusta Rish?" tanong ng drummer na si Jigs. Nakapuwesto ito sa likod ng drumset. Seryoso namang nag-uusap sa isang sulok ang ibang miyembro ng banda. Mukhang nasa kalagitnaan ng rehearsal ang mga ito.

"Ayos naman," tugon niya. Tiningala niya si Ruben na noon ay kababalik lang mula sa kusina. Hula niyang inilagay niyo sa ref ang dala niyang cake. Tumabi ito sa kanya at umakbay sa kanya.

"Wala kang pasok?" tanong nito at lalo pa siyang kinabig palapit sa katawan nito.

"Weekends ang restday ko eh," sagot niya at nakangiting bumaling dito. He was smiling at her too. Iyong uri ng ngiti na tila ba natutuwa ito sa sagot niya.

Love Was Made for Us [PHR]Where stories live. Discover now